Chapter 5 - 24/7 Open

124 2 0
                                    

"BOY GATAS?! / IKAW NANAMAN?!" sabay naming sigaw.

"A-Anong ginagawa mo d-dito?!" nauutal utal kong sigaw sa kanya habang nakataas ang kilay.

"Hahaha. 'Diba dapat ako ang magtanong sayo niyan? ANONG GINAGAWA MO DITO? HA?!" sabi niya na galit na galit 'tila bang gusto na niya kong sakalin.

"Wag na nga kayo mag-away. Siya si Kath, DJ. Transferee siya dito." sabat ni Gel.

"Wala akong pakialam kung anumang pangalan mo. May pa bangs bangs ka pang nalalaman. Hindi bagay. May atraso kapa sa akin. Hah! Tingnan natin kung tatagal ka dito." binigyan niya ako ng demonyong ngiti sabay alis.

"H-Hoy! Di pa tayo--" sigaw ko sa kanya pero,

"Tama na bes. Hayaan mo nalang siya, Tara. May naiwan ka sa Auditorium, Diba?" sabi ni Gel at hinawakan niya kamay ko papuntang Auditorium.

Pag pasok namin ng Auditorium, Agad namin hinanap ang payong ko. Medyo madilim kaya wala akong makita.. May napulot ako kaya akala ko yun na yung payong pero..

"Ano 'to? Bat may spray paints dito? 'Diba malinis na 'tong Auditorium kanina?" sumimangot ako habang inalog alog ang spray paints. "Wala ng laman. Siguro si Boy Gatas nanaman nagtapon nito dito. Paki-On nga ng ilaw bes. Baka kung ano pa tinapon nun dito." dagdag ko at agad ko tinapon sa basurahan ang spray paints.

"Ohmygosh........BES tingnan mo!" sigaw ni Gel habang nakaturo sa stage.

Pag lingon ko sa stage..

"AAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!! Ba't may ganyan?! A-ano yung DJFP?!" napasigaw ako sa nakita ko. May napakalaking vandal ng graffiti sa front stage. Siguro yung mokong na Boy Gatas nanaman ang may gawa! -_________- Lagot siya sakin bukas. Isusumbong ko siya.

"D-Daniel John Ford Padilla. Initials yan ni DJ." sabi ni Gel habang naka frown face.

"Tara. Umalis na tayo dito. Maaga tayong pupunta ng school bukas para ipa-alam to sa Disicpline Coordinators." sabi ko at tumango nalang siya.

Habang papalabas kami ng Auditorium, Naiirita parin ako kay Boy Gatas. Ewan ko ba. Nakakabadtrip talaga siya, Forever. Sobrang nakakainis. Malas talaga ang parating dala niya sa akin. Siya na siguro ang worst na taong pinanganak sa mundong to. Bwisit!! -_____-

Paglabas namin ng School, Nakita ko siyang naka-abang sa gate. As usual, Nakangiting nakakaloko. Para bang alam na niya kung bakit kami nakasimangot.

"Hahahahaha. What's up? Nakita niyo na ba?" kumindat pa siya habang pinapapak yung donut na dala-dala niya.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at inirapan ko lang siya.

"DJ, Mali yung ginawa mo." sabi ni Gel sa kanya. Napatigil ako nung narinig kong kinausap ni Gel si DJ.

"Gel, Halika na. Hayaan mo na yang walang kwentang tao na yan. Bukas na bukas, Makikita niya ang hinahanap niya. Yung mga ganyang klaseng tao, Hindi na dapat pinagtutuunan ng pansin. Attention seeker." sinenyasan ko na si Gel ng "Tara" kaya lumapit na siya sa akin.

Naiwan si Boy Gatas doon na gulat na gulat sa sinabi ko. Bahala siya. Sinira niya ang araw ko. Ibahin niya ko sa mga babaeng patay na patay sa kanya. Baka patayin ko pa siya. -__- Di ko siya uurungan. Away ba gusto niya? We'll see. Ngayon mo makikita ang other side ko DJ. Humanda ka.

Daniel's POV

"Gel, Halika na. Hayaan mo na yang walang kwentang tao na yan. Bukas na bukas, Makikita niya ang hinahanap niya. Yung mga ganyang klaseng tao, Hindi na dapat pinagtutuunan ng pansin. Attention seeker."

Umaga na pala. Ba't parang di mawala sa isip ko yung sinabi nung bruha na yun? Attention seeker ba talaga ako? Hindi. Hindi talaga. Wag kang magpapadala sa mga sinasabe nun DJ. Wag. Tiningnan ko ang relo ko. 4:55 AM na kaya naligo na ako at bumaba na para kumain.

"Ya, Sila mama?" tanong ko sa katulong namin at umupo na sa kainan.

"Di mo po ba alam ser? Umalis na po, Sa states." sabi ni Yaya kaya napa-ubo ako at nadura ko yung mga nginuya ko. "Ser dahan dahan lang po. Uminom po kayo ng tubig oh." agad akong uminom ng tubig.

"States?! Hindi man lang nila ako sinabihan?" agad akong tumayo at umalis na.

Talaga bang hindi sili magbabago? Bakit ganun. Simula nung namatay si Kuya, Wala na silang pakialam sa mundo. Andito pa naman ako ah.. Lahat ng mga achievements ko nung elementary hanggang ngayon, Binabalewala nila. Pero nung si kuya, Kahit konting achievements lang, Proud na proud na sila. Ako parin ba sinisisi nila sa pagkamatay ni kuya? -_-

*Flashback*

9 years old pa ako noon, at 13 years old naman si Kuya. Naglalaro kami sa tapat ng bahay ng habulan.

"DJ, Pumasok na tayo. Umaambon na eh." ngumiti siya at sinenyasan ako ng "tara"

"Ok po kuya." Tumakbo ako patawid ng biglang may rumaragasang kotse pala na papalapit sa akin.

Tumakbo si kuya papunta sa akin at tinulak ako na sanhi ng pagkabunggo niya. Sinubukan naming dalhin si kuya sa hospital pero hindi na siya umabot..

*End of Flashback*

"Bro? Hoy DJ. Nakikinig ka ba?" tinapik tapik ni Kirby ang balikat ko kaya natauhan ako.

"H-ha? May sinasabi ka ba?" sabi ko at inayos ko ang napakagulo kong buhok.

"Ano ba yan, Hindi ka pala nakikinig. Sabi ko, Pinapatawag tayo sa Discipline." sumimangot si Kirby at nag sigh.

"Pasensya na pare. Hyaan mo, Gulo ko to kaya ako mag-aayos. Hindi ka madadamay dito. Tara." huminga ako ng malalaim at tumango nalang siya.

Agad kaming pumunta sa Discipline Office para I-defend ang sarili namin. Siguro yung bruha nanaman ang may pakana nito. Hindi ba talaga siya natatakot sa pwede kong gawin sa kanya? Pssh.

Kathryn's POV

"Bes, Hindi kaba natatakot sa pwedeng gawin satin ni DJ?" pag-aalala ni Gel habang nakatitig sa akin.

"Hindi noh! Baka siya ang dapat matakot sa pwede kong gawin sa kanya." ngumiti ako at nagpatuloy sa pagkain.

Nag *sigh* nalang siya at nagpatuloy din sa pagkakain. Nag ring na ang bell kaya bumalik na kami sa Classroom. Siguro ma-ssuspend si DJ kaya for sure, Magiging masaya ang week na to! ^___^

"Yan yung BEACH na naglakas loob sisihin si DJ."

"Kelan pa nag stay si DJ dito ng late diba?"

"Kapal naman ng mukha niya!"

"Lagot siya kay DJ!!"

"Sarap sabunutannn!!!"

Natatawa ako sa mga reaction ng FANS ni DJ. Hahahaha! Ewan ko ba. Imbis na mainis ako sa mga pinagsasabi nila eh pero natatawa talaga ako. Unti unti na rin kasi akong nasasanay sa mga desperadang to. =))

Nasa kalagitnaan kami ng Quiz sa math ng biglang may kumatok sa Classroom namin.

"Good morning, Sir Chua." bati namin.

"Good morning. Please be seated. I just would like to Excuse, Miss Bernardo and Miss Mijares." anunsyo niya at bigla akong nagulat nung narinig ko yung apilyedo namin ni Gel. Siguro about to dun sa Vandalism.

Kaya ko to. At may sapat naman akong evidences. Ano pa't nag Debate Team ako diba? ^___^ Kaya kong depensahin ang sarili ko. Fight fight fight! Kath and Gel!!!

-

Ano kaya ang mangyayari sa Displine Office? Sino kaya ang mananalo? :)

Vote.Comment! <3333

24/7 Open - KathNiel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon