Chapter 11 - 24/7 Open

177 2 0
                                    

Angelica's POV

Hayy.. Pasok na naman. Buti naman at natapos ko kagabi ang Script namin para sa play. Ipapasa ko na to kay Kath para macheck at para makapagsimula na kaming mag practice. ^___^ Kinuha ko ang Script at inilagay sa bag. Ready to go na ko papunta kanila Kath.

Dala dala ko ngayon ang bag ko at Pancakes naman for breakfast na dadalhin ko kanila Kath.

"Good morning, Tita Min. si Kath po?"

"Good morning, Hija. Inutusan ko si Kath na uminom na muna ng gamot. Nasa kusina siya. Ano nanaman yang dala mo? Nag abala ka pa.." ani Tita Min, nanay ni Kath.

"Naku po, Wala yun kumpara sa naitulong niyo po sa akin. Sige po punta muna ko kay Kath." inilagay ko sa lamesa ang dala ko at tumungo sa kusina.

Pero may bgla akong nadatnan sa sahig. Isang panyo. Kinuha ko ang panyo.

"Tita, Kanino po ito?" tinaas ko ang panyo para makita ni Tita.

"Kay Ka--" nanlaki ang mata ni Tita Min nung nakita niya ang panyo kaya napatingin rin ako sa panyo. Ngunit..

May dugo ang panyo. "H-Hala? A-Ano to?" tanong ko.

Nagmadaling lumapit sa akin si Tita Min at hinila ako sa labas ng bahay.

"T-Tita?"

"Hindi ko dapat sasabihin sayo ito..pero.. matindi na ang kundisyon ni Kath." sabi niya at biglang tumulo ang luha niya.

"A-Ano po? Ha? Anong nangyayari?"

"May sakit sa puso si Kath. Isa sa mga hiling niya sa amin ang malipat sa school mo kaya binigay namin sa kanya yun habang nabubuhay pa siya." patuloy sa pagtulo ang luha ni Tita at napatulo rin ang luha ko.

*Flashback*

"Sige bes. Yung script natin, Tapusin nalang natin mamaya. Pag puyatan natin yun." sabi ko.

"Opo. *Hachoo*" napa-aching si Kath sa panyo niya.

*End of Flashback*

"Itong panyo.. Ito yung panyong inachingan niya nung araw bago siya mahimatay."

"Basta Hija.. Please, Ingatan mo si Kath.. Ayokong malaman niya ito sa ngayon.. Hindi pa ito ang tamang panahon." tumango ako at niyakap si Tita Min.

"Ma?" narinig namin ang boses ni Kath kaya agad agad kaming nagpunas ng luha at pumasok sa loob.

"Oh bes andito kana pala. Tara na." sabi ni Kath at tumango ako. Nag mano ako kay Tita Min at kumaway.

Habang naglalakad kami papuntang school, Tahimik lang ako habang nag kekwento siya. Pa tango-tango lang at pangiti-ngiti ang sagot ko kaya napansin na niya.

"Bes, Are you ok?" tanong niya.

"H-Ha? Oo naman."

"Sigurado ka ba? Baka ikaw ang sumunod sakin sa Clinic ah. Haha" biro niya at ngumiti lang ulit ako kaya napatigil na siya sa paglalakad. "Seryoso, Okay ka lang ba talaga?" tanong ulit niya.

"Oo naman. Pagod lang ako kagabi kasi tinapos ko ang script. Hehe tara na bes." palusot ko.

"Ay hala. Kaya pala galit-galitan ka sakin. Sorry na bes. Babawi ako sayo!" sagot niya at niyakap niya ako. Pinipigilan kong tumulo ang luha ko kaya pumikit pikit ako.

"Tara na bes pasok na tayosa classroom." ani ko.

Kathryn's POV

Andito na naman sa Classroom. Tinititigan ko lang yung Script na ginawa ni Gel. Infairness, Ang ganda. Satisfied na naman ako kaya wala akong babaguhin. Nag bell na para sa Recess kaya nagpalusot ako kay Gel kasi nga may usapan kami ngayon ni Kirby.

"Bes, Pasa ko lang to kay Miss Lozada ah."

"Samahan na kita." aya niya.

"Wag na. Pagod ka diba? Tsaka may pag-uusapan daw kami eh." sagot ko.

"Okay lang. sa Labas lang ako." pag i-insist niya.

"Bes.. Wag na. Okay?"

"Baka kung ano na namang mangyari sayo. Baka mahimatay kana naman. Baka bigla kang anuhin na naman diyan o kung ano pa!" sigaw niya sa akn.

"Ba't ka nagkakaganyan?" tanong ko.

"SIYEMPRE AYOKO MAWALAN NG BESTFRIEND!" sigaw niya ulit at naluluha na siya ngayon. O___O Seriously, Anong nangyayari?

"Hala.. Mamamatay ako? Agad agad? Over ka naman.." sagot ko at bigla kong naalala yung panyo kong may dugo.

"Joke lang bes.. Hehe. Kinabahan kaba?" sabi niya. Hays buti nalang. What a relief. Kala ko naman.

"Sira ulo! Kinabahan ako dun ah. Sige na bye!" kumaway ako at tumakbo papuntang faculty.

Biglang sumakit yung dibdib ko habang tumatakbo ako kaya tumigil ako at naglakad nalang. Iniabot ko kay Miss Lozada ang Script at tumungo na sa Library para makipag-usap kay Kirby.

"Kath. Psst. Dito."

"Uy Kirby." bati ko.

"Uhm.. Upo ka."

"Ano ba yung pag uusapan natin?" tanong ko.

"Ano kasi.. Uhm.. Bale ano..." sabi niya. Magtatapat ba siya sa akin? O___O

"Ano?"

"Gusto ko kasing manligaw..." napa O____O ako sa sinabi niya. Hindi pwede noh! Diba si Gel ang gusto mo?? Bat sakin ka nanliligaw.. Hindi ! Hindi talaga pwede, Kirby. Mali to! Ayok----

"...kay Gel." dagdag niya.

Ay pahiya ako dun ah. Buti nalang hindi ako sumagot. Hahahahahahahaha!!!! ^____^

"Ay.. Ano gusto mong gawin ko?"

"Balak ko kasing surpresahin siya.. Ano bang paborito niyang bulaklak?" tanong niya.

"Tulips at Green Roses." sagot ko.

"Ahh.. Sige pwede bang tulungan mokong papuntahn siya sa Garden bukas ng hapon?"

"Sure thing, Kirbs!" sagot ko at nagpaalam na siya kaya lumabas na ako at bumalik ng classroom pero tanaw na tanaw ko sa malayo ang..

Glam.

-

[A:N Kelan kaya magsisimula ang pagka-alipin ni Kath sa 3G? :D ]

Vote.Comment!! <333

24/7 Open - KathNiel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon