Chapter 3 - 24/7 Open

179 5 0
                                    

*Sa canteen*

"Ano bang madalas mong binibili dito, Bes?" sabi ko habang nakatingin sa mga tinda sa canteen.

"Kahit ano, pero madalas, Hmm. Yung fries at coke in can." sabi niya at bumili na ng dalawang order ng fries at coke. "Dun tayo umupo." dagdag niya.

"Eh, Ba't dyan? Dun tayo sa gitna oh, Walang tao." sabi ko habang nakangiti at papunta sa tinutukoy kong table.

"Huy bes. Gaga ka ba? Wag dyan! May mga nakaupo na dyan. Halika nga dito!!" sigaw ni Gel sakin habang hinihila ako sa table na tinutukoy niya kanina.

"Mamaya, Ipapaintindi ko sayo. Kumain na muna tayo." ngumiti siya at tumango nalang ako.

Maya maya, May mga grupo ng estudyante ang pumasok sa canteen. Actually, Sabay sabay sila. Mas nauuna pala i-dismiss ang mga first section kesa sa General Section, Kaya pala nauna kami sa canteen.

Galing sa Annex Bldg, May nakita akong tatlong babae na may dala-dalang mga gadgets at ang liliit ng mga bag nila. Para bang, Hindi sila nagdadala ng libro.

"Sophie, Fiona at Nathalie. Sila ang mean girls ng school. And, Popular sila. And Don't you try to mess with them kung ayaw mong magkaroon ng buhay impyerno sa school. Ayaw mo naman siguro nun 'diba?" sabi ni Gel.

"H-ha? Sinong Tatlong babae?" sabi ko, habang kumukain ng  fries.

"Hay nako bes. Alam kong kanina mo pa sila tinititigan. Siguro, Nagtataka ka kung bakit may gadgets sila kahit alam nilang bawal yun?" tanong ni Gel at tumango ako.

"Si Sophie Chen. Yung may pink na bag at may dalang Iphone 5. Anak siya ng may-ari ng school kaya kahit na anong gawin niyang major or minor offenses, Hindi mo siya basta basta mapapaalis sa school. Baka nga ang nagpaalis pa ang matanggal eh. May-ari din sila ng isang Company, Somewhere in China. At ofcourse, Siya ang leader ng Glam." sabi ni Gel habang nakatingin sa kanila.

"Glam?" tanong ko.

"Yup. Glam, In short ng Glamorous. Si Fiona at Nathalie naman yung mga kasama niya. Si Fiona Cua naman yung short hair na may blue na bag. May-ari sila ng isang Shoe Company. Specifically, Nike. And yung isa naman, si Nathalie Chui. Siya ang pinakamabait sa Glam. Siya pa yung nagpipigil minsan kay Sophie. And, Never pa siya gumawa ng scene sa school. Unlike kay Sophie." sabi ni Gel at tumango nalang ako at uminom ng coke. "Kaya kita pinigilan umupo dun kanina. Pag mamay-ari ng Glam yun eh." sabay turo ng labi niya sa table na pinuntahan ko kanina.

"Eh dalawa naman yun ah?" tanong ko pero nginitian lang niya ako.

Habang umiinom ako ng coke, Nagtaka nalang ako ng biglang nag cchismisan ang mga tao sa likod ko at yung iba, tumitili pa. Yung totoo, Anong nangyayari? Nandito ba si Zac Efron? o di kaya ang One direction??????? Obviously, Wala. Asa naman noh.

"OHMYGOSH! Si DJ, Ang pogi niya talaga."

"New look si DJ ngayon ah?! Mas gumwapo!"

"Namiss ko si DJ!!!! Ngayon ko nalang ulit siya nakita!!!"

"Dereeeekkk!!!! Ang pogi pogi mo talaga."

"si Kirby oh! I love you!"

Ano ba naman to. Ang ingay bigla ng canteen. Ano bang meron??? -___-

"Bes, Sino yung mga tinutukoy nila?" nakasimangot ako at inubos ko na ang kinakain ko. Ayoko naman mag stay dito noh. Ang ingay kaya.

"Ayun oh. Sila DJ." sabay turo niya sa tatlong lalaking kakapasok lang ng canteen. Medyo familiar ang mukha nung dalawa. Pero yung isa.. Ewan ko. First time ko pa siya nakikita.

"Ba't parang famil-- Wait, Papunta ba sila dito satin?!" nagmadali akong tumingin sa salamin at umupo ng maayos.

"Hi Angelica, Sino yang kasam-- Uy! si Milkita pala to eh. Haha! Hello. I'm Kirby. Ako yung kahapon sa Convenience store." Aba, Loko to ah. Anong milkita?!!!! -____-" inabot niya ang kamay niya at ngumiti.

"Hello. Wag mo nga akong tawaging Milkita. Kath nalang itawag mo sakin." at nagshake hands kami.

" Hahaha! Osige na nga Kath. Sya nga pala, si Derek at si D-- Nasan si DJ?" lumingon lingon siya at tiningnan si Derek.

"Ayun oh. Bumibili na sa Canteen. Siya nalang daw mag o-order sa atin. Hello, Ako si Derek." nag ngitian kami at nag shake hands.

"Halikayo, Dun tayo sa table namin." aya ni Kirby pero umiling kami.

"Kakatapos lang namin kumain, at may gagawin pa kami eh. Next time nalang ah. Bye Kirby, Bye Derek!" sabi ni Angelica at tumango nalang sila. Pero nung paalis na kami, Nagsi-tinginan ang mga babae sa amin at nagbubulungan.

"HAY NAKO. Kahit kelan talaga, Yang Angelica nayan! Napaka flirt. Err, Akin lang si Kirby noh!"

"Sino naman yang kasama ng BEACH na yan?!"

"Ke-bago bago, Ang landi landi na."

"HIGAD!! LANDI MO."

"Buti nalang hindi niya nilandi si DJ. Baka gawin ko siyang punching bag."

Seryoso ba kayo sa naririnig ko??? -____- Sino ba yang DJ na yan? At hindi ako malandi noh. Nakikipagkaibigan lang ako. Bwiseeet! Nakakainis. Wag naman sana nila sirain ang napakagandang mood ko ngayon noh. Psssh.

-

Hindi pa nagkikita si Kathryn at DJ sa school. Hahaha! :)

VOTE AND COMMENT!! <33

24/7 Open - KathNiel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon