Kabanata 3

140 5 0
                                    

Kabanata 3 : Crush

--x--  --x--  --x--  --x--  --x--

Hailey's POV

"Brie, hurry up!" Sigaw ko kay Brie na kanina pa nagsusuklay ng buhok niya.

Ngayon na ang 1st day ng trip namin sa isang beach, 3 days and 2 nights.

Ayon kay ma'am, may limang cabins daw sa beach na 'yon at magsasama-sama ang magka-kagrupo sa isang cabin. Si ma'am naman daw ay kasama ng group 1.

Naka-ready na ako at naghihintay habang naka-upo sa kama kay Brie. Dadalhin ko rin si Caramel kasi wala akong pag-iiwan sa kanya dito.

I'm wearing a plain white t-shirt that is tucked in my denim shorts. I also wore my sneakers for now. Suot ko pa rin ang salamin ko at naka-twinbraid ang buhok ko. Suot ko rin ang blue headband na regalo sa'kin ni Brie noon.

"I'm ready!" Ani Brie at tsaka tumayo.

"Ang ganda mo talaga, teh." Wala sa sarili kong sabi. She just chuckled and pinched my cheeks.

Brie is also wearing the same outfit as me. Para daw 'pag nagkahiwalay kami, mabilis naming mahahanap ang isa't isa. Nakababa lang ang mahaba niyang buhok at suot niya din ang pink na headband na regalo ko naman sa kanya noon.

"Let's go!" Aniya at hinila ang maliit na pink na maletang kung saan nakalagay ang mga damit niya at kung ano-ano pang bagay. Hinila ko naman ang blue kong maleta.

.

.

.

--x--  --x--  --x--  --x--

3rd Person's View

Nagtipon na ang Section B sa labas ng school habang nagsama-sama ang magkakagrupo. Iba-ibang lugar ang pupuntahan ng limang section. Ang Section B ay sa beach.

"Wala pa rin 'yong girls?" Naiinip na tanong ni Harry habang naka-upo sa maleta ni James.

"Kiel, ayos lang ba hitsura ko?" Tanong ni James kay Ezekiel na bitbit din si Choco.

"May salamin kang hawak. E 'di tingnan mo sarili mo." Sarkastikong sabi ni Ezekiel sa kanya. James just huffed in annoyance sabay tingin sa salaming hawak niya.

"Hi, guys!" Bati ni Chelsea na bagong dating lang.

"Good morning!" Bati rin sa kanya nila James at Harry.

"Wala pa sila Brie-- wah! Ang cute!" Chelsea exclaimed as she saw Ezekiel holding a puppy.

Arf! Arf!

"Aw~! Anong pangalan niya?" Abot tenga nitong ngiti.

"Choco." Tipid na sagot ni Ezekiel.

"Can I pet him?" Tanong ni Chelsea. Tumango naman si Ezekiel.

Arf! Arf!

"ANG CUTE!!"

"Brianna! Hailey!" Tawag ni Harry sa bagong dating na dalawa at kumaway-kaway.

"Is that a kitten?!" Bulaslas ni Chelsea nang makita ang kuting na naka-upo sa maletang hila-hila ni Hailey.

"Yup. Wala akong mapapag-iwanan sa kanya sa apartment eh." Ani Hailey.

"Same." Ani Ezekiel kaya napunta sa kanya ang tingin nila.

"Oh! Puppy!"

"Anong pangalan ni muning-muning?" Tanong ni Harry habang nilalaro ang kuting ni Hailey.

ʙᴇʜɪɴᴅ ʜᴇʀ ꜱᴍɪʟᴇ || ᴏɴ-ɢᴏɪɴɢ 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon