SIYA SI CAMILLE GUERRERO, namatay ang tatay niya dahil sa sakit na cancer noong 10 years old pa lang siya, at ang kapatid naman niya ay 5years old pa lamang sa mga panahon na 'yun. May kaya ang pamilya niya dahil ang nanay niya ay isang guro habang ang tatay naman niya ay isang nurse. Ngunit sa kasamaang palad maaga itong namatay dahil sa sakit. Naghirap din sila nang namatay ang kanyang ama, nabaon sila sa utang dahil sa mga gamot at mga bayarin sa hospital. Kaya naman minabuti ng kanyang ina na magtrabaho sa ibang bansa dahil mas malaki ang sahod doon.Noong panahon na umalis na ang ina ay iniwan sila sa pangangalaga sa kanilang yaya. Nakagraduate siya ng elementary na Wala sa tabi niya ang ina, tanging ang yaya lang nila ang nagsabit ng kanilang medalya. Unti-unti ay nabayaran din ng kanyang ina ang mga utang nila.
Malapit na ang graduation ni Camille sa high school ng nabalitaan niya na nagkasakit ang kanyang ina sa ibang bansa, at pinapauwi na ito ng kanyang amo. Noong araw na umuwi ang kanyang ina ay siya na mismo ang nag alaga nito dahil pinapaalis na niya Ang kanilang katulong para makatipid sa gastusin sa bahay. Grade 5 palang ang kapatid niya na si arnold, Kaya kailangan din niyang makakita ng trabaho. Wala ding kaanak ang mga magulang nila dahil patay na rin ang mga magulang ng mga ito at Wala ding mga kapatid.
Pagkagraduate niya ng highschool, ay nagpaalam na siya sa kanyang ina na magtrabaho na siya sa kabilang lungsod bilang isang kasambahay.
______________________
HINDI naging madali kay Camille ang unang pasok niya sa trabaho. Dahil sa first time pa niyang tumira at manilbihan sa ibang tao. Nag aadjust pa siya na pakisamahan ang magiging amo niya.
Mabait naman ang mga ito sa kanya, at kapag may hihigiin siyang pabor ay binibigay naman ng kanyang amo. Bakla ang amo niya na may ka live in na isang lalaki. Tatlo lang sila ni Camille na nakatira sa bahay.
Negosyante si Tristan-ang bakla niyang amo habang si Roel naman ay isang teacher. Mababait ang mga Ito sa kanya kaya madali lang siyang nakakaadjust.
Wala palagi ang amo ni Camille buong araw kasi umaalis ang mga ito para sa kanya kanyang trabaho, at gabi lang ang mga ito uuwi. Kaya madali lang sa kanya ang gawain niya sa araw araw.
Lumipas ang mga araw at naging buwan hanngang sa umabot siya ng isang taon. Dahil sa kabutihan ng mga amo niya ay pinagbuti niya ang kanyang trabaho para magampanan niya ang kanyang tungkulin bilang katulong. Naging closed din sila ng kanyang among bakla , na para bang hindi katulong ang turing sa kanya kundi isang kaibigan.
BINABASA MO ANG
THE BABY MAKER (short story) Complete
Short StoryAng storyang Ito ay angkop Ang isang babaeng handang gawin ang lahat para sa pamilya niya. Abangan ang kwento ni Camille Guerrero, isang dalaga na naging ''BABY MAKER'' para lang matustusan ang pamilya.. Mature Contents