Unedited
NAKATULALA parin si Tristan habang titig na titig sa babaeng nasa harapan niya. Hindi siya kumurap dahil baka maglaho nalang ito bigla.
"Daddy, are you okay?" tanong sa kanya ni Sam Angelo na may kasama pang kurot, kaya parang nagising siya sa panaginip niya at tinignan ang anak.
"Yeah, I thought she's your mom."nakangiti niyang sagot at unti-unting tinignan ang teacher ng mga anak.
Kaya lang natigilan na naman siya sa nakita. Si Camille talaga e. Ilang ulit siyang kumurap pero si Camille talaga ang nakita niya."Hahaha, sir are you okay?" Natatawang tanong ng babae, kaya natigilan siya.
"Am I dreaming?" tanong niya sa sarili na narinig naman ng kaharap.
"No sir, it's me camille guerero and I'm a new teacher of your kids." sagot nito at matamis itong ngumiti sa kanya.
Pero nagulat ito ng bigla niya itong niyakap. " Oh, god camille I miss you so much, thanks god your back!" masayang Sabi niya na nakayakap parin sa babaeng kaharap niya.
"Camille, tapos na ba ang klase mo? pwede na ba tayong umalis?" natigilan siya ng may lalaking tumawag sa dalaga at nagyaya ng umalis.
Bumitaw siya sa pagyakap dito at tinignan ang lalaki. Gwapo ito at halatang mayaman, nakasuot ito doctor coat.
"Camille, who is he?" tanong ng lalaki na parang sinusuri din siya.
"Ako lang naman ang ama ng mga anak niy~"
"Father siya ng dalawang cute na mga batang to. "putol nito sa sasabihin niya at ito na mismo ang sumagot sa tanong ng lalaki.
"Sir, aalis na po ako tapos na po silang kumain ng lunch, pinakain ko na po sila kasi nagugutom na sila kanina. Sige po mauna na po kami. " paalam nito sa kanya at agad siyang tinalikuran.
Hindi pa man ito nakakalayo ay agad siyang humakbang papunta kay camille at pinigilan ito sa braso.
"Camille, please wag ka munang aalis." pakiusap niya. Tinitigan lang siya nito pero hindi nagsasalita."Please mag-usap muna tayo camille."
"Camille, tayo na may trabaho pa ako e." nakasimangot na ang lalaki na nakatingin sa kanila.
"Sorry sir, usap nalang tayo sa susunod na mga araw." Inalis nito ang kamay niya na nakahawak sa braso nito at agad na umalis.
" Let's go Alex." aya nito sa lalaki.
Siya naman ay mapait na ngumiti habang tinignan ang babaeng papalayo sa kanya at sumakay sa kotse ng lalaki.
"Bye teacher!? sigaw ng mga anak niya na nag wave pa. Lumingon din ito sa mga anak niya na nakangiti at nagwave din sa kambal, at tuluyan na itong sumakay sa kotse ng lalaki.
Ang sakit palang makita mo na ang babaeng gusto mong makita at makasama, ay umalis at sumama sa iba.
"Daddy, okay ka lang po ba?" tanong ni cutie sa kanya. Ngumiti lang siya bilang sagot sa tanong ng anak.
" Let's go my angels." aya niya sa mga anak at hinawakan ang kamay ng mga ito papunta sa kotse niya at inalalayang makasakay. Sinuotan muna niya ng seatbelt ang dalawa, tapos agad siyang sumakay sa driver seat at agad na nagmaneho pauwi.
TAHIMIK LANG si Camille sa kotse na minamaneho ni Alexander. Pinsan niya ito, dahil ang ama nito ay kakambal pala ng kanyang ama. Lumayas daw ang kanyang ama sa poder ng mga magulang nito dahil ayaw nitong pakasalan ang babaeng gusto ng mga magulang na pakasalan ng tatay niya. Nakipagtanan ang kanyang ama sa nanay niya at nanirahan daw sa probinsya. Hinanap daw nila ito pero hindi nila mahanap kaya pinabayaan nalang nila.
Nalaman lang niya ang lahat noong nasa critical na condition ang kanyang ina. Lumapit kasi sa kanya ang lalaking kamukha ng kanyang ama, na nagpakilala bilang isa sa mga doctor ng kanyang ina. Doon din nalaman na kapamilya nila ito. Nagtatanong kasi ito kung sino ang tatay niya dahil pareho sila ng last name.
"Tahimik ka insan, na miss mo na agad ang baklang yun?" tanong sa kanya ni Alexander na may kasamang pang-aasar.
" Tss, di noh naka move on na kaya ako."
" Talaga lang ah, pero infairness insan
ang cute ng kambal ninyo." may paghangang sabi nito.Mababait ang mga ito maliban nalang sa ina nito na medyo mataray at may pagkamaarte. Hindi sila tumira ng kapatid niya sa bahay ng mga ito, may sariling condo sila na nabili niya noong nag abroad siya. Tinulungan kasi siya ng tiyuhin na makabalik siya sa pag-aaral at sa awa ng diyos ay nakapagtapos siya bilang teacher. Si Arnold naman ay 2nd year college na sa kursong HRM. Malaki parin ang pasasalamat niya sa panginoon dahil kahit nawalan sila ng mga magulang, ngunit hindi parin sila pinapabayaan ng diyos. Nakaraos sila sa matinding bagyo na dumating sa buhay nilang magkapatid, dahil sa tulong ng kapatid ng kanyang ama.
..................
NAKAHIGA SIYA sa may sofa habang nanonood ng Korean movie ng may nag doorbell sa unit nila. Tinatamad siyang bumangon kaya hindi niya binuksan.
"Ate buksan mo nga ang pinto, baka importante ang sadya!" sigaw ng kanyang kapatid mula sa kusina. Nagluluto ito ng kanilang hapunan, ito kasi ang mahilig magluto, samantalang siya ay tagakain lang.
Padabog siyang tumayo para pagbuksan ang taong isturbo sa panonood niya.
"Sino po ya~" natigilan siya dahil pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang ama ng kambal.
"Anong ginagawa mo dito?" mataray na tanong niya kay tristan.
"Binibisita ka namin ng mga anak mo." sagot nito at tinuro ang dalawang bata na nakaupo sa sahig.
Nanlaki ang mata niya at palipat-lipat ang tingin sa mag-ama. "A-alam na n-nila?"
" Na ikaw ang ina? Well hindi pa naman, pero ngayon alam na nila." nakangiti ang bakla sa kanya at bumaling sa kambal. " Kids hali na kayo nandito na tayo sa mommy ninyo." tawag nito sa mga bata na agad naman na lumapit sa kanya.
" Teacher, ikaw po ba ang mommy namin." nakatingala ang mga ito sa kanya habang hinihintay ang kanyang sagot.
" Hindi mo ba sila aakuin bilang mga anak mo camille. Ganun ba kalaki ang galit mo sa ak~"
"Shut up,bakla!" singhal niya kay tristan na nakasimangot na sa sinabi niya. Bumaling siya sa kambal niyang anak at tumango. " Yes, ako ang mommy ninyo." mabilis na niyakap niya ang kambal, gumanti din ng yakap ang dalawang bata at hinalikan pa siya sa pisngi.
" I miss you my cute babies." sabi niya na tumutulo ang mga luha.
"We, miss you mommy." sabay na sabi ng tatlo sa kanya. Kaya tiningala niya ang bakla at tinaasan ng kilay.
"Hindi ka kasali!"
"Kasali ako kasi ako ang ama."
" Ate, ate kain na tayo~" natigilan si arnold ng makita ang bisita niya. "Ahm pasok po muna kayo, kain po tayo."
"Wow, ikaw po ba ang tito namin ni Sam?" tanong ni cutie kay Arnold. Tumango lang ito bilang pagsang-ayon.
"Yehey complete family na tayo!!" masayang sabi ng dalawang bata na tumalon talon pa at nagyayakapan kaya napangiti din sila habang nakatingin sa kambal.
" Pakasal na tayo mommy." napalis ang ngiti niya ng bumulong sa kanya si Tristan na nakayakap na pala sa kanya.
Siniko niya ito bago nagsalita " AYAW KO SA BAKLA." napasimangot ito at humiwalay sa kanya.
" Dahil ba sa lalaking sumundo sayo sa paaralan kaya ayaw muna sa baklang katulad ko?" galit na tanong nito sa kanya na ikinasaya niya.
"Mga anak, pasok na kayo kakain muna tayo ng dinner." tawag niya sa mga bata. Pumasok na ang kambal sa loob, pero naiwan ang ama nito sa labas na halatang naiinis parin.
" Halika na......DADDY." nagliwanag ang mukha nito dahil sa sinabi niya. Pero nagulat siya sa ginawa nito.Bigla kasi siya nitong hinalikan sa labi at niyakap ng mahigpit.
" Im miss you so much camille."ngumiti ito sa kanya at hinila sa loob ng bahay na nakatulala.
BINABASA MO ANG
THE BABY MAKER (short story) Complete
Short StoryAng storyang Ito ay angkop Ang isang babaeng handang gawin ang lahat para sa pamilya niya. Abangan ang kwento ni Camille Guerrero, isang dalaga na naging ''BABY MAKER'' para lang matustusan ang pamilya.. Mature Contents