epilogue

1.6K 52 3
                                    

Unedited

ABALA ANG LAHAT sa paghahanda para sa kasal nina tristan at camille. Masaya rin ang mga magulang ni Tristan na sa wakas ay naisip din ng kanilang bunsong anak na babae talaga ang hanap nito at hindi lalaki.

Tanggap naman nila si Camille kahit katulong lang ito ng anak nila noon na naging babymaker na din. Aaminin nilang medyo ayaw sana nila na ang mapapangasawa ng kanilang anak ay yung mababang tao lang, dahil ang gusto sana nila ay yung mayaman at may sapat na pinag-aralan. Pero noon yun, nagbago na ang isip nila. Mas mabuting katulad ni Camille nalang ang mapangasawa ng kanilang anak, kaysa maghanap na naman si Tristan ng lalaki. Mas mabuti ng si Camille ang makasama ng kanilang anak habang buhay, dahil nakita nila kung gaano ito kabait at kabuting ina.

Bukas na gaganapin ang kasal ng kanilang baklang anak. Bilang magulang masaya sila na may babaeng nagmamahal at tumanggap kay Tristan kahit na mas babae pa itong kumilos kaysa tunay na babae.

"Anak, I'm so happy for you!" masayang sabi ng ginang kay tristan.

" Ako din po mom, im so excited to become a husband, I may not be a real man but I promise to be a good father and husband to my kids and to my wife."

"Shh, bunso wag mong sabihin yan ngayon kasi yan ang vow mo bukas." Nagtawanan sila sa sinabi ng kanyang kapatid.

...........

KINAKABAHAN si Tristan habang nakatingin kay camille na nagmarcha papunta sa pwesto niya. Kasal na nila ngayon at sobrang excited na kinakabahan siya. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman.

"Hi," nakangiting bati niya kay camille.

Ang kapatid na si Arnold ang naghatid kay camille sa altar dahil sa wala na itong mga magulang. Ang ganda ni Camille sa suot nitong gown.

" Hello, daddy kinakabahan ako."sabi nito sa kanya.

"Ahemm, ate este kuya ipinaubaya ko na sayo si ate camille, sana mahalin at iingatan mo siya habang buhay."

"Makakaasa ka Arnold, promise hindi na ako maghahanap ng lalaki."

Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Tristan. Iniwan na sila ng kanyang kapatid sa altar.

Pagkatapos ng kasal ay dumiritso sila sa mansyon ng mga Ocampo para sa reception. Payag naman kasi si Camille na doon na lang kina Tristan kaysa doon sa bahay ng tiyuhin niya. Panigurado kasing maiistress na naman ang asawa ng Tito niya dahil medyo napaka OA ng matandang yun.

Matapos ang reception ay nagsiuwian na ang kanilang mga bisita. Sila naman ay agad nagpahinga dahil sa pagod. Sa mansyon muna sila matulog ni Tristan dahil pagod na silang umuwi sa kanilang sariling bahay. Pinagliban muna nila ang honeymoon dahil tumabi sa kanila ang kambal. Okay lang naman yun, maraming oras naman nilang magagawa yun.



...............

10 years later

Masasabi ni Camille na nakamit na niya ang tunay niyang kaligayahan sa piling ni Tristan kasama ang kanilang dalawang anak. Hindi na siya nagbuntis ulit, dahil takot na si Tristan na masaktan na naman siya sa panganganak.

Bakla parin si Tristan, pero okay lang sa kanya dahil mas lalaki naman ito pagdating sa kama. Napakasweet nito at nararamdaman niya ang pagmamahal ni Tristan sa kanila.

May pagkakataon na nag-aaway sila, pero naaayos naman nila ka agad. 15 years old na ang kanilang kambal at nasa highschool na. Napakaswerte din nila ni Tristan sa dalawang anak dahil napakabait ng mga ito pero minsan makulit din. Sweet din sa isa't-isa ang kambal na halos magkasama na sa lahat ng oras.

Tumigil na siya sa pagtuturo dahil gusto nalang niyang tulungan ang kanyang asawa sa negosyo nito. Nagpatayo kasi si Tristan ng salon na ngayon ay may dalawang branch na. Lumago din ang kanilang grocery na ngayon ay may tatlong branch na.

Madyo busy man ang kanyang asawa dahil sa negosyo ay gumagawa naman ito ng paraan para magkaroon ito ng oras para sa kanila. May tiwala naman siya kay Tristan pero minsan kinakabahan parin siya kapag may kausap itong gwapong lalaki.

Binisita narin nila si Glenda at Roel sa loob ng kulungan. Umiiyak pa ang mga ito at humingi ng tawad sa kanila. Napatawad na nila ni Tristan si Roel at Glenda at pinaplano na nilang ipalabas na sa kulungan ang dalawa.

Sapat na sa kanila na nakulong ang mga ito ng labing limang taon. Isa pa nakikita naman nilang sobrang nagsisi na ito sa mga nagawang pagkakamali.

Masaya silang pamilya habang kumakain ng dinner. Nagkukulitan ang kambal samantalang silang mag-asawa ay nakangiting nakamasid sa mga anak.

Hindi niya akalain na siya parin ang magiging ina ng kambal na pinanganak niya dahil sa pera. Akala niya dati hanggang babymaker lang siya. Hindi din niya akalain na mahuhulog sa kanya ang kanyang among bakla na ngayon ay asawa na niya.

Ang daming bagay na dumating na hindi mo inaasahan. Maraming masamang pangyayaring dumating sa buhay niya. Akala niya noon ay hanggang katulong lang ang kaya niyang marating. Akala niya dati hindi niya kayang lampasan ang mga problemang naranasan niya. Pero nagkamali siya, nalampasan niya ang lahat ng hirap na pinagdadaanan niya, kasama ang mga taong tunay na nagmamahal sa kanya.

Hinusgahan man siya noon ng mga taong nakakaalam na naging babymaker siya, pero niminsan ay hindi siya nagsisi sa naging desisyon niya. Dahil sa pagiging babymaker niya nagsisimula ang lahat na nararanasan niyang kasayahan ngayon. Naging isang ina siya at the same time naging tunay na asawa siya ng taong nagbayad sa kanya para maging BABYMAKER.


THE END



A/N

Sa wakas natapos din. Sorry sa mga typo, wrong spelling and wrong grammar.

Abangan niyo rin ang kwento ni Arnold, Sam Angelo and Angel cutie.

Hope you enjoy this story.

Thank you for reading ☺️☺️

Don't forget to vote, comment and follow😘😘

THE BABY MAKER (short story) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon