Chapter 6

1.2K 25 0
                                    

A/N

Pasensya na po sa mga  wrong grammar, typo, spelling and etc. At Hindi ko na po inedit  kasi po marami pa po akong gagawin  sa  buhay ko charr lang hirap kasi pag katulong ka. 

At sa mga nagbabasa po sa storyang Ito, maraming salamat po  at na appreciate ninyo ang  story na sinulat ko. Pangarap ko po ito at sisikapin ko pong matapos    Ito dahil may ongoing story pa ako..

Stay safe po guys and enjoy reading ☺️☺️

Follow niyo narin po ako para mabasa niyo iba ko pang story.
PS. Sa gusto lang po beke nemen😅😅

Add me on Facebook: @Lovely Maano Ramo.










Unedited



NGAYON  ang araw na lalabas na si Camille sa hospital. 5days silang nanatili  sa hospital para masiguro na okay lang ang kanyang sugat,at sa loob ng anim na araw ay okay narin  ang kanyang sugat. Si Tristan din ang nag-aalaga  sa kanila ng kambal.

Si Roel naman ay nakabalik na  galing probinsya at nananatili lang ito sa bahay simula nang sinabi  ng parents ni Tristan  sa lalaki na mananatili si Camille sa kanila sa loob ng isang buwan, dahil sa kadahilanang  kailangan ng kambal ang breast milk.

Bagama't  hindi ito pumayag sa gusto ng pamilya  ni Tristan pero  sa huli ay wala narin itong nagawa. pero halatang nagalit ito at  agad na umalis sa hospital  at doon nalang nanatili sa bahay.  Nagreready na si Camille ng biglang pumasok si Roel sa kwarto nila, wala pa si  Tristan dahil inaasikaso pa nito ang mga papeles at billing nila.






NAGULAT si Camille ng bigla siyang  hawakan ni Roel sa braso ng sobrang higpit. Nakaramdam siya  ng sakit sa subrang higpit ng pagkakahawak nito sa kanyang braso.

"Ano masaya kana dahil napapayag mo sila na mananatili ka pa sa amin? Huh!!".galit na tanong nito sa kanya.

"A-aray s-sir r-roel n-nasasaktan po ako,"
naiiyak na sabi ni Camille sa kanyang amo. Pilit niyang tinatanggal ang kamay nito sa kanyang braso  pero lalo lang nitong hinihigpitan ang pagkahawak nito sa kanya.

"Wala akong pakialam kung nasasaktan kana!! ang gusto ko lumayas ka-".hindi nito  natapos ang pagsigaw sa kanya kasi biglang bumukas ang pinto at pumasok ang ate ni sir Tristan.

"What the f*ck  are you doing  to her!?
galit na tanong nito kay roel na unti-unting niluwagan ang pagkakahawak sa kanyang braso hanggang sa tuluyan na siya nitong binitawan.  Namumula ang kanyang braso dahil sa paghawak nito sa kanya. Maputi kasi siya kaya nagmarka ang kamay nito sa kanyang  braso.

"Wala kanang pakialam doon!".sagot ni roel na mukhang naiinis sa kay Tanya(ate ni Tristan). 

Galit na lumapit si Tanya kay roel at malakas na sinapak ang ka live in ng kapatid.

"Ikaw na lalaki ka, ang kapal ng mukha mo, wala kang galang sa amin!teacher kapa naman!"
Nakatingin lang si Camille sa dalawa takot na baka magsuntukan ang dalawa, pero biglang napatigil si Tanya sa pagsasalita ng dumating si Tristan at  naabutan nito ang pagsapak  ng kapatid   sa kasintahan nito.

"what's happening here? Ate bakit mo sinapak si Roel? tanong nito sa dalawa na palipat lipat ang tingin sa kanila.

"Alam mo bang sinaktan ng lalaking yan ang nanay ng mga anak mo, kanina. buti nalang at naabutan ko!"  sagot nito kay tristan na halatang  nagpupuyos parin sa galit dahil sa lalaking minahal ng  kapatid nito.

Nagulat si Tristan sa sinabi ng kapatid  at  magsasalita na sana para tanungin si  Roel, pero naunahan siya ng lalaki.

"Ano naniniwala ka naman dyan sa kapatid mong sinungaling? Sige  mas mabuti pa sigurong   maghiwalay nalang tayo at yang katulong na yan ang gawin mong asawa!!". Natigilan si Tristan sa sinabi ni Roel. Sobrang mahal nito ang lalaki, to the point na kaya nitong ipagpalit ang lahat para lang makasama  ito.

"Ate, please leave us alone, at wag ka nang mangialam sa amin!". blanko ang mukha ni Tristan na nakatingin sa kapatid. Napansin ni Tristan na natigilan ang kapatid sa sinabi niya pero agad din itong nawala at mahinang natawa.

"Wow,  is that really you Tristan?"na tinuro pa siya nito na halatang hindi makapaniwala sa narinig galing sa kapatid. "Okay sige, dahil yan ang gusto mo  din fine!,napakatanga mo naman  ipagpalit mo ang nag-iisang kapatid mo  para lang sa lalaking walang kwenta!". Galit na sabi nito sa kanya at nag walk out.

Nanghihinang napaupo si Tristan at tinignan ang taong minahal niya na halatang masaya sa ginawa niya sa kapatid. Lumapit ito  sa kanya at agad siyang hinalikan sa labi, gumanti naman siya sa paghalik nito   kaya lumalim ang kanilang halikan.


Napasinghap si Camille sa ginawa ng mga amo sa kanyang harapan. Naghahalikan ang mga ito na para bang walang  bukas. Nasasaktan siya sa nakita at nagseselos siya. Mahal na niya ang kanyang among bakla at nasasaktan siyang nasaksihan kung paano ito karupok pagdating  sa lalaking minahal nito, na kahit sariling kapatid  ay kaya nitong pagtabuyan para lang sa lalaking minahal nito. At sa isang halik lang ni sir Roel ay nawala na lahat ng  lungkot  sa mukha nito.

Alam ni Camille na wala siyang karapatan na magselos, because in the first place isa Lang siyang katulong  ng mga ito at binayaran para maging isang babymaker. Mahal niya ang kanyang among bakla pero alam niyang kahit kailan ay hindi siya maaaring mahalin nito, kasi hindi babae ang hanap nito kundi lalaking katulad ni roel. At mas lalong hindi siya mamahalin nito dahil isa lang siyang  mababang  uri na babae isang katulong  na hanggang highschool lang ang natapos.

Nasa ganung pag-iisip si Camille ng biglang umiyak ang isang sanggol na nasa tabi niya, kaya  agad niya itong niyakap at pinadede. Napatigil din ang dalawa sa paghahalikan dahil sa iyak ng sanggol.


"Babe, thank you dahil  pinaalis mo na ang ate mo, subrang na stress ako sa  kanya!"sabi ni roel  kay tristan.

Ngumiti lang si Tristan dito, at naiisip na puntahan nalang niya  ang  kapatid para humingi  ng tawad dahil sa kanyang nasabi.

"Basta ikaw babe, mahal na mahal kita at ayaw kong mawala ka sa amin ng kambal," sagot ni Tristan kay roel at agad na hinalikan ang kasintahan.

Napaiwas si Camille ng tingin sa mga amo niyang naghahalikan na naman sa kanyang harapan. Hinalikan nalang ni Camille sa noo ang dalawang sanggol na nasa tabi  niya at ngumiti siya sa mga ito. 

Nakapag desisyon na siya, kailangan na niyang umalis sa makalawa. Hindi na niya kailangan na umabot ng isang buwan  dahil alam niyang mas lalo lang siyang masasaktan pag mananatili  pa siya.  Marami namang paraan para mapanatiling breast milk parin ang mapainom sa mga bata. Pwede naman na gumamit nalang siya ng breast pump para sa susu niya at ilagay nalang  ang gatas   sa  breast milk storage bag. Nasa gano'n siyang pag-iisip ng biglang nagsalita si Tristan.

"Camille, maghanda kana at  aalis na tayo." tumango lamang siya bilang pagsang-ayon.














THE BABY MAKER (short story) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon