chapter 8

1.1K 24 2
                                    

Unedited

Hi guys😊😊





-------

"SIR TRISTAN!" nanlaki ang kanyang  mata pagkapasok niya sa bahay ng dating amo.  Hindi niya kasi akalain na iiyak ito kasama ang kambal. Naaawa siya at the same time natatawa dahil sa hitsura nito.


Napatigil ito sa pag-iyak ng makita siya. Tila nagulat pa ito ng makita siya. Pumunta lang kasi siya dito kasi naiwan ang isang bag na nilagyan niya ng gamit.  Matagal lang niyang binalikan kasi nagmokmok lang siya sa kanila ng isang linggo. At ngayon ay lumabas na siya dahil medyo tanggap na niya  ang nangyari  dahil narin sa  advice ng kanyang  ina. Nalaman kasi ng kanyang ina na pumayag siyang maging isang babymaker dahil aksidenting  nasabi niya ang dahilan kung ba't siya nagmokmok.at first nagalit ito sa kanyang ginawa pero kalaunan ay naiintindihan din siya nito.  Sinabihan din siya nito  na wag daw niyang ipilit ang isang bagay  na  hindi para sa kanya, kasi pag pinipilit niya siya lang din ang masasaktan sa huli. 

And then narealize niya na  bata pa siya at alam niya na sa edad na 21  ay  marami pang trabaho na pwede niyang pasukan at nasisiguro niya na darating din ang lalaking magbibigay sa kanya ng anak yung lalaking mamahalin siya ng buo.

"Camille!!".nanlaki ang mata nito habang nakatingin sa kanya.

"Sir tristan, sorry po at pumasok  ako bigla kasi naman kanina pa ako kumakatok pero walang nagbubukas, pero narinig ko   naman ang boses mo po, kaya pumasok nalang ako."paliwang niya sa dating amo. Iyak ng iyak parin ang mga bata kaya lumapit siya  sa mga ito at tinulungan si Tristan na  hindi alam kung paano patahanin ang mga ito.

Kinuha niya si sam at isinayaw-sayaw  para tumahan. Tumahan naman ito. Ginaya siya ni tristan na karga si cutie  ang pinakaiyakin.  Tumahan ang dalawang sanggol  ng pareho nilang kinarga ang mga ito at isinayaw-sayaw.

"Thank you!" Pasalamat ng bakla sa kanya  na ngayon ay nakatingin sa kanya. Napansin niya ang malaking eyebags nito na halatang wala itong masyadong tulog dahil na din sa hitsura nito.

Sir, tulog po muna kayo kahit tatlong oras lang, ako muna ang bahala sa mga anak mo". hindi niya alam kong bakit  yun ang lumabas sa kanyang bibig. Siguro  naaawa lang siya sa hitsura nito. Pero gwapo parin naman ito sa kanyang paningin  kahit na bakla ito.

"Huh? I mean what are you doing here? ".

"Ahm sir pumunta po kasi ako dito para kunin ang naiwan kong gamit". 

Tumango tango ito na nakatingin parin sa kanya. Medyo naiilang siya sa    titig nito.

"Sir, kung ayaw niyo po ng tulong aalis~~

"No, I mean i need your help,  baka pwedeng mamaya kana lang uuwi tulungan mo muna ako sa mga bata, anak mo rin naman ang mga yan, dahil tayong dalawa ang gumawa niyan!". uminit ang kanyang  mukha dahil sa huling sinabi nito. 

Wow, anak na namin  ngayon  kasi wala ang lalaki niya"sa isip ni Camille.

" Okay sir, ako na muna bahala sa cute babies NATIN."diniinan pa niya ang salitang natin pero hindi naman ito pumalag sa sinabi niya.

Yeah anak natin". Ngumisi ito sa kanya at ibinaba na si cutie sa kama dahil nakatulog na ito ganun din  sam na nilagay narin niya katabi sa kambal nito. Hinalikan muna nito ang  ang mga anak sa noo.

"Tulog na muna ako Camille, ikaw na bahala sa kambal, pinuyat ako ng mga anak natin tuwing gabi e." sabi nito  na ikinapula ng pisngi  niya.

"Sige po sir". Nginitian niya ito, pero nagulat siya ng bigla nalang siya nitong hinalikan sa labi.

THE BABY MAKER (short story) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon