↠ Ⓟⓐⓝⓘⓜⓤⓛⓐ ↞
" N-Nasa bahay ng kanyang tita," Sabi ko.
Hindi ako makatingin sakanyang mga mata dahil naiilang talaga ako. Umayos ka, Axel.
"Ganun ba? Sige, salamat," Sabi niya sabay ngiti kaya napalunok ako ng wala sa oras. Parang jellyace na ata ang mga tuhod ko.
Pumara na siya ng jeep saka kumaway sa'kin.
"Mauna na'ko," Sabi niya. Kumaway na rin ako pabalik saka ngumiti. "Hanggang sa susunod nating pagkikita, Axel. Ciao," Dugdug.
My friend, alam niya ang pangalan ko...
ALAM NIYA ANG AKING FVCKING NAME!!!
Napaupo na lang ako sa bench ng waiting shed dahil sa nararamdaman. Calm down, my puso.
"Kuya, sa'yo po ba 'to?" Tanong ng isang bata. Tinutukoy niya ang isang notebook. Umiling ako. "Hmm? Sino kaya si Japa?" Rinig kong sabi niya kaya napalingon ako sa kanyang gawi at sa kuwaderno.
"Bata, sa kaibigan ko pala 'yan. Naiwan niya," Sabi ko. Binigay niya naman sa'kin agad.
Binuksan ko iyon at tiningnan ang unang pahina. Japa? Paano niya nalaman? Sa taas ay ang litrato niya at sa ilalim ay may apat na salita.
"Chismoso/a ka? Ibalik mo."
My friend, I feel attacked. Sinirado ko na ang notebook. Baka diary niya ito eh. Walang jeep na dumadaan at kung may dumadaan man ay puno ng pasahero kaya walang akong choice kundi ang tumakbo.
"Magkikita kami muli!"
Oh? Sabi ko na nga ba at maabutan ko siya. 'Yun ang sasakyan na sinakyan ni Japa! Tumigil 'yon sa isang kanto kaya binilisan ko pa ang pagtakbo para maabutan.
Ngunit napatigil ako sa nakita. Parang naestatwa yata ako sa kinatatayuan. Hindi ako makagalaw.
Naalala ko ang mga sinabi niya bago siya sumakay ng jeep.
"B-Bakit?"
BINABASA MO ANG
Hope: For you and me (Thy Legacy Series #1)
Teen FictionHindi talaga natin mapigilan ang takbo ng tadhana. Gagawin niya kung ano ang kanyang gusto at walang makaligil. Masaktan man tayo ay gagawin at itutuloy pa rin niya. Ngunit dala nito ay isang leksyon na makakapagpabago ng ating paningin sa buhay...