"Luh! Oy, oy!" Napatingin kami kay Kiel na nababaliw na sa tabi."Anyare sa'yo?" Tanong ni Adriane. May tinuturo naman si Kiel gamit ang kanyang nguso.
"Anong nginuso-nguso mo d'yan, tol?" Takang tanong ko.
"Si Japa..." mahinang sabi niya na hindi namin narinig.
"Ano? Tilapya?" naguguluhang tanong ni Raiko sabay kamot sa ulo.
"Ampota. Si Japa!" malakas na sabi niya kaya nakuha namin ang atensyon ng ilan.
Japa?
Ahh. Pasimple naman akong tumingin sa kinaroroonan niya at nakitang may kasamahan din siya at nakatingin sa'min.
"Ang ingay ng bunganga mo! Letche," sabi ni Zander.
Pumipila rin sila gaya namin at nakacivillian. Walang klase? Sanaol. Napapitlag naman ako ng may kumapit sa'kin.
"Axel." Wew. Akala ko si Adriane na naman eh. Si Ashlyn pala.
"Hmm?"
"May bibilhin lang kami doon. Babalik lang kami kaagad," sabi niya. Tinanguan ko naman siya.
"Okay, ingat kayo," sabi ko. Umalis naman sila kaagad kayabinaling ko na ang atensyon ko sa pila.
Kami na ang nasa unahan ng pila kaya umorder na kami at pagkatapos ay umalis na. Tawagin niyo na akong assuming pero napansin kong napatingin sa'min si Japa at umiwas kaagad. Oo, assuming nga.
Hinanap namin ang aming upuan at nang mahanap ay umupo na at nilagay sa lamesa ang mga pagkain. Sakto rin dumating sila Ash at Cherry kaya kumain na kami.
"Arcades tayo?" tanong ni Raiko nang matapos kaming kumain.
"Sige ba!" sabi namin at naglakad na.
Sasabay na sana ako sakanila nang mapansin kong wala si Ashlyn. Lumingon ako nagbabakasakaling nasa likuran lang siya at tama nga ako. Nakatingin siya sakanyang cellphone kay nilapitan ko.
"Ash, may problema ba?" tanong ko.
"Hmm? Wala naman," sabi niya habang umiiling. "Naalala kong may sale palay ngayon ang NBS kaya pupunta muna ako doon. Uhh... Gusto mo bang sumama?" sabi niya. Tiningnan ko sila Samuel na naghihintay sa'min.
"Mauna na kayo! Susunod nalang kami," sabi ko saka hinarap si Ashlyn. "Samahan na lang kita," sabi ko.
"Okay, nice! Tara na. I'm sure madaming tao doon ngayon," sabi niya at kumapit sa braso ko kaya ramdam ko ang biglang pag init ng mga pisngi ko.
"Eh? Gustong mapag-isa?"
"May sing;e dito oh."
"Hayaan n'yo na nga ang dalawang 'yan! Goodluck, Axel paps!"
Natawa naman kami ni Ash sa mga pinagsasabi nila saka nagpaalam na. Pumasok agad kami sa NBS at ang dami ngang tao.
"Wew," saad ni Ashlyn habang nililibot ang paningin. "Doon tayo," sabi niya saka kinaladkad ako.
Mwehehe
Tayo daw sabi niya, my friend. Hihihi--
"Hala! Pasensya na," sabi ni Ashlyn ng may mabangga siya. Nahulog ang mga libro kaya tumulong kaming pulutin ang mga iyon.
"Okay lang. I'm sorry rin hindi kase ako tumitingin sa dinadaanan," sabi ng babae habang pinupulot ang mga libro.
Tumayo na ako saka inabot ang dalawang libro sa babae. Biglang namilog ang ko nang makita kung sino ang nasa harapan ko.
"Here. Pasensya ka na ulit," sabi ni Ashlyn. Binalingan naman ng babae si Ashlyn at kinuha ang mga libro.
"Salamat," sabi niya. Yumuko s'ya ng bahagya at bago s'ya nagpaalam ay tiningnan n'ya muna ako ng isang segundo?
"Hoy! Ayos ka lang ba? Parang nakakita ka yata ng multo," natatawang saad ni Ashlyn saka pumili na ng libro.
Si Japa, my friend...
BINABASA MO ANG
Hope: For you and me (Thy Legacy Series #1)
Novela JuvenilHindi talaga natin mapigilan ang takbo ng tadhana. Gagawin niya kung ano ang kanyang gusto at walang makaligil. Masaktan man tayo ay gagawin at itutuloy pa rin niya. Ngunit dala nito ay isang leksyon na makakapagpabago ng ating paningin sa buhay...