"Haayyy! Salamat naman at tapos na rin sa wakas!" Sabi ni Kiel at nagunat unat.
"Wow. Salamat daw," Sabi ni Zander saka binelatan si Kiel.
"Ang speed n'ya kanina nung nagexam. Bilis eh," Sabi ko at tumawa.
"Oo nga. Kada subject siya 'yung una ang pumapasa," Gatung naman ni Raiko.
"Aba! Ang isa nga d' yan panay ang bulong. Tulung daw, diba, Samuel?" Busangot na sabi Ni Kiel. "May pwethole na humihingi ng tulong..." Kanta niya pa sa mismong harap ni Samuel.
"Pakyu," Saad ni Samuel.
"Sabihin mo nga sa'min, Kiel. Hinulaan mo lang ang mga sagot, 'no?" Raiko.
"Ulol! Hindi ah," Depensa n' ya sa sarili.
"Weh? Tologo ba?" Tanong ko sakanya. Nagkibit balikat siya.
"Well, slight lang," Sabi niya at pinakita samin kung paanong 'slight' gamit ang kanyang kamay.
Pfft!
"HAHAHA GAGO!"
"SIRAULO!"
"Tawa lang kayo, mga baliw."
Hinintay namin si Adriane na nasa classroom pa dahil may kinuha. Maya naya ay dunating s'ya kasama ang tatlong kaklase naming babae.
"Ash," Tawag pansin ko kay Ashlyn. Ngumiti naman siya sa'kin at lumapit sa tabi ko.
"Gusto niyo bang sumama?" Tanong niya kaya nagtaka kami.
"Saan punta niyo?" Tanong ni Raiko.
"Sa mall. You know," Sagot naman ni Angel.
"Sige! Lezzgo!" Sabi ni Kiel at naunang maglakad kaya sinundan na namin.
"Kami na lang ang oorder at kayo na lang ang humanap ng mauupuan natin," Sabi ni Samuel sa mga kasamahan naming babae.
"Sige. Una na kami," sabi naman ni Adriane at tinalikuran kami.
"Ay, gago. Babae ka? Tukmol 'to!" sabi bi Kiel at binatukan si Adriane.
"Libre ba' to?" tanong ni Cherry na nakangisi kaya nakatikim ng mainit init na pitik sa noo galing kay Raiko.
"Anong libre? Walang libre, libre! Gimme 'yo moneyz," Saad ni Raiko.
"Hahaha,"
"Eh. Kayo ha, kuripot. Hmmm," Ani Zander.
"Ikaw, Ash?" Tanong ko kay Ashlyn na nasa tabi ko.
"Teka," saad niya at may kinuha sa bulsa. "Ayun oh," sabi biya sabay turo saka binigay sa' kin ang pera.
"Itago mo na lang 'yan. Libre ko," sabi ko na may ngiti sa labi. Bumusangot naman siya.
"Hindi na," sabi naman niya.
"Ayus lang, Ash. Sige, next time, ikaw naman ang manlibre," sabi ko.Tinitigan niya ako ng ilang sandali bago ngumiti.
"Sige na nga!"
"Humanap na kayo ng mauupuan,"
"Luhmeh!"
"Axel, ah."
"Sana halls."
Tsh. Pasimple ko silang pinakyuhan. Ngisi ngisi pa eh!
Umalis na sila Ashlyn sa harao namin. Nagulat naman ako ng tumalon si Adriane sa harap ko.
"Paano ako, Axel paps?" nakabusangot ba sabi niya.
"Anong paano ka?" taas kilay kong tanong. Napaatras ako ng bahagya nang nilapitan niya ako at kinapitan sa braso. "Hoy!"
"Lebre ren, ples," saad niya at nilapit lapit ang mukha sa'kin.
"Gago ka. Lumayo ka nga sa'kin. Pota!" sabi ko at tinulak siya kaya napaunta siya kay Samuel.
"Samuel——" hindi pa niya nakompleto ang kanyang sasabihin ay pinutol na siya ni Samuel.
"Fuck you," saad ni Samuel.
"Hahaha! 'Yan, kita mo?" natatawang saad ni Zander.
Pumila na kami sa linya at madaming tao ngayon kaya sa tingin ko ay matatagalan kami dito.
❖❖❖
" Japa "
BINABASA MO ANG
Hope: For you and me (Thy Legacy Series #1)
Ficção AdolescenteHindi talaga natin mapigilan ang takbo ng tadhana. Gagawin niya kung ano ang kanyang gusto at walang makaligil. Masaktan man tayo ay gagawin at itutuloy pa rin niya. Ngunit dala nito ay isang leksyon na makakapagpabago ng ating paningin sa buhay...