Chapter 3

15 3 0
                                    



Binaba ko na ang isang earphone dahil bababa na ako sa jeep. Nang tumigil na ang jeep ay bumaba na nga ako.


"Ingat, paps," 

"Byee!"

"Alis na."


Tss. 


"Ciao," Napatingin ako sa babae, 'yung katabi ko, na nakatingin sa kanyang kasamahan na bumaba ng jeep. 


Akala ko ako 'yung sinabihan. Yawa. Assuming, letche.


Tiningnan ko ang jeep na hindi pa umaalis at nahagilap ang tingin ng babae. Seryoso ang kanyang mukha at ang laim nang titig. Umalis na ang jeep sa harapan ko kaya umalis na rin ako at dumiretso sa bahay.



"Ma," Humalik ako sa kanyang pisngi.



"Bumihis ka na at kakain an tayo," Sabi niya. Tumango naman ako at umakyat na sa itaas para magbihis. Habang nasa kwarto ako iopen ko ang facebook ko.




▀ Ash Mariana ❤ ▀



● Ashy

Hi, Axel!


Yo Ash! 

Nakauwi ka na?


● Ashy

Oo, bago lang.

Ikaw??


Kakauwi lang rin

Kumain ka na?


● Ashy

Atm hehehe


Ah ganun ba. Baka nakakdistorbo ko

Chat ka nalang pagtapos ka na


● Ashy

okioki!




Wala sa sariling napangiti ako. Ashlyn Mariana, ang babaeng nililigawan ko. Uhh, tatlong buwan ko na siyang nililigawan. Hindi naman ako nawawalan ng gana o ano dahil gusto ko talaga siya at pinapansin n'ya naman ako saka palagi naman kaming magkasama dahil magkaklase kami. Feel ko nga ay malapit na n'ya akong sagutin!

Hope: For you and me (Thy Legacy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon