From Seph:
You're coming here,right?Binasa ko ang text niya saakin. It's almost 7pm at nandito parin ako sa loob ng condo ko. Pupunta ba ako o hindi?
Nakaligo na ako,may regalo rin ako para sakaniya. Hindi ko alam kung ano ba ang pumipigil saakin.
To Seph:
Yeah :))I sent it.
It's his 26th Birthday. I'm looking forward for this day. It's a pool party sa isang hotel dito sa Manila gaganapin ang birthday niya.
Nagsuot ako ng kulay black na one piece swimsuit na may cross sa taas ng dibdib at sa taas ng bewang. Satingin ko naman bagay ang kulay dahil morena ako.Nagsuot na rin muna ako ng maong shorts.Inipit ko ang messy bun ang buhok ko. I think I'm ready.
Nang makalabas ako ng kwarto ko. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at paper bag na may lamang regalo ko.
Bumili ako ng mamahaling tumbler at may nakaukit na pangalan niya 'Sephrodite' napansin ko kasing mahilig siya sa tumbler,at isang white hoodie dahil alam kong bagay sakaniya yon.
Tinignan ko ang isang maliit na envelope sa loob, iyon ang sulat ko para sakaniya.
From Seph:
Alam kong tatamarin ka magdrive. Pinasundo kita sa driver ko. I'll wait for you here.Binasa ko ang text niya.
Ang bait at sweet niya talaga.Nice! Di na pala ako magdadrive, binalik ko ang susi ko sa lalagyan.
Bumababa ako ng lobby at naghintay.
"Kayo po ba si Ma'am Quintine?" Tanong ng isang lalaking nasa harap ko.
"Ahh opo" sagot ko.
Tumango siya at sinundan ko siya. Nang makarating kami sa kotse don niya ako pinaupo sa back seat. Driver na driver dating niya, nahiya ako.
Alam ko namang dadating si Scarlet at Kristal don kaya pupunta ako pero kinakabahan parin ako.
"Salamat po kuya" hindi siya sumagot.
Next thing I know, nasa tapat na ako ng hotel.
Pagpasok ko sa isang malaking pintuan. Bumungad saakin ang isang side na marami alak, at napalingon ako sa isang glass door at bukas yon, maingay. Siguro pool side.
Nang pumasok ako marami-rami ring tao. Siguro mga friends niya to. Pumunta ako sa pool side. Isang malaking pool ang nandon.
Marami rami na ring nagsuswimming don. Parang akong naliligaw na bata dahil nakatayo ako at tumitingin sa paligid.
Nilapag ko ang gamit ko sa isang side kasama ang regalo ko.
"Nandiyan na si Seph! Wow! He looks hot sa suot niya" sabi ng isang babae.
"Oh apat pa silang magkakasama" sabi pa ng isa.
Napatingin ako sa apat na lalaking magkakasabay maglakad. Natawa ako sa loob-loob ko. Feeling siguro nila nasa movie sila, Jusq!
Si Joshua, wala paring ekpresyon sa mukha. Bakit ganon?
Si Gab as usual, ngiting-ngiti talaga.
Si Seph, ayon kumakaway sa mga kakilala.
Si Dhale nakangiti lang ng casual.
Nagulat ako ng matamaan ako ng tumakbong lalaki.
Ampota.
Nahulog ako sa pool!
Napakamalas ko naman. Sympre malakas ang impact ng pagkakahulog ko, parang ayaw ko na umangat ah. NAKAKAHIYA.
Ngunit ng pag-angat ko ang ulo ay sabay tumalon ang apat.
Nagulat ako ng nakapalibot silang apat sa akin. Wtf.
Natahimik ang buong paligid, ramdam kong nakatitig ang lahat saaming lima dito. Paano ba naman kasi, hangang bewang lang nila ang tubig at ako hangang dibdib ko lang.
Sa tagal ko umahon, akala ba nila nalulunod ako?
"Let the party start!" Sigaw ni Seph.
Nagpatuloy ang lahat sa ginagawa nila pagkatapos non.
"Are you alright?" Tanong ni Mr. Alright este si Gab.
Tumango ako. Lumangoy ako sa hagdan para makaahon don.
Umupo ako sa isang bench kung saan nandon ang gamit ko. Sabi na eh kaya ayaw ko na tumuloy eh.
"Here" nagulat ako nang abutan ako ni Dhale ng isang towel. Ngumiti ako.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Dhale.
"Oo naman" ngumiti ulit ako.
"Bat ka kasi nahulog?"
"Natamaan ako nung isang lalaki, next thing I know nasa pool na ako" pagkukwento ko.
"HAHAHAHAHA" tumawa siya.
Kitang-kita ko ang paglapit ni Seph sa side namin.
"Where's my gift?" Tanong niya. Demanding amp.
"Ito oh" turo ko sa paper bag. Kukunin niya na dapat ngunit mas mabilis ako. "Opps! Bawal mamaya na" sabi ko at tumawa.
"Makikita ko rin yan" he uttered.
Alam ko. Di ko pa kasi alam kung lalagay ko yung sulat.
"Akin na" hinila niya at wala na akong nagawa. Hindi pa nakalagay don ang letter.
"Wow! Tumbler! Thank you wifey!" Sabi niya tuwang tuwa iyon. "And this hoodie I'll wear this often" dugtong pa niya.
"Welc- " hindi ko natuloy ang sasabihin ko. Hinila ako ni Dhale.
"Tara Quintine don tayo" sabi ni Dhale. Hinila niya ako papunta don sa side nila. Siguro don sila nakapwesto.
"Kuha ako foods" sabi ni Dhale at tumayo sa upuan. Iniintay ko siya at nang makarating siya andami niya dalang pagkain. Junk foods and Softdrinks. Nice!
"Ayos ka naman ba?" Tanong niya.
"Oo naman!"
"Sows!" Sabi niya at ginulo ang buhok ko.
Nakalugay na ako ngayon, nalaglag ako sa pool remember!! Basa na rin yung damit ko.
"Quintine!!" Sigaw ni Scarlet nang makita ako. Ang sexy niya. She's wearing a white two piece na kulay gold ang straps. May tuwalya siya sa balikat, malamang kanina pa siya nagsuswimming.
"Let's drink!" sabi niya "hiramin ko siya, Dhale" nang mapatingin ito sa kasama ko.
Nagpunta kami sa side na may mga alak. Binigyan niya agad ako ng glass. Lagot ako nito.
Habang umiinom, iniisip ko nalang na sana maging maayos ang gabi ko. Sana.
——————————————————
Hey! This story is a work of fiction. Di pa to perfect siguro maraming typos and wrong grammar so please be patient with me! Thank you, hope you stay until the end of the story. God bless!
BINABASA MO ANG
Tèssera Astèria
General FictionAll came unexpectedly. Quintine Gail Benitez was happy and contented with the life she have right now, until four boys came to her life and somehow gave it twist that she didn't expect. It was so chaotic to be around those four...