Buong araw ng shift ko, nakangiti at ganado ako. Good mood talaga ako.
Kahit sobrang kulit ng patient hindi ko pinapatulan.
Unusual naman non.
"Hoy! Baka mapunit na yang bibig mo, kanina ka pa nakangiti. Hanep!" sabi ni Kim.
Lunch time na, kaya nandito kami sa cafeteria
"May bago na akong crush!" excited na sabi ko. Kinuwento ko kay Kim ang buong detalye ng pagkikita namin ni Seph.
"Aba! Aba! So di mo na gusto pinsan ko?" she teased me.
"Siraulo! Ang tagal na non" sagot ko.
Kahit kailan to oh! Badtrip magjoke.
"Wow! Gwapo naman pala!!" She uttered nug pinakita ko ang ig posts ni Seph. "Pero may bebe na ako" dugtong niya.
"Weh weh! Basta ang gwapo talagaaaa!" halos mapasigaw na ako.
Si Kim yung tipo ng kaibigan na supportive na hindi. Napakastraight forward kaya neto!
8:30 am - 8:30 pm ang shift ko.
NAPAKABAGAL NG ORAS NGAYON
Nang saktong pagpatak ng 8:30 halos tumalon ako at dumiretso sa nurse ward para magayos ng gamit.
SephDassa: I'm at the parking lot :))
Napangiti ako at hindi na nagreply. Pumunta agad ako sa parking lot.
Nang matanaw ko siya, pinagmasdan ko muna ang mukha niya sa malayo. Ang gwapo talaga!
Kinuha ko na agad ang wallet sa loob ng bag ko at nang makalapit ako inabot ko sakaniya.
Kinuha niya yon at ngumiti. Hindi siya nagsalita at hinila ako para sumunod sakaniya.
"Oy! San mo ako dadalahin?!" sabi ko at pumapalag.
Kunware lang, baka isipin niya easy to get ako.
Huminto kami sa tapat ng isang itim na BMW.
Yaman naman neto!!Tumingin lang ako sakaniya dahil sinesenyasan niya akong pumasok sa loob.
"I'm treating you to dinner" he said while watching my facial expression.
Siguro gets niya yung tingin ko.
"A thank you gift for keeping my wallet safe. I have so much important things in this wallet so..." he explained.
"Tara na nga! Tara na!" I said.
He chuckled and closed the door for me.
Gentleman!
Nang makapasok siya sa driver's seat agad akong nagsalita.
"Gutom na rin ako kaya sasama na ako" I said.
Do I sound defensive? Siguro
"I know" he confidently replied then he chuckled.
Medyo malayo-layo ang pinili niyang restaurant kaya nagtagal kami sa kotse. Naguusap kami tungkol sa mga bagay-bagay.
Madali siyang mapatawa, napansin ko. Lahat ata ng sasabihin ko dito matatawa siya eh.
"You're really funny!" He said while laughing.
Kanina pa kami tawa ng tawa dahil sa mga kwento ko.
"Eh kasi naman eh, hindi ko alam na may isang step pa don sa hagdan... ayon! Nalaglag ako. Halos lahat napangiti saakin eh kasi halos nakadapa na talaga ako" paguulit ko.
BINABASA MO ANG
Tèssera Astèria
Ficción GeneralAll came unexpectedly. Quintine Gail Benitez was happy and contented with the life she have right now, until four boys came to her life and somehow gave it twist that she didn't expect. It was so chaotic to be around those four...