Halos araw-araw akong pagod ng ilipat ako sa ER.
"Ayos lang yan,kailangan mo pang mag-adjust" sabi ni Kim.
Buti nalang din talaga parehas kami ng schedule, siguro minsan maiiba lang yung oras ng shift. At saturday at sunday parin ang off ko. Yay!
"First week palang naman masasanay ka rin" pagdagdag niya.
"Oo nga eh! Stress ghorl!" sagot ko
Kumakain kami ng lunch ngayon, no choice na rin ako ngayon, kung dati nakakalabas ako para kumain don sa tapat na karinderya ngayon hindi ko na magawa.
Hndi naman pinagbabawal, wala lang talagang oras. At effort pa ang paglabas kaya dito nalang kami sa canteen ng ospital kumakain.
Pero sa totoo lang, masaya ako dahil mas nagagamit ko lahat ng napagaralan ko. Mas dama ang pagiging nurse dito.
Kumakain parin kami ni Kim ng mag-ring ang cellphone ko.
"Hello,Mommy?" tanong ko.
[Nandito na kami sa Manila ulit, anak]
"Ahh. Welcome back po"
[Tomorrow , we're going to have a event. You need to be there]
"Po? Bakit pa ako kasama?" tanong ko.
[ ikaw ang nagiisang anak ko na babae]
Hindi ko maintindihan ang excuse na yon. WHAT? nagiisang anak babae? So?
Sinesenyasan na ako ni Kim na tapos na ang lunch
"Okay Mommy, I'll think about it. I need to go tapos na po lunch"
[ okay. I love you]
"I love you,bye" sagot ko at binababa ang tawag.
Naging busy ako buong araw pagkatapos non. Ang daming pasyente ngayong araw na to.
Pagkatapos ng shift ko ay dumiretso ako sa condo.
Pagkarating ko palang ng condo ay may kumatok na agad sa pintuan.
TINATAMAD AKO!
Pagkabukas ko ay may delivery guy.
"Delivery for Ms. Quintine Gail Benitez" sabi niya habang nakangiti. "Sign here nalang po" dagdag niya.
Kinuha ko ang box "Thank you" I uttered.
Tinignan ko ang isang maliit na papel
Wear this. Mom.
Nang buksan ko ang kahon isang rose gold spaghetti strap dress na mahaba halos nasa paa ko na, at meron itong slit sa gilid ng hita. Maraming itong glitters. Wow!
I have no choice but to attend that event. Argh!
Pero aminin ko maganda ang dress kaya sinukat ko ito at kasya naman.
I dozed myself to sleep. Naiistress rin kasi ako.
Halos 4pm na ako nagising dahil sa sobrang pagod. Napamura ako sa hangin dahil tatlong oras nalang para ayusan ang sarili ko.
Nagligo na ako at kinulot ang buhok ko na hangang baba ng dibdib ang haba,heavy curls ang ginawa ko.
Naglagay na ako ng make-up, nude lipstick ang napili kong kulay dahil bagay dito sa dress ko. I want to look simple and elegant.
Sapat lang sa morena kong kulay ang lahat ng suot ko ngayon.
From Mommy:
7pm sharp. See you. I love you.
![](https://img.wattpad.com/cover/228093007-288-k462913.jpg)
BINABASA MO ANG
Tèssera Astèria
Fiksi UmumAll came unexpectedly. Quintine Gail Benitez was happy and contented with the life she have right now, until four boys came to her life and somehow gave it twist that she didn't expect. It was so chaotic to be around those four...