Chapter 1

31 3 0
                                    

"Nurse, next patient please" sabi ni Doc Mara

"Yes, Doc" sagot ko at lumabas sa kwarto.

"Carlos, Gabriel Ambrose" sinabi ko. Halos limang patient nalang yung nandito.

Moreno at makisig, malakas ang dating niya. Sumunod siya saakin sa loob. Inalalayaan ko siyang magtimbang para magsimula na ang check-up niya.

Sa totoo lang, ayaw ko dito sa check-up ward. Ang plain kasi,parang health center.

Mabuti nalang at next week malilipat na ako sa Emergency Room,gusto ko don dahil nandoon ang totoong laban.

"Ms. Nurse siguro maraming nagpapacheck-up dito dahil sayo" pagbibiro ng lalaki sa harap ko.

"68 kilos" nilagay ko iyon sa papel. Tinignan ko ang height niya " 183 cm"

"Sungit mo naman Ms. Nurse" sabi niya.

For the second time hindi ko siya pinansin. Sanay na ako magsungit sa mga makukulit ng patient. Tinuro ko ang room na dapat niyang puntahan.

Sumunod naman siya at tinuloy ko na ang ginagawa ko.

Nang maglunch time na, lumabas ako ng ospital at naghanap ng pwedeng kainan. Gusto ko talaga ang mga pagkain don sa lagi kong pinupuntahan na karinderya.

"Isang order po nito  ate Flor" sabi dahil kilala ko na siya, at kilala niya rin ako dahil dito ako lagi kumakain.

"Wait lang Quintine ah!" Sagot niya.

Nakatulala akong pinapanuod na sandukan niya ang plato.

Nasa harap ko na ang pagkain ng may umupo sa tabi ko

"Ate isa po ng katulad sakaniya" sabi ng isang pamilyar na boses. Kilala ko yon ah.

Napalingon ako sa lalaking nasa tabi ko.

"Ikaw na naman?!" iritang tanong ko. Mas lalo akong nainis ng ngitian niya ako. 

Oo siya yung patient na nangungulit kanina.

"Hey! I have a name" sabi niya saakin.

Wala akong pake.

Tinitigan ko siya. Nakacap na siya ngayon na parang tago ang mukha niya. Nang titigan ko ng maayos ang mukha niya, pamilyar talaga siya eh.

"I'm Gab by the way" sabi niya at gustong makipagshake-hands. "May I have your name"

"Kapag kinuha mo ang pangalan ko, wala na akong pangalan" pagmamaldita ko.

" I mean, may I know your name?" He chuckled.

Hindi ko siya pinansin at binalik ang tuon sa pagkain ko. Bumulong pa siya ng sungit pero pinagsawalang bahala ko iyon.

"Oh Quintine, tapos ka na?" Tanong ni Ate Flor.

Ampota.

Nice one ate Flor, good timing ng pagsabi mo ng pangalan ko.

Tignan ko ang lalaki, at nakangisi na ito saakin, for sure narinig niya kung anong pangalan ko.

"Nice to meet you Quintine" he teased me.

"Ano ba gusto mo?" seryosong tanong ko. Doon nawala ang ngisi niya.

"I just want to know your name" sagot niya. Ngumiti ulit siya ng pilyo. Mas lalo siyang naging pamilyar saakin.

"Omg! Girl is that Gab Carlos?! Yung model?!" Sigaw ng babae. Lumapit ito kay Gab at nagpa-picture

"Thank you Gab!" Kinikilig na sabi nung babae.

Para akong nasamid sa sarili kong laway nang malaman kung sino talaga siya. Wtf?

Kilala ko siya! Madalas kong makita ang pictures niya.

"Are you regretting that you didn't accept my hand?" tanong niya at nakangisi. "It's not to late Quintine" he teased me.

Ngunit hindi ako nagpadala at umalis ako doon. Nakasunod siya saakin, aware ako don. Nang makapasok sa ospital may hawak ako ulit na mga papel.

"Ano ba?!" sigaw ko.

Napatingin ang mga tao ng saglit. Lalo na ang head nurse na nagiikot. Lumapit ito saakin.

"Nurse Benitez! Gusto mo bang matangal sa trabaho? Bawal sigawan ang mga pasyente" sabi niya saakin.

Wala yong name ko sa uniform dahil naiwan ko sa bahay yung pin ko,isa pang dahilan kung bat mainit ulo ng head nurse saakin.

Malamang ayaw ko naman mawalan ng trabaho, ito ang pinakamalapit sa condo ko, at isa pa isang taon na rin ako dito.

"Hello! I'm Nurse Quintine Gail Benitez" inabot ko ang kamay ko sa lalaki at pekeng ngiti ang binigay ko sakaniya.

Ngumiti siya na mapang-asar.

"Nice to meet you, Nurse Benitez" sabi niya. "See you around Ms. Nurse" dugtong niya at tsaka umalis.

Anong see you around?! Wag na siyang bumalik dito at nakakaabala siya ng trabaho.

Ang hirap dito sa Check-up ward, parang intern ang turing saakin. Laging ang init ng ulo ng head nurse saakin.

Di bale, next week makakaalis na rin ako dito.

Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho, at naubos ang patient ngayon araw. Umupo ako sa isang upuan dahil pagod talaga.

Halos hapon na rin yon nang matapos.

Nang makapagpahinga, naglakad na ako papunta sa mga locker,dahil tapos na rin ang shift ko ngayon araw. Malapit iyon sa emergency room.

May paparating ata na pasyente dahil nagkakagulo ang mga tao. Shox! Weird na kung weird pero astig para sakin ang ganitong scenes.

Pero....

Hindi ako makapaniwala sa lalaking nakikita ko.

Fuck!

Anong nangyari?!

Yung lalaking ngiting-ngiti sa harap ko kanina, ngayon kitang kita ko ang pagalala sa mukha niya.

May nilagay silang sa stretcher, matanda iyon. Mga around 80 plus siguro.

Kita ko ang pagluha ni Gab. Para siyang nanghihina sa nakita niya.

Lalapit ba ako?

Wag nalang.


Napagdesisyonan ko  na umuwi nalang ako sa condo at nagpahinga.

Pabagsak akong humiga sa sofa.

Sympre mag-isa lang ako dito sa condo.

Naglinis muna ako ng katawan dahil galing ako sa ospital malamang then I dozed myself to sleep.

——————————————————————————

Mwah <3

Tèssera AstèriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon