"Ma! alis na ako ma!" paalam ko sa nanay ko habang sinusuot ang sapatos kong pamasok."Maaga pa nak ah, bakit aalis ka na agad?" sabi ni mama na kagagaling pa ng kusina at pinupunas punas pa ang basang kamay nito sa apron niya sa bewang.
Gaya ng sabi ni mama maaga pa naman, kung tutuusin ay 40 minutes pa bago magsimula ang klase bukod doon ay walking distance lang layo ng school ko mula sa bahay namin pero mas gusto ko kasing naglalakad nang maaga.
Isa pa may ginagawa ako habang naglalakad papasok sa school.
"Masarap po kasi maglakad kapag maaga hehe malamig" palusot ko, pinanliitan naman niya ako ng mata. Uh-oh, alam niya atang nagpapalusot lang ako.
"Hmm yumi, anak may boyfriend ka ano?" nagulat naman ako sa tanong ni mama, ako? haha boyfriend?
"Oh gulat na gulat ka naman ata, tama ako ano?" mabilis naman akong umiling sa sinabi ni mama.
"Ma! tignan mo naman yung anak mo! wag ka mag alala walang papatol dito" taas noo ko pang sagot, ginulo naman ni mama ang buhok kong magulo na kahit di pa man niya ginugulo.
"Bakit? ganda ganda kaya ng anak ko! mana sa akin!" sabi nito at tsaka ako niyakap "Oh sya! umalis ka na baka naghihintay na boyfriend mo" huling asar pa nito sa akin tsaka ako tuluyang pinaalis, dineny ko pa ulit yung sinasabi niya bago ako magpaalam at lumabas.
Btw ako nga pala si Yumi Jade V. Castillejos, 17 years old at isang senior high school student sa isang tanyag na eskwelahan dito sa bansa. Puro mayayaman lang ang nakakapasok sa school namin buti na lamang ay naimbento ang salitang scholar kaya naman nakapasok ako sa eskwelahan na yon.
Mahilig rin pala akong magbasa ng libro. Simula nga daw bata ako ang bagay na tanging hawak hawak ko ay hindi laruan kundi libro, siguro nga kasi ay 'Book is Life'. Novels, Maths, Science, Fictions and even encyclopedias ay binabasa ko basta kahit anong libro na pwedeng mabasa ay kinatutuwa ko.
Nilabas ko na ang librong binabasa ko mula sa bag ko, isa pa yun naman talaga ang dahilan kung bakit ako naglalakad nang maaga; Para makapag basa ng libro habang naglalakad, wala pang masyadong tao sa daan nang gantong oras kaya hindi ako makakabangga, wala rin masyadong kotse na duma-
*BEEP BEEP*
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang bumusina ang isang itim at mamahaling sasakyan sa gilid ko, anong problema nito? nasa sidewalk naman ako ah!
Akala ko ay lalagpasan lang ako nito pero laking gulat ko nang tumigil ito sa gilid ko. Wait! ano 'to? kidnap?! maaga pa at walang masyadong tao kaya ngayon ang tamang panahon para mangidnap!
Pero bakit nila ako kikidnapin? hindi naman ako mukhang may per- Nakasuot nga pala ako ng elite academy uniform!
Nanigas na ako sa kinakatayuan ko dahil sa takot, gustuhin ko mang tumakbo ay hindi ko magawa dahil nanghihina ang tuhod ko sa takot! dapat pala talaga hindi na ako umalis nang maaga! Mama huhu mahal na mahal po kita!
Bumukas na ang pintuan ng kotse kaya napapikit ako, "WAG NIYO PO AKO KUNIN PLEASE, WALA PO AKONG PERA! SCHOLAR LANG PO AKO PROM-"
"Hey! Yumi! Hop in!"
Dinilat ko ang mata ko nang marinig ang pamilyar na boses "Nathan?!" gulat na tanong ko sa taong nakasakay sa loob ng itim na sasakyan.
"The one and only-" aroganteng sagot nito "- sumakay ka na dito, we're gonna be late" dagdag pa niya.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang malaman kong kila Nathan pala ang sasakyang 'to. Sumakay na ako at tumabi sa kanya sa back seat ng kotse nila.
YOU ARE READING
The Antagonist's POV
ФэнтезиYumi is a typical high school student who loves books than anything else. One night, while reading her favorite novel she felt dizzy and fell into slumber. When she opened her eyes she found herself in the body of someone she never wished to be. She...