"Nandito na ho tayo" sambit ni Alice na siyang nakaupo sa tabi ko dito sa loob ng karwahe.
Matapos ang ilang oras na byahe sakay sakay ng magarbong karwahe ay nakarating na kami ngayon sa kabisera ng Aristia, ang Himana. Papunta kasi kami ngayon sa family tailor nila Katarina na si Hannes para magpagawa ng damit na gagamitin sa darating na royal banquet.
Binuksan ng mga knights ang pinto ng karwahe, bago sila pumusisyon sa kani kanilang pwesto. Bumuo sila ng dalawang pilang magkaharap; limang knights ang nakapila sa kaliwa, lima rin naman sa kanan- yung pinakamalapit sa akin ang siyang nagalalay sa akin bumaba mula sa karwahe.
"Ano nalang ho ba ang pumasok sa isipan niyo at nagdesisyon kayong pumunta mismo rito, lady katarina? maaari naman nating tawagan si Baron Hannes para siya na lamang ang pumunta sa mansion." Bulong na tanong sa akin ni alice habang naglalakad na kami ngayon, nakasunod naman ang limang knights sa likod namin.
"Gusto ko lang maglibot libot, isa pa kailangan rin naman ng katawan ko ang sikat ng araw hindi ba, alice?" Sagot ko, nanahimik nalang siya kahit medyo nagulat siya sa sagot ko dahil kung ang totoong Katarina parin ang nandidito ay hinding hindi siya pupunta sa ganitong lugar lalo na't maraming commoners ang nandidito- which she despise the most.
Pero ang totoo hindi lang ako nandidito para maglibot libot at pumunta sa boutique ni Hannes. Para maisagawa ko ang plan B, kailangan kong ifamiliarize ang sarili ko sa mga pasikot sikot dito sa Himana dahil ito ang pinakamalapit na bayan na pwede kong takbuhan.
"Lady Katarina! It's a pleasure to have you here in my boutique! make yourselves comfortable" Nang makapasok kami sa boutique ay agad kaming sinalubong ni Hannes. Si Hannes ay isa sa mga sikat na tailor hindi lang ng mga nobles pero pati na rin ang Royal Family ayon sa memorya ni Katarina. He himself is a noble pero unlike sa house Farelle na isang ducal house isa lamang siyang Baron which makes us superior than him.
Pinaupo niya ako sa isang couch na nandito sa boutique niya, naghanda pa siya ng sweets at tea para lang sa akin. His store is divided into two, ang isa ay para sa mga commoners ang isa naman ay para sa nobles- kung nasaan kami ngayon.
"I've prepared some designs that will suit your taste, milady" sabi nito at inabot sa akin ang collection ng sketches niya.
Tama siya these designs will definitely suit Katarina's tastes. Ganitong ganito ang mga nakita kong gowns niya nang tignan ko ang damitan niya, nung una kasi ay plano ko na lamang pumili ng damit mula sa mga lumang dresses ni Katarina para yun nalang ang suotin sa banquet kaso lahat ng dresses niya ay puno ng mga ribbon. Malalaki at Maliliit na ribbon, hindi ko naman pwedeng suotin yon dahil magmumukha akong regalo pag nangyari yon!
"I also included some feather designs and-" napatigil siya nang tignan ko siya, wala pa man akong sinasabi pero ang mukha niya'y akala mo'y sinisigawan ko na siya, ganon ba talaga kasungit si Katarina?
"A-are these not to your liking? Lady Katarina?" Ninenerbyos nitong tanong sa akin.
"Baron." sabi ko at binaba ang mga drawings niya, lalo naman siyang ninerbyos.
"M-milady?"
"Your designs, they are great. Indeed, they are" pag compliment ko sa mga drawings niya, mukhang nakatulong naman yon para makahinga siya nang maluwag.
"I am flattered-" sagot nito.
"But," putol ko sa sasabihin niya "Can I try sketching my own design?"
Nagulat naman si Hannes, pati rin si Alice na siyang nakatayo sa gilid ng couch na inuupuan ko. Nagkatinginan pa nga silang dalawa dahil sa pagtataka.
YOU ARE READING
The Antagonist's POV
FantastikYumi is a typical high school student who loves books than anything else. One night, while reading her favorite novel she felt dizzy and fell into slumber. When she opened her eyes she found herself in the body of someone she never wished to be. She...