"Lady! you're awake! nag-aalala ho ako sa inyo"Nananaginip parin ba ako? paano ako napunta rito? isang babaeng naka suot ng pang maid na damit ang paulit ulit na tumatawag sa akin ng lady, nandito rin ako sa isang malaking kama sa loob ng isang malaking kwarto na katulad ng mga nasa princess movies.
"Ah!" napasapo ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng kirot bandang ulo.
"Lady? masakit parin ho ba ang ulo niyo? sabi ko naman kasi ho sa inyo na hindi dapat kayo umaakyat sa puno, nahulog tuloy kayo" sabi nito at inilalayan pa ako.
Tumingin ako sa kanya, may part sa akin na kilala siya kahit hindi ko pa siya nakikita buong buhay ko, pero hindi ko talaga maalala "S-sino ka?" tanong ko.
Nag iba naman ang ekspreyon ng mukha niya, nanlaki ang mata niya at napatakip siya sa bibig niya.. "M-memory l-lost?!" gulat na sabi nito tsaka biglang tumakbo palabas ng kwarto.
Ramdam ko parin ang sakit ng ulo ko, idagdag mo pa ang nangyayari! Wala akong maintindihan!
Subukan ko mang sampal sampalin, kurut-kurutin ang sarili ko at umaasang nananaginip lang ako ay hindi naman tumatalab at nandito parin ako.
Imposible rin namang nasa kamag-anak ako dahil wala naman akong kamag-anak na ganito kayaman at may mukhang palasyo na pamamahay! Napansin ko ring nagbago ang damit na suot ko, naaalala ko ay naka pajama ako pero ngayon ay nakabestida na-
Walang mangyayari kung mananatili lang akong nakaupo sa kamang inuupuan ko ngayon kaya naman bumaba ako mula rito at nagsimulang maglibot sa magarbong kwarto na 'to.
Puno ng magagarbong dekorasyon ang kwarto at itsura palang ay malalaman mong mamahalin na. Iba rin ang style ng kwarto dahil mukha siyang kwarto ng mga prinsesa during victorian times. Pero pano ba ako napunta rito?
Napatingin naman ako sa malaking painting na nandito sa kwarto. Painting siya ng isang babaeng kasing edaran ko na may puting buhok, mapupungay na kulay asul na mata, matangos na ilong, maputing balat at pulang labi, nakasuot din siya ng magarbong asul na bestida na siyang sinusuot ng mga makalumang prinsesa sa europe noon. Tao ba 'to? she's a goddess!
"Doc, hindi niya po ako nakilala kanina. Nabagok din po kasi ang ulo niya nang mahulog siya sa puno..." narinig ko ang boses ng maid kanina kaya naman nagmadali akong bumalik sa kamang malaki kung saan ako nagising.
Kaso bago ako makabalik ay nahagip ng mata ko ang gintong salamin na nakasabit sa dingding ng kwarto.
"N-no way..." nagpabalik balik ang tingin ko sa salamin at sa painting- hindi naman nanlalabo ang mata ko dahil wala akong salamin pero pano?
PANONG NAGING AKO YUNG BABAE SA PAINTING?!
'She has no magic? what a shame'
'No one will know that she's a part of the ducal house until someone tells you'
'Katarina! your tarnishing the surname Farelle!'
Sa hindi ko malaman na dahilan isa isang pumasok sa ulo ko ang memorya ng babaeng nasa painting, unti unti ring naging malinaw sa akin ang lahat- malinaw na sa akin..
"doc dit- bakit ho kayo nakaluhod sa harap ng salamin, lady katarina?!"
Na ako si Katarina, ang kontrabida sa novel na 'Hystoria'.
YOU ARE READING
The Antagonist's POV
FantasyYumi is a typical high school student who loves books than anything else. One night, while reading her favorite novel she felt dizzy and fell into slumber. When she opened her eyes she found herself in the body of someone she never wished to be. She...