Chapter 2

22 1 0
                                    

"Eh ano naman kung diary ni Genesis 'yon? Malay mo ganon talaga yung flow nung story o kaya ganon talaga yung pagkasulat non." sagot ni Diana saakin.

Nasa library kami ngayon ni Diana. Sinabi ko sakanya yung tungkol doon sa diary yata o librong nabili namin kahapon. Sayang at iniwan ko sa bahay. Di ko naipakita sakanya.

Di ko na binasa pagkatapos non. Parang ang sama kong tao kasi parang nangingialam ako sa buhay ng may buhay. Di ko nga kilala kung sino si Genesis eh.

"Sulat kamay, Diana. Hindi siya printed." sabi ko.

Kakatapos ko rin palang kumopya ng assignment sakanya. Wala eh, di niya rin natiis.

"Baka ganon lang talaga 'yon, Seph. Tapusin mo kaya." Inirapan pa niya ako habang inaayos niya yung gamit sa lamesa.

Di ko alam kung ipagpapatuloy ko pang basahin 'yon. Saka sabi sa unang page, wag basahin.

Ewan ko, bahala na.

Sana walang pa assignment mga teachers ko ngayon.

●●●

Naglakad lang kami ni Diana pauwi. Gusto raw niya bumawi saakin dahil di niya ako nasabayan kahapon pauwi at sumama siya sa mga kaibigan niya.

Doon niya talaga gusto bumawi ah? Hindi ba dapat sa pag-babike ko ng malayo para sa iisang libro lang? Kung Almanac siguro yon o Encyclopedia okay sana eh.

Buti nalang malakas siya saakin.

"Alam mo kagabi, di ako makatulog." sabi niya saakin.

Bitbit ko ang bag ko at ang bag niya sa harapan ko. Dala ko rin sa gilid ang bike ko. Parang stick kasi si Diana at baka mahirapan maglakad sa bigat ng bag niya. Ewan ko ba dito. Napakasipag mag-aral.

Lahat ng libro sa school inuuwi pa sa bahay minsan may galing pa sa library for other references daw.

Ako nga di ko alam nasaan na yung ibang libro ko eh.

"Sobrang sakit nung binasa ko. Dapat pala di ko muna binasa 'yun at inuna ko yung binili ko nung isang araw." sabi niya saakin habang yung kaliwang kamay niya nasa dibdib niya.

"Tagos dito, bes. Ang sakit." Natawa ako sa itsura niya dahil feel na feel ni Diana yung sakit at umaaktong para bang sakanya nangyari yung nabasa niya.

"Ano, niloko na naman siya nung lalaki at sisisihin mo na naman ako? Kami?" sabi ko.

Huminto siya sa paglalakad at tiningnan ako.

"Di kasi siya makaamin, Seph. Gusto niyang magtake ng risk pero hindi niya kaya." sabi niya. Bakit parang kumikislap yung mata ni Diana?

"Bakit, kapag ba nagtake siya ng risk magiging sila ba?" Tanong ko.

"Oo.. siguro?"

"Paano mo nasabi? Gusto ba siya nung gusto niya?"

Huminga ng malalim si Diana. Parang nalungkot yung mukha niya. Tiningnan niya ako biglang ngumiti.

Mga babae talaga ang bilis magbago ng moods.

"Hayaan mo na nga 'yun. Hindi nga pala sita gusto. Ay, magugustuhan pala." sabi niya.

Natawa nalang ako sa sinabi ni Diana. Lagi siyang ganyan. Damang dama niya lagi yung binabasa niya pero nakakatuwa siyang panooring magrant sa mga characters.

Naglalakad kami papasok sa subdivision namin ng mapansin kong nagbubulungan yung mga lalaki sa gilid ng kalsada.

Tiningnan ko sila at narealize kong hindi ako ang pinaguusapan. Si Diana.

GenesisWhere stories live. Discover now