Chapter 10

7 1 0
                                    

August 02

Dear Diary,

    Medyo naging busy lang sa pag-aaral kaya hindi na ako nakaupdate sayo. Feeling ko naman hindi mo hinahanap si May eh pero gusto ko lang sabihin na pangit pa rin siya at ang ugali niya. Ewan ko ba doon sa babaeng 'yon. Pinaglihi yata ng nanay niya sa pwet ng kaldero.

    Nung isang araw, nagulat kami ng may makita kaming lalaking may dalang maleta. Tatay ko pala. 'Yon yung lalaking iniwanan kami bata palang ako. Alam ko sa dati kong entry yata happy happy pa ako sakanya eh.

    Ang lalakas ng loob niyo mang-iwan tapos ngayon babalik kayo?

    Sinaraduhan siya ni mama ng pintuan pero hindi siya nagpatinag. Umapaw yung galit ko talaga pero nakaupo lang ako at hindi makatayo. Parang nastuck yung pwet ko sa upuan. "Please, pakinggan mo muna ako." sabi nung tatay ko habang nakasilip sa bintana. Pinagmumumura lang siya ng nanay ko sa sobrang galit at sinaraduhan ng bintana.

    After ilang minutes, wala na siya. Wala na rin kasing nagungulit sa labas pero kahit di aminin ni mama, nakita ko siyang nasaktan sa nangyari. Bakit kasi kailangan pang bumalik? Kapag umalis na, dapat alam na niyang wala na siyang babalikan. Ilang taon namin naranasan ni Boyet na walang tatay tapos ngayon magsosorry siya? Haha, walang ganon. Hanap siya ibang mauuto niya 'no.

    Nastress ako habang sinusulat ko 'yan ha. Ay pero alam mo, nag-iba ngayon si Leo. Naiinis rin ako doon kasi after nung araw na nag-open up siya saakin, hindi na ako kinausap. Para akong tangang habol ng habol at hello ng hello sakanya. This time di na siya nakikinig. "Leo, bakit hindi ka na namamansin?" tanong ko sakanya. Naabutan ko kasi siyang naglalakad papasok saamin. Hindi niya man lang ako tiningnan. "Wag ka ng makulit, Genesis." tapos bigla nalang siyang umalis.

    Hindi ko alam bakit kami nagkaganon. Wala akong ginawang mali. Pero tinigilan ko na rin siya after non. Di ko pinansin at kapag magkakasabay kami pumasok, hindi na ako sumasabay sa jeep at pinauuna ko siyang sumakay kahit late na ako.

    Isang araw, nakita kong may pasa at sugat siya sa mukha at wala pa rin siyang reaksyon habang naglalakad papunta sakanila. Hindi ko alam pero alam mo yung urge na gusto mong alamin bakit dahil nag-aalala ka?

   Hindi katulad nung iba na gustong alamin para makasagap at makakalat ng tsismis. Hindi ko sinasabing yung ibang kapitbahay namin 'to ah.

   So naglakas loob akong umakyat sa taas at dinalhan siya ng gamot. Kumatok ako ng ilang beses at as usual, matagal na namang buksan yung pinto. Natatakot nga ako baka kasi yung step dad niya yung magbukas pero thank You Lord at si Leo ang nagbukas.

    Bagong gising siya. Ang gwapo ni Leo kahit may bangas siya, diary. Mukhang nagulat siya bakit ako nandoon at hindi rin ako makapagsalita. Inabot ko lang sakanya at umalis na ako pero hinawakan niya yung kamay ko.

    Hinawakan niya yung kamay ko.
    Hinawakan niya, diary. Hinawakan niya.

    Alam mo yung sa mga pelikula? Yung slow motion? Totoo pala 'yon. Kasi paglingon ko sakanya, biglang bumagal yung ikot ng mundo at sa mata niya lang ako nakatingin. Ang perfect ni Leo, diary. Kaso ang sungit at napakamisteryoso.

    Tapos alam mo, sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag. Parang ewan talaga pero ang sarap sa feeling.

    Sa tingin mo, pwedeng maulit 'yon?
    At kung maari lang, wag na niyang bitawan?

    "Genesis." hawak pa rin niya yung kamay ko at natuod na naman ako. "May sasa-- salamat." bigla nalang siyang pumasok sa loob ng bahay nila at sinaraduhan na ako ng pinto.

GenesisWhere stories live. Discover now