June 7
Dear Diary,
I can't believe na nag ganito ako nung bata ako. Ang cute ko lang. Nagkalkal kasi ako sa mga lumang box ng bahay at nakita ko ito.
Maraming magagandang nangyari pero hindi ko alam bakit hindi na ako nakasulat. I guess tamad talaga ako. Pero look at me now, I'm trying to write again at wala pang kasiguraduhan kung magtutuloy tuloy ako. Hahaha :p
Ang shitty pa rin naman ng life. Kadiri yung last entry ko dito ah. News flash: Nambabae yung tatay ko tas iniwan kami, permanently. Sa una, malamang masakit. Naalala ko noon di ko maintindihan bakit hindi na umuwi yung tatay ko eh, nag-enjoy na pala sa iba. Saka pala, yung lalaking may brown na mata? Leo pangalan niya. I tried na makipagkaibigan doon pero walang effect. Masungit. Suplado. Hindi talaga siya nagsasalita.
Feeling ko nga pipe siya eh. Buti pa yung mama niya mabait. Siya? Ewan.
Makakalimutan ko bang ikwento sa'yo ang epal kong ex-boyfriend? Nakipagbreak 'yon saakin mga 3 months ago dahil raw kailangan niyang unahin at iprioritize yung pag-aaral niya. Parang ewan, sino lolokohin niya? Ako kaya gumagawa ng mga assignments at project nun kasi di daw niya alam paano eh. Tanga talaga. Ayaw nalang umamin na may iba na.
Umiyak ako syempre. Minahal ko rin 'yon kahit mukhang bingot 'yon.
Sige na, kapag di ako nakasulat bukas sorry nalang. Mas tumamad ako ngayon pero mas gumanda hihi. Bye :)
Genesis.
●●●
Kakatapos ko lang ibalot yung regalo ko kay Diana. Ngayon rin ang birthday ni papa pero kay Diana lang ako may regalo.
Ay meron rin naman akong regalo sakanya, existence ko. Para araw-araw siya mainis.
Walang pasok ngayon at hindi ko na naabutan si papa sa baba. Baka pumunta ng school at may inasikaso o kaya nagcelebrate mag-isa at di na naman ako sinama. Ano kayang regalo sakanya ni Ms. Lily? Sinunod kaya niya yung sinabi ko? Sana.
Lumipas na rin yung usap-usapan na binugbog ako ng principal. Syempre mabilis kumalat yung sinabi ko sa classroom, chismosa kaya lahat ng estudyante doon. Hindi makapaniwala si papa na sinabi ko 'yon sa buong klase. Gusto kong sabihing joke lang naman 'yon at sineryoso lang nila pero baka mabangasan na naman ako.
Kaya nanahimik nalang ako.
Pumunta na ako sa bahay ni Diana na nasa tapat lang namin. Nakasalubong ko agad si Tita Cel. As usual, hinanap niya yung tatay ko at nakita kong nadismaya siya nung sinabi kong wala sa bahay. Tita Cel naman, ilang taon na kayang ganyan si papa di ka pa nasanay.
Trabaho is everything.
"Puntahan mo nalang Si Diana, Sephry. Andoon sa kwarto niya kasi may sakit."
Pumasok na ako sa bahay nila. Simple lang ang design saka konti lang mga gamit nila. Hindi kasi mahilig si tita magdesign design tapos si tito naman nasa barko.
Nakita ko yung picture namin ni mama na nakasabit malapit sa hagdan. Bata pa kami ni Diana nito. Tapos buntis pa si mama nito kay Zyriel oh. Hahaha. Ang panget ko nung bata ako, kadiri. Katabi ni mama si tita habang si Diana nakayakap sakanya.
Ang ganda ng mama ko. Sana makita ko uli balang araw yung mukha niya. Parang anghel yung itsura ni mama. Ngayon kasama na niya ang mga anghel.
Kumatok ako at walang sumagot. Pumasok nalang ako at nakita ko si Diana na nakasimangot sa kama niya.
"May sakit ako, Seph."
"Halata nga, Diana." Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ko ang leeg niya para icheck kung gaano siya kainit. Ewan, automatic naman 'yon di'ba? Kapag may lagnat hinahawakan yung leeg at instant thermometer na?
Nakita kong namula si Diana at umiwas.
Inabot ko sakanya yung regalo ko at humiga sa kama niya. Bakit ba ang daming unan ng mga babae? Pati teddy bear ang dami. Pero ang aliwalas ng kwarto niya. Maliwanag. Masaya ang kulay.
Pinunit niya yung balot at ngumiti. Hinampas pa ako ng malakas sa braso. "Ang ganda nito, Seph! Kuhang kuha mo yung ilong ko dito oh!" pinakita pa niya saakin yung binigay ko sakanya.
Dinrawing ko si Diana gamit ang lapis. Sa araw-araw kaming magkasama at sa lagi kong nakikita ang mukha niya, di ko na kailangan ng picture na gagayahin. Napangiti ako sa reaction niya. Kitang kita ko kung paano ngumiti si Diana ngayon.
Ang saya lang makita mong masaya yung mga taong mahalaga sa'yo. Sobrang priceless.
"Ngayon nalang uli kita nakitang makatapos ng drawing mo. Feeling ko talaga super special ako. Ahh!" Niyakap niya ako habang tumitili.
Kahit masakit sa tenga, napangiti ako.
"Simula kasi nung.."
Napatigil ako sa naalala ko.
"Ano, ngayon nalang ulit kasi ako sinipag. Birthday mo naman eh. Pasalamat ka malakas ka saakin." sabi ko.
Nagpaalam si Diana na lalabas lang siya at may kukunin. Naiwan akong nakahiga sa kama niya at nakatitig sa kisame.
Simula kasi nung namatay si Zyriel at si mama, di na ako makatapos ng drawing. Hindi ko alam ang nangyari. Sumpa yata 'to saakin. Nagulat nga ako kagabi na natapos ko idrawing yung binigay ko kay Diana eh.
Tingin ko may himala nga pero panandalian lang.
●●●
Ilang araw ko na rin binabasa ang diary ni Genesis. One entry per day. Naiinis ako minsan kasi bitin o kaya natatawa ako dahil don sa mga kwento niya tungkol sa ex niya.
Nabasa ko rin na gusto siyang balikan nung ex niya. Pinanindigan naman pala yung sinabing study first eh. Naghonor yung lalaki habang si Genesis hindi makapaniwala. Hindi ko lang alam kung babalikan niya.
"Nagiguilty rin ako minsan. Kasi buhay 'to ng iba eh. This is her personal diary, feeling ko pakielamero ako."
Nasa Mcdo kami ni Diana dahil bumili na naman siya ng libro kanina at nagutom kami. Muntik pang maibuga ni Diana yung iniinom niyang iced tea saakin.
"Tama ba narinig ko, Seph? Umeenglish ka na?" sabi niya at mukhang nagulat siya nasabi ko. Pati ako nga rin nagulat eh. Isang linggo ko palang binabasa yung diary ni Genesis at minsan short entries pa ang mga nakasulat pero parang naaadapt ko na.
"Yes." sabi ko at tumawa siya.
Hindi pa ako nakakabasa ng entry ngayon kaya kinuha ko ang notebook niya. Araw-araw ko na rin 'to dala. Ewan ko ba, ayokong makita 'to ni papa sa kwarto o kung saan nakakalat. Baka itapon eh.
"Wait, Genesis lang talaga pangalan niya? Walang surname?" tanong ni Diana. Ubos na pala niya yung burger niya. Ang lakas lakas kumain pero ang payat. Bakit kaya ganon?
"Hindi ko alam. Sa mga nabasa ko kasi Genesis lang ang nakalagay. Baka sa ibang entries nalagay na niya." kinagat ko na yung burger ko.
"Kayang kaya mo 'yan tapusin sa isang araw lang eh."
"Mas okay nang ganito." sagot ko sakanya. Nakakaexcite kasi yung mga kwento niya at ayokong matapos agad sa isang araw. Para niya akong kinakausap ng harapan kahit di ko alam ang itsura niya.
"Sa tingin mo, ilang taon na kaya si Genesis?" tanong niya saakin.
Napaisip ako sa sinabi ni Diana. Mga kaedad na kaya siya ngayon ni Tita Cel o mas matanda pa? Magkaedad lang kaya kami or hindi?
"Hindi niya nilagyan ng year mga entry niya. Ewan ko. Pero siguro mga kaedad lang natin 'to kasi yung way na kung paano niya isulat parang saatin lang ngayon." sagot ko.
Nginitian ako ni Diana sabay dukot sa fries ko.
"Pagpatuloy mo lang 'yang pagbabasa mo. Weird pero yung pagbabago mo, nakakatuwa." kinuha na niya lahat ng fries.
Hindi na ako nakapalag sa pagkuha ni Diana sa fries ko pero naisip ko yung sinabi niya. Totoo kaya?
Totoo kayang nababago mo ako, Genesis?
YOU ARE READING
Genesis
Teen FictionHe's searching for a miracle and she became one. Two different hearts, longing for an answer. If miracles truly exist then every lost page is someone's genesis.