Chapter 8

7 1 0
                                    

Sobrang daming Genesis pero hindi ako tumigil kakasearch and stalk one by one and may isa na nakakuha ng attention ko.

Nasa kwarto ako ngayon at dahil holiday ngayon, walang pasok. Hindi ko na sinabi kay Diana na kapag may free time ako, hinahanap ko pa rin si Genesis sa Facebook.

Genesis Sunga.

Konti lang ang mga shared posts niya wala siyang mga pictures kaya nung inistalk ko madali lang. Pero meron siyang status sa Facebook na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

September 23, 2017

I lost my yellow journal with an initial 'G' sa side. Kindly message me here kung may nakakita man. Thank you! :)

Tiningnan ko uli yung notebook na nasa gilid ng kama ko at fit na fit yung descriptions niya. Yellow na may initial na 'G' sa gilid.

Si Genesis na kaya 'to?

As far as I can remember, eto ang pinaka unang Facebook account na may pinaka malapit na evidence. I decided to send her a message.

Hi, Genesis! I'm not sure kung sayo itong journal na nakita ko pero fit kasi sa descriptions mo eh. Ibabalik ko lang sana.

Pinindot ko na yung send at nagfriend request pa ako sakanya. Hanggang sa facebook misteryo ka pa rin, Genesis. Gusto kong ma-meet siya in person para makahingi na rin ng tawad sa pangingialam ko ng personal diary niya. Sana hindi siya magalit.

Sana ikaw na 'to.

Binuklat ko na 'yung notebook at binasa na yung susunod niyang entry.

June 27

Dear Diary,

    Hindi kita nasulatan nung mga nakaraang araw dahil na rin siguro sobrang busy sa school. Ang daming paactivities ng school namen! Isipin mo, kakastart palang ng klase, umay na sa activities. Nakakapagod pero masaya naman, konti.
Epal pa rin naman si May at mga friends niya sa buhay ko. May booth kasi kami ng section namin at kalaban namin yung booth nila. Hinati kasi kami sa dalawang group. Karaoke booth yung kanila habang kami, tamang tinda lang ng gummy bears and other yummy candies. Target audience kasi namin mga bata since napakadami nila dito.

    Aaminin ko na nga, maganda ang boses ni May kasi kumanta siya sa booth nila kanina pero ang pangit ng ugali niya. Saka break na sila nung boyfriend niya. Akala nga niya pinopormahan ako eh after nila maghiwalay pero wala naman akong narereceive na text or something sa ex niya. Illusyunada lang talaga siya. Ewan ko ba doon bakit galit na galit saakin. Mamatay na kamo siya sa galit niya. Char.

    Nakita ko pala kahapon si Leo na bumili ng fishball sa may tapat. Nakablue lang siya na t-shirt at suot pa rin niya yung PE jogging pants pa niya yata. Dahil papansin ako, nilapitan ko siya.

    "Nakain ka pala ng fishball?" Tiningnan niya ako at mukhang naweirdohan siya sa bobo kong tanong. "Malamang." sagot niya. Napakasungit talaga. Kumuha rin ako ng baso at nagsimula na akong magtusok ng hotdog, kikiam at fishball. Nilagyan ko na rin ng sauce at nilapag ko yung kinuha ko doon sa may kart. "Kuya wait lang, kuha lang ako bayad." Wala pala akong dalang wallet.

    Nagulat ako ng bigla niyang hawakan yung kamay ko. Yung puso ko, napakaweird. Sobrang hindi ko maexplain. "Babayaran ko na." Naglabas siya ng twenty-five pesos sa wallet niya at inabot doon sa nagtitinda. Wait, binilang niya 'yon? Nakakahiya! Ang patay gutom ko. Aba, syempre nahiya ako. Hindi ko masubo yung kinuha ko dahil hindi ko alam paano magpapasalamat sakanya. Tiningnan niya ako pagkatapos niyang kainin yung natitirang fishball sa baso niya. "Ba't di ka pa kumakain?" tanong niya.

    Para akong tuod na ewan dahil hindi ako makagalaw. Ang ganda ng mata ni Leo, sobra. Ang sarap lang titigan araw-araw at hindi nakakasawa. "Salamat." nginitian ko siya pero wala man lang akong nakuhang response o ngiti mula sakanya. Umalis na siya at pumasok na sa gate ng apartment.

    Alam mo, ayokong kainin yung pagkain hindi dahil sa busog ako pero ayokong mawala. Yung 'yung unang unang binigay niya saakin. Weird ba na ganito ako mag-isip? Pero dahil di ko na rin kinaya yung gutom ko, kinain ko na. Palagi naman akong gutom. Hinugasan ko rin pala 'tong nakadikit na stick sa'yo ngayon. Memorable 'yung araw na 'yun kaya nilagay ko 'yan.

    Oo nga pala, napansin ni Boyet na napapadalas daw na maraming dumadaan na mga babae sa lugar namin ngayon. Unusual siya kasi looban na yung apartment namin. Nung isang araw, lumabas si Leo at yung mga babae nakatitig sakanya at yung iba pasimpleng nalapit pa sakanya sa tindahan. As usual, di niya pinansin yung mga chaka at bumalik na sa apartment.

    Pero alam mo, bago siya umakyat nagkatinginan kami. Merong weird feeling inside me na hindi ko naman naramdaman sa ex kong idol na yata si Albert Einstein. Ang ganda talaga ng mata ni Leo. Hindi ako makaget over.

    Tapos kahapon, nagdecide ako na umakyat sa second floor para ibalik kay Leo yung twenty five pesos niya. Nahiya kasi talaga ako. Kumatok ako sa pintuan nila at medyo matagal bago buksan. Nagulat si Leo na makita ako. Hindi niya siguro talaga inexpect na eepal na naman ako sakanya ngayon. Binalik ko 'yung pera pero hindi niya tinanggap. Libre niya daw 'yon.

    Ewan ko ba, parang kinilig yata ako. Yata. Nagulat ako biglang lumabas 'yung tatay ni Leo at sinamaan ako ng tingin. "Ano, Leo? Nagdadala ka na ngayon ng babae sa bahay? Hindi ka na nahiya. Ang hirap hirap lang natin tapos may gana ka pang magdala ng babae?" Walang reaksyon sa mukha si Leo at nahiya ako. Mukhang lasing yata 'yung papa niya at patuloy siyang sinesermonan sa labas. Alam mo, naawa ako sakanya. Para siyang robot, wala siyang reaksyon sa mukha. Hindi ko siya mabasa.

    Kaya ayon, nagpasalamat nalang ako sakanya at bumaba na. Hanggang ngayon di pa kami nagkikita. Nahihiya ako sakanya. Dahil saakin napagalitan pa siya.

    Ano kayang mangyayari bukas 'no? Sana okay lang si Leo.

                                                    Genesis.

●●●

Wala pa ring reply hanggang ngayong. Bawat minuto yata nirerefresh ko yung Facebook ko para tingnan kung may nagreply na pero wala pa rin hanggang ngayon.

Magkasama kami ni Cloud at niyaya niya akong manood ng basketball practice dito sa school namin. Gusto pala niya sumali sa varsity, niyayaya pa nga niya ko.

"Si Diana nga pala? Bakit di kayo magkasama?" 

Oo nga no? Hindi na pala kami laging magkasama ni Diana ngayon. Either busy siya o kasama mga kaibigan niya. Parang iniiwasan pa niya ako.

"Nakita ko siya kanina kasama mga kaibigan niya eh, bakit?" tanong ko.

"LQ?" tanong niya tapos ngumiti na mapang-asar. Hindi ko nalang siya pinansin at nirefresh ko uli yung Facebook ko. "Pre, may gusto ka ba kay Diana?" nagulat ako sa tanong ni Cloud.

"Wala. Bakit?" sagot ko. Ang weird naman nito ngayon. "Papayag ka ba kapag nilagawan ko siya?" tanong niya.

May parte saakin na gusto kong pumayag dahil mabuting kaibigan naman si Cloud. Pero bakit may parte rin saakin na ayaw ko?

"Babaero ka eh." sabi ko sakanya.

"Gago, seryoso ako." sagot niya.

Tinutok ko nalang yung atensyon ko sa laro.

"Ibang iba si Diana sa lahat, Sephry. Tanga na lang talaga ang hindi nakakapansin doon."

GenesisWhere stories live. Discover now