Nagmamadali na akong kumilos dahil ayokong mapapunta sa guidance dahil late na ako sa flag ceremony. Panigurado makakarating 'yon agad kay papa at you know what will happen next.
Sumakay na ako sa bike ko at binilisan ang pidal. Ano ba 'yan, wala pa ako sa school pero pawis na pawis na ako.
Hindi ko na binati yung mabait naming guard sa subdivision at wala na rin akong pakialam kung mabangga ako ngayon dahil singit ako ng singit. Ang mahalaga makaabot ako bago magbell.
Makalipas ang ilang minuto ay hindi ko na pinark ng maayos yung bike ko. Binagsak ko nalang at mamaya ko nalang 'yan aayusin.
Tumakbo ako ng mabilis at kahit hinihingal na ako, pinilit kong makaabot doon sa may guard na nagbabantay. Makakapasok na sana ako pero hinarang niya ako.
"Asaan ID mo?" Shoot. ID? Chineck ko yung bag ko at wala doon yung ID ko. Malamang nasa bahay 'yon at naiwan. Gusto kong magmura talaga ngayon.
"Naiwan ko kuya sa bahay." sabi ko. Umiling lang siya at hindi ako pinapasok. Mahigpit kasi dito sa school. Kapag wala kang ID, di ka papapasukin ng guard unless tatawagan yung parents mo. Wag nalang 'no. Uuwi nalang ako kesa tawagin pa yung principal ng school.
Palabas na sana ako ng gate nang makita ko yung kumag sa booksale. Dito siya nag-aaral?
"Kuya oh, cutting." Tinawag niya yung guard sabay turo saakin. Epal. "Hindi 'yan makakapasok. Uuwi 'yan kasi walang ID." sagot nung guard .
"Wala rin pala akong ID kuya. Bye!" bigla niya akong inakbayan at sumabay maglakad saakin paalis. "Saan tayo? Nagbibilliards ka ba?" tanong nito.
"Uuwi ako." walang gana kong sagot sakanya.
"Dapat pala pumasok nalang ako. Boring mo kasama eh." Umagang umaga pero ang sama sama na ng hangin dahil sakanya. Hindi ko alam ang problema nito. Bakla ba 'to?
"Edi pumasok ka." walang gana kong sagot. Pinulot ko yung bike ko at sumakay. Bahala na siya d'yan sa buhay niya. Wala naman akong pakialam sakanya eh.
"Huy! Sandali!" hininto ko yung bike at tumakbo siya papunta saakin. "Ayoko talagang pumasok. Buti nga nakasalubong kita eh. Di nahalata nung guard na bago lang ako dito." sabi niya. Kaya pala hindi ko siya nakikita dito dati saka walang dalang bag 'to. May mas tamad pa pala saakin eh.
"Inom tayo! Nainom ka ba?" tanong niya.
Ayokong magmukhang mahina kapag sinabi ko ang totoo. Hindi kasi ako umiinom dahil bawal kahit gusto ko. Ganon kahigpit ang tatay ko. Kahit nga isang bote bawal eh. Kapag sumubok akong tumakas, malalaman at malalaman rin niya.
Matalino 'yon, lugi ako.
"Umaga pa lang. Bobo ka ba?" sabi ko. Tumawa siya. "Alam mo pre, para kang may regla. Ang init ng ulo mo eh." sabi niya at tinapik pa yung balikat ko. Close ba kami nito?
"Tatay mo yung principal dito diba? 'Yun yung sabi saakin nung isang chix nung nagenroll ako eh. Yung Mr. Ramirez ba 'yun? Takot ka don?"
Akala ko may mas bad influence pa kesa sa mga varsity players ng school namin. Itong lalaking nasa harap ko sobrang lakas ng confidence sabihin 'yon sa harapan ng anak ng principal. Bugok 'to.
Pero tama siya. Takot ako kay Mr. Ramirez? Bakit ako matatakot don?
Bahala na.
"Ayoko uminom ng umaga." nagsimula na akong magbike pero pinigilan niya ako. Ngumiti siya saakin at tinanggal pa niya yung necktie niya and nilagay sa bag. "Sinabi ko bang ngayong umaga? Malamang mamaya! Tambay oyats saamin!" sabi niya.
YOU ARE READING
Genesis
Teen FictionHe's searching for a miracle and she became one. Two different hearts, longing for an answer. If miracles truly exist then every lost page is someone's genesis.