His Sexy Nightmare

160 70 75
                                    

"Your new client

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Your new client."

Inabot kay Alpheus ang isang itim na folder. Agad naman itong kinuha at binuklat ni Alpheus. Nanlaki bigla ang mga mata niya sa kaniyang nabasa.

"Bakit ako? Ayaw ko pang mamatay!" pagmamaktol ni Alpheus.

Napatingin naman ang lalaking nag-abot ng itim na folder kay Alpheus.

"Bro, lima na kliyente ko. Sayo, dalawa pa lang, baka naman gusto mong idagdag na 'yan," sumbat niya kay Alpheus na masama na ang tingin sa kaniya.

"Ibigay mo sa akin iyong limang kliyente mo at sa iyo na ang isang ito." Pilit binabalik ni Alpheus sa kasama ang itim na folder ngunit tinalikuran lang siya nito.

"Thedric! Makinig ka sa akin, hindi ko kayang hawakan ang kliyenteng 'to." Umupo si Thedric sa kaniyang desk at tumingin kay Alpheus na mukhang tensionado na sa kaniyang magiging kliyente.

Napahalukipkip muna ito bago muling magsalita. "Alpheus, hindi tayo nagtrabaho dito para pumili ng taong dapat nating tulungan. Kahit drug addict o serial killer pa 'yan kailangan pa rin nila ang tulong natin."

"Alam kong kaya mo 'yan, naniniwala ako sa kakayahan mo," dagdag pa niyang sabi kay Alpheus. Tinapik-tapik niya ang balikat ni Apheus sabay ngumiti.

Tulalang iniwan ni Thedric si Apheus sa kaniyang kinatatayuan.

"Fuck!" Iyon na lamang ang madiing sambit ng binata.

His Sexy WeaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon