"This is it."
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Alpheus bago pasukin ang isang silid.
Bumungad sa kaniya ang isang dalagang naka-upo sa isang silya.
Kumuha agad ng silya si Alpheus at iniharap niya ito kung saan nakaharap ang dalaga sabay umupo.
Tinitigan muna ni Alpheus ang dalaga. Nakasuot ito ng black blazer na may logo sa kaliwang dibdib ng damit niya, at white polo na naka-loose pa ang necktie nito. Naka-black skirt na three inches above her knees, masyadong kapos ang telang iyon para suotin ng isang estudyanteng gaya niya at wala pang suot-suot na stocking.
Kapansin-pansin ang biglang pag-iwas nang tingin ni Alpheus sa ibabang bahagi ng dalaga.
"Paano ang pagbigkas ng pangalan mo?" Muli siyang napatingin sa mukha ng dalaga.
Nakabibighani ang dalagang ito. Maliit at bilugan ang hugis ng kaniyang mukha, mapupula rin ang kaniyang pisngi at labi na mapapansin mong natural niya itong taglay. Lalong nagpaganda sa kaniya ang nunal niya sa ibabang gilid ng kaniyang labi.
Maganda rin ang hubog ng katawan nito, sigurong maraming nahuhumaling na kalalakihan sa dalagang ito. Ang kaniyang dibdib ay sakto ang laki para sa kaniyang medium size na polo. May kaliitan ang kaniyang height pero masasabi mong lalo lang itong nakadagdag ng kaniyang sex appeal.
Napalunok na lamang sa lalamunan si Alpheus sa kaniyang nakikita.
"Sintakee." Napatingin ang dalaga sa labas ng bintana nang may marinig siyang ingay ng eroplano.
"Sinisinta keeta." Napatingin din si Alpheus sa bintana pero agad din niyang binalik ang paningin sa dalaga.
Isang napakaseryosong mukha ang tugon ni Syntyche kay Alpheus.
Napangisi at napahawi ng buhok si Alpheus, "Hindi talaga ako marunong bumanat."
"Alam mo bang maganda sa babae ang naka-skirt, pero dapat magkadikit ang mga hita niya kapag naka-upo siya," saad ni Alpheus.
Hindi pwedeng magkamali si Alpheus, salawal ni Syntyche ang nakita niya kanina sa loob ng itim na palda nito.
Pinagdikit naman agad ni Syntyche ang kaniyang mga hita, pero seryoso pa rin niyang tinititigan si Alpheus.
"Ilang taon ka na?"
"Eighteen."
"Kumusta ka naman sa esk'welahan mo? Wala bang nanggugulo sa 'yo?"
Hindi umimik si Syntyche.
"Mukhang hindi ka nga okay doon. Hayaan mo, mag-iisip ako ng paraan para magabayan kita sa eskuwelahan."
"May konti pala akong katanungan sa iyo, p'wede mo akong sagutin ng yes or no lang." Binuklat ni Alpheus ang itim na folder.
"Are you ready?"
"Yes."
"Good. Are you taking any medicine?"
"No."
"How about drugs and alcohol?
"Alcohol."
"Have you experienced physical, sexual or mental abuse?
"Yes."
Napatingin si Alpheus sa dalaga. Nilalaro lang nito ang kaniyang necktie.
"Did you try hurting yourself?"
Binitawan ni Syntyche ang kaniyang necktie at tumingin kay Alpheus. Napatitig si Alpheus sa kaniya at bigla siyang kinutuban sa pagtayo ni Syntyche.
Dahan-dahan nitong binababa ang zipper ng kaniyang palda.
Napalunok si Alpheus sa kaniyang lalamunan. "Wag—"
Hindi niya na natuloy ang kaniyang sinasabi nang malaglag na ang palda ni Syntyche sa sahig.
Gulat na gulat si Alpheus sa kaniyang nakikita. Puro guhit ang mga hita ni Syntyche. Marka ito ng paglalaslas sa kaniyang sarili.
Iniwas agad ni Alpheus ang kaniyang mga mata kay Syntyche. "Isuot mo na 'yong palda mo."
Dinampot ni Syntyche ang palda at dahan-dahan niya itong tinaas para suotin. Nang masuot niya na ay bumalik ulit siya sa kaniyang pag-upo.
Tumingin na ulit si Alpheus sa kaniya.
"Hanggang dito na lang muna tayo," saad niya. Tiniklop ni Alpheus ang itim na folder.
"Nakalimutan ko pa lang magpakilala sayo. Ako nga pala si Alpheus Marsielle, isa akong social worker for mental health. At simula ngayon, madalas mo na akong makikita. Wala akong maipapangako sa iyo, pero gagawin ko ang makakaya ko para matulungan kita."
Ngumiti si Alpheus sa walang emosyong mukha ni Syntyche.
BINABASA MO ANG
His Sexy Weapon
Mystery / ThrillerYour mind is the most dangerous weapon and your worst enemy. *** Alpheus Marsielle is a social worker for mental health. His life will turn upside-down when Syntyche Chevrolet became his client, the girl with Schizoaffective disorder. How far will y...