Her Delusions

119 65 75
                                    

"Wala na siyang pamilya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Wala na siyang pamilya."

"Walang pakialam ang mga kamag-anak niya. Tayo lang ang makakatulong sa kaniya."

Hindi maalis sa isipan ni Alpheus ang mga sinabi ni Thedric sa kaniya. Dapat niya bang kaawaan si Syntyche. Alam ni Alpheus kung bakit mag-isa na lang si Syntyche sa buhay. At kasalanan ng dalaga ang lahat ng iyon.

Binuksan ni Alpheus ang pinto ng silid. Pagpasok niya ay wala siyang nakitang tao sa loob.

"Sintakee?" Palingon-lingon pa siya sa bawat sulok ng kwadradong silid.

Bigla siyang nakarinig nang tunog ng tubig, agad niyang hinakbang ang kaniyang mga paa para tignan kung saan nanggagaling ang ingay na iyon.

Napatingin siya sa bukas na pinto ng banyo. Napatitig siya sa loob nito. Sa isang tinted glass door ay nasisilayan niya ngayon ang isang dalagang hubo't-hubad na pinapaliguan ng tubig galing sa shower head.

Hindi maalis ang makasalanang mga mata ni Alpheus sa katawan ng dalaga. At ngayo'y nagsisimula nang mag-init ang kaniyang katawan. Bigla na lang pumasok sa kaniyang isipan ang mga salitang...

"Kung ang mata mo naman ang siyang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mas mabuti pa ang magkaroon ng buhay na walang hanggan na bulag ang isang mata, kaysa may dalawang mata kang itapon sa apoy ng impiyerno.” -Mateo 18:9

Bumalik ang diwa ni Apheus nang maalala ang mga salitang iyon mula sa kaibigang Pastor. Dali-dali siyang lumabas ng silid upang makaiwas sa nagbabadyang panganib sa kaniyang pagkalalaki. Kung maaari ay kailangan niyang malabanan ang tumatarantado sa kaniyang isip.

Napadukot siya sa kaniyang bulsa at inilabas ang yosi at lighter. Inilagay niya sa kaniyang bibig ang yosi at saka sinindihan, humithit at pinabaga ito. Saka binuga ang usok mula sa kaniyang bibig. Medyo naibsan ang kaniyang nararamdaman sa bawat ihip niya sa kaniyang sigarilyo.

Nagulantang si Alpheus ng makarinig nang paghiyaw sa loob ng silid. Agad niyang itinapon ang sigarilyo sa basurahan at dali-daling pumasok sa loob ng silid.

"Sintakee!" Agad siyang nagtungo sa banyo at nakita niyang naka-upo na ang dalaga sa lapag ng shower room.

Umiiyak at takot na takot ang itsura nito.

Nilapitan siya agad ni Alpheus at mabilis na hinatak ang tuwalyang nakasabit sa gilid ng pinto. Binalot niya ang katawan ni Syntyche ng tuwalya.

Hinawakan niya ang dalaga sa magkabilang balikat at marahan niya itong niyugyog. "Sintakee! Anong problema? Ako ito si Alpheus! Sintakee!" Nangangambang sabi ni Alpheus.

Nginig na nginig si Syntyche, halos mamutla ang dalaga sa takot.

"Sintakee, nandito na 'ko. Hindi kita pababayaan, huminahon ka na."

Medyo kumalma ang dalaga sa narinig mula kay Alpheus. Inangat niya ang kaniyang mukha, nakita niya ang matinding pagkabahala sa itsura ni Alpheus na ngayo'y nakatitig din sa kaniya.

Sinandal ni Syntyche ang ulo niya sa dibdib ni Alpheus at humawak sa braso nito.

"I'm tired." Iyon na lamang ang nasambit ng dalaga bago niya tuluyang ipikit ang kaniyang mga mata.

His Sexy WeaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon