One

16.1K 36 11
                                    

PRANK GONE WRONG

Pakanta kanta lang ako habang nag babantay sa tindahan namin. Lumingon ako sa pinto kung may tao ba at ng masiguro kong wala, kumuha agad ako ng isang lollipop at dali daling kinain.

Busy ako sa pagkagat sa lollipop ng may biglang mag salita sa labas.

"Paload." maikling sabi nito at para bang naiinip pa.

Nasilayan ko ang dalagang bagong lipat sa kalapit na bahay namin, napakaganda talaga ng babaeng 'to. Time na siguro 'to para malaman ang pangalan niya.

"Hello, babe." sabi ko sabay kindat. Inayos kopa ang buhok ko at sinubo ulit ang lollipop.

"Ang sabi ko, paload."

Pota ang sungit. Napakamot ako ng batok at lumapit sa mga cellphone.

"Anong network, babe?" tanong ko sabay lingon sakaniya, inalis ko ulit ang lollipop sa bibig ko.

"Globe." maikling sabi nito kaya naman kinuha kona ang kulay blue na phone na de-keypad. Inabot ko din agad sakaniya ang phone ng maayos na.

"So, anong pangalan mo?" tanong ko habang nakapangalumbaba at nakatingin sakanya na busy sa pag tipa ng numero, tumitingin pa ito sa kodigo nito.

"Rinoea..." maikling sabi nito sabay abot sakin ng phone. "...50 pesos." dagdag nito sabay abot ng 53 pesos saakin.

"Okay, Rinoea babe." sabi ko habang nakatingin sa phone, tumalikod ako sandali at tinype ang number sa cellphone ko sabay save.

Dali dali ko ng niloadan ang number ni Rinoea at lumingon sakaniya ng may malaking ngiti sa labi.

"Okay na Ri-" natigilan ako ng mawala sya sa harap ng tindahan. Puta, bilis mawala ah, parang jowa mo na ka-late night talk mo.

Nag-kibit balikat nalang ako at kinuha ang phone ko dahil nakaisip ako ng kalokohan.

"hi mam, gud afternun pho... lazada p itu.. ask q lng pho kng kau b c rinoea.? and2 n pho order niyu.." pigil ko ang pag tawa ng mai-send ko ang message na 'yon.

Nilabas ko ang ulo ko sa butas ng harap ng tindahan kung saan inaabot ang mga binibili ng mga customer at sumilip sa labas. Nauntog pa ako sa gulat ng mag beep ang cellphone ko.

"Anong order ba?" reply nito.

"boyfren po..." hindi ko nanaman napigilan ang malakas kong tawa, halos himatayin ako sa kakatawa ng mabasa ko ang reply nito.

"Ang tagal mo naman dumating, anong pangalan mo?" pagbasa ko sa reply nito.

"Ako 'to si Adrian, yung crush ng bayan pero makikita mo rin ako sa tindahan. 😉"

Nag hintay ako ng ilang minuto ng mai-send ko ang message ko. Rinoea

"Hi, Adrian. Ako 'to si Jordan yung fucking kuya ni Rinoea na balak mong landiin. Makikita mo rin ako sa tapat ng inyong fucking tindahan."

Naguguluhan man, tumingin ako sa labas ng tindahan. Isang matangkad na lalaki ang bumungad sakin at masama ang tingin, napalunok ako ng lumapit ito. Puta, ano 'tong pinasok ko?

"Ikaw si Adrian?" tanong nito.

Bakit ako matatakot? Kaunti lang naman laki ng katawan niya saakin. Moreno siya kaya mukhang siga, may tattoo sa balikat na diko malaman kung ano ba 'yon dahil naksando siya. Hindi rin malaki ang tiyan at sa tantiya ko, matanda ito ng tatlong taon saakin.

"Ako nga, pre." sabi ko, mas maangas ang boses at hindi pinahalatang kinakabahan.

"Sige, boyfriend na kita...." anito sabay kindat, lumambot ang ekspresyon ng mukha at nag kagat labi pa. "...matagl na rin kitang napapansin nung lumipat kami dito. Type na talaga kita, una palang. Huwag mo sasabihin sa kapatid ko ah, at 'wag mo na ligawan kapatid ko, ako nalang." tapos ay sinubukan ako nitong abutin, mabuti nalang naka atras ako agad.

"Putangina?!"

One Shot Stories Where stories live. Discover now