5.
napabalikwas ako ng bangon sa kama nang makita kong 9:35 na ng umaga. dumiretso ako agad sa banyo para maligo
saturday kasi ngayon at ngayon ang meet up na napag usapan namin nila Bea. 10 o'clock dapat ay nasa coffee shop na kaming lima kaso anong oras na ko nagising
Hindi ko alam kung anong ligo na ang nagawa ko dahil dahil sa pag mamadali. Nang makalabas ako ng banyo ay nag hanap ako agad ng maisusoot ko .
Isang black crop top na may nakasulat na payne sa bandang kanan at black high waiste pants at nike white shoes ang napili kong isuot.
Pagkatapos ay nag lagay lang ako ng liptint at pulbos sa mukha saka blinower ang buhok ko at itinali ito ng messy bun saka kinuha ang shoulder bag kong kulay white.
Dali dali akong bumaba at patakbong lumabas ng bahay nakasalubong ko naman si Nanny
"oh saan ang punta mo?" pasigaw na tanong nya sakin nang tumatakbo ako papunta sa garahe. Sinabi ko muna kay kuya Robert na mag papahatid ako sa coffee shop malapit sa mall bago sagutin ang tanong ni Nanny
"sa coffee shop po ni ninang!" saka ako sumakay sa van at nag maneho na si kuya Robert papunta sa coffee shop.
Kinuha ko naman muna ang phone ko sa bag at inopen ang messenger ko. Nakita kong nag chat na doon si Bea at Mark
Bea Dela Cruz
Hey Aly and Clarence nasan na kayo
Mark Salvador
Ang tagal nyo
Tyson
Pa VIP kayo dahil dyan ililibre nyo kami!
I compose a message
Aly Hadid
Sorry guys on the way na ko. Late na kasi akong nagising
Mark Salvador
Haruyyy manlilibre ka ngayon
Bea Dela Cruz
Hihintayin namin kayo dito
Harry Clarence Gomez
Malapit na ko saglet!
Tyson
Oorder na kami kayo mag babayad pag dating nyo.
Maya maya pa ay inihinto na ni kuya Robert ang sasakyan sa harapan ng coffee shop at saka ako bumaba. Bago paman ako nakababa ay sinabi ko na sa kanyang mag papasundo nalang ako mamaya at itetext nalang sha.
Pagkapasok sa coffee shop ay nakita ko agad si Tyson na kumakaway sakin. Madali nya na akong namukhaan dahil nga nagkita na kami kahapon sa Mall.
"Hey guys I'm sorry nalate ako" nahihiyang sabi ko
"OK lang yun. Omo ang ganda mo pala talaga!" papuri sakin ni Bea. I know it was her kasi kami lang naman ang babae sa grupo
"umupo ka na ang tagal ni Clarence" reklamo ni mark "nasaan na kaya yung gung gong na yun." dagdag nya pa
Maya maya pa ay nakita naming may lalakeng pumasok sa coffee shop at alam naming si Clarence na yun. Kumaway naman sa kanya sina Mark at Tyson kaya agad shang pumunta sa table namin at tumabi sakin dahil ayun nalang ang bakanteng upuan.
"ang bagal nyo. Ilibre nyo kami ah" saad ni mark saka tinawag ang isang crew na malapit samin at omorder ng katulad ng inorder nila habang hinihintay kami
YOU ARE READING
I found love in RPW
Fanfictionmarami sa atin ay gustong tumakas sa reality kaya naisipan nating gumawa ng paraan para matakasan Ito. Iba iba tayo ng way sa pag takas ng reality, yung iba nagbabasa ng libro at sumusulat ng kwento pero ako ang ginawa kong paraan para matakasan a...