Chapter 7

19 2 0
                                    

I can see anger on dad's face and I'am so nervous right now. I don't know where do I start in explaining everything. Pagdating kasi sa ganyan ay napa strikto ng parents ko. At ang isa pang problema ay hindi nila alam na may isa pa 'kong account na ginagamit

Bwiset na kyle naman kasi yan ang bilis makapaga sumbong napaka chismoso ng siraulong yun. Patay sakin sa monday yun

"uhm Mom, Dad they're my new friends" kabadong sagot at hindi sinasalubong ang mga tingin nila

"saan mo nakilala?" tanong ni dad sa parehong tono ng pagtatanong nya kanina

"Dad" ayun lang ang naisagot ko dahil alam kong kakagalitan ako pag nag kataong malaman nilang nakilala ko lang ang mga bago kong kaibigan sa internet

"saan mo sila nakilala?!" pag-uulit ni dad sa tanong nya

"please sabihin mo na anak" mahinahong utos ni mommy

"they're my internet friends po" kabado pading sagot ko

Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Dad at mukhang pinipigilan nya ang lubusang magalit. Lumapit naman sa kanya si mom para haplusin ang kanyang balikat

Maya maya pa ay tumingin sakin si Dad

"so sa internet mo lang nakilala ang mga kaibigang sinasabi mo?" tanong ni Dad "yung mga bago mong kaibigan na kasakasama mo ilang bwan na at di ka manlang nagsabi samin ng mommy mo Aly"

galit talagang sabi nya at pinapakalma naman sha ni Mom.

"seriously Aly nag tiwala ka agad sa mga taong nakilala mo lang sa internet?" tanong nya ulit

"Dad mababait naman po sila eh" pag tatanggol ko sa mga kaibigan ko

"isang bwan mo pa nga lang atang nakakasama feeling mo kilala mo na?! Sinasabi ko sayo Aly ah lumayo ka sa kanila" nabigla ako sa sinabing yun ni daddy at di na napigilan ang sariling lumuha

"bakit ko naman po gagawin yun Dad? Sinabi ko naman na pong mabait sila diba. Saka masaya silang kasama kaya kinaibigan ko sila"

"bakit nag hanap ka pa ng ibang kaibigan nandyan naman sila Kyle at Anitha. Nandyan si Anitha na simula bata kaibigan mo na at nasisiguro kong tunay shang kaibigan"

Mapakla akong natawa sa sinabing yun ni Daddy "Kung alam mo lang Dad!" ayun nanaman ang mga luha kong sunod sunod sa pag patak "Kung alam nyo lang ni mommy ang mga pinag dadaanan ko sa araw araw. Kung alam nyo lang kung gano ka plastik na kaibigan nyang Anitha na yan na pilit nyong pinagmamalaki sakin!" galit na sabi ko sa kanila

"sabagay pano nyo nga naman kasing malalaman eh busy kayo sa trabaho diba. Siguro nga nakalimutan nyo nang may anak pa kayo eh" saka ako mapaklang tumawa at tumitig sa kanila "tapos sasabihin nyo pa Dad na bakit di ko sinabi sa inyo na may bago akong mga kaibigan bakit may oras ba kayo sakin? Nagka oras ba kayo sakin?" galit na sabi ko

"nung may family day kami sabi nyo ay pupunta kayo pero nag hintay ako sa wala. Lahat ng events sa school wala kayo kaya wag nyo kong sisihin kung bakit nag hanap ako ng bagong kaibigan at kasama!" humihikbing sabi ko "wag nyo ding sabihin sakin na hindi ko kailangan ng bagong kaibigan dahil nandyan si Anitha dahil hindi nyo alam kung pano ako pag usapan ng barkada nya pag nakatalikod ako. Wala kayong alam Dad! Wala kang alam!" sigaw ko dahilan upang sampalin nya ko

Napasigaw si Mom at pilit pinipigilan si Dad. Great ako pa ang mali. Nahawakan ko nalang ang pisnge ko na nasampal nya at saka binigyan sha ng di makapaniwalang tingin at nag simula nanamang tumulo ang mga luha ko.

Tumakbo ako papunta sa kwarto ko. Narinig ko pang tinawag ako ni mommy pero di ko na sha nilingon pa. nilock ko ang pinto niyon at umupo ako sa hamba ng pintuan at doon patuloy na umiyak.

I found love in RPWWhere stories live. Discover now