CHAPTER 6

115 31 1
                                    

"DALHIN niyo na! Lintek tinamaan pa nga!" utos ni Aries at binuhat ni Pisces si Bullet saka siya inalalayan ng kanyang mga kasamahan.

"Boss paano yung mga kasamahan nating may tama?" tanong ng isa sa umaalalay kay Aries.

"Patay na sila. At ang mga patay hindi na dapat binibigyan ng importansya," saad niya at sumakay sila sa van. "Pisces imaneho mo yung sasakyan ng babaeng ito," dagdag na utos niya kaya binuksan ni Pisces ang sasakyan ni Bullet at sumunod sa sasakyan nila Aries.

Maya maya lang habang nagmamaneho siya ay napansin niya ang bag na nasa likuran. Sandali siyang tumigil at inabot ang bag pero mabigat ito kaya binuksan niya nalang ang bag at bumungad sa kanya ang napakaraming baril.

"Kakaiba talaga ang babaeng 'yon," nakangiting usal ni Pisces at muling nagmaneho. Dumeretso muna sila sa hospital upang magamot ang mga may tama.

"Ano kaya mo pa?" nanunudyong tanong ni Pisces kay Aries habang nakasakay si Aries sa wheelchair dahil hindi ito makalakad.

"Huwag mo nga akong asarin. Nakikita mo naman na hindi ako makalakad," nakasimangot na saad ni Aries habang papalabas na sila ng hospital.

"Nalaman ko nga pala na isang doktora si Bullet," usal ni Pisces at napatingin sa kanya si Aries.

"Ganoon ka ba ka-interesado sa babaeng 'yon at maging ang trabaho niya ay inaalam mo?" nanunudyong tanong ni Aries at napailing nalang si Pisces. "Ito ang tatandaan mo. Huwag kang mahuhulog sa mapanlinlang niyang 'itsura dahil hindi natin alam ay may kamandag ang isang 'yan," seryosong dagdag ni Aries at muli silang sumakay sa kanilang sasakyan.

Dumeretso sila kung saan naroon sila Virgo. "Hindi ba ang sabi ko ay ulo lang niya ang kailangan ko? Pero okay na rin at nakita ko siyang buhay para ako na mismo ang pupugot sa kanyang ulo," nakangising saad ni Virgo. "Sige ikulong na 'yan at itali ang mga kamay," dagdag na utos ni Virgo kaya dinala nila si Bullet sa isang malaking silid kung saan upuan lamang ang naroon. Itinali nila ang mga kamay niya gaya ng inutos ni Virgo sa kanila.

"Okay na 'yan. Siguradong hindi na 'yan makakatakas," saad  ni Pisces at lumabas na sila ng silid. Hindi pa rin gising si Bullet nang umalis sila.

"Sana tayo ngayon?" tanong ni isa sa kasamahan nila.

"Sa pahingahan. Kayo na muna ang trumabaho kay Atty. Lazaro," utos ni Aries kaya naman sumang-ayon ang lahat.

"Medyo matagal pa bago ka makarecover," saad ni Pisces at pumasok sila sa pahingahan. Malaki ang silid na iyon.

"Sayang. Maganda pa naman," wala sa sariling usal ni Aries kaya napatingin sa kanya si Pisces. Mayroong cctv monitor sa kanilang silid kaya naman nakikita nila si Bullet.

"Type ko pa man din," pabulong na usal ni Pisces.

"Anong sabi mo?" tanong ni Aries.

"Wala. Sabi ko magpahinga ka lalabas na muna kami," saad ni Pisces at lumabas kasama ang iba saka nila iniwang mag-isa si Aries sa loob ng kwarto na 'yon.

🔪🔪🔪

NAGISING ako sa isang malaking silid. Halos masilaw ako dahil sobrang liwanag sa lugar na ito. Purong puti ang kulay ng silid na ito. Wala rin laman ang lugar na ito, tanging ako at ang silyang inuupuan ko lang ang narito. Nakatali ang mga kamay ko sa aking likuran. Maya maya lang ay may pumasok na hindi ko kilalang tao.

"Gising ka na pala," usal niya. Isa siyang matangkad na lalaki. Malaki ang pangangatawan, maayos ang gupit ng kanyang buhok at malalim ang boses.

"Ano ba sa tingin mo?" sarkastikong saad ko at napailing nalang siya. Ramdam ko pa rin ang kirot sa aking mukha dahil sa baril na inihampas sa akin ni Eric. Nag-sorry pa siya bago niya ako hampasin.

BULLET  (CHAPTER ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon