2 YEARS AGO
"Kamusta na aking Doktora?" Nakangiting tanong ni Aries habang may dala dala pang bulaklak para sa akin. Halos dalawang taon na ang nakalilipas matapos ng mga nangyaring iyon. 2 years na rin kaming magkarelasyon ni Aries.
"Kamusta na rin aking Senior Inspector," nakangiting saad ko saka tinanggap ang isang bouquet of roses na galing sa kanya. "Hindi na talaga naalis ang ka-sweet-an sa katawan mo ano? Araw araw ka nalang may dalang bulaklak," dagdag ko pa at bahagya naman siyang natawa.
"Are you free?" Tanong niya at tumingin naman ako sa relo ko saka tumango.
"Hindi naman puno ang schedule ko, bakit? Balak mo ba akong i-date?" Nakangiting tanong ko sa kanya saka naman siya dahan dahang tumango.
"Why not? I'll always wanted to spend my time and life with you," saad niya at napailing nalang ako.
"Cheesy. Tara na nga" saad ko, nauna na akong maglakad at sumunod naman siya. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse saka ako sumakay sa loob. Sumakay na rin siya saka minaneho ako ng kotse niya medyo malayo sa Salvatorre Hospital.
"It's been a long years since that tragedy happened," saad ko at hinawakan niya ang kamay ko.
"Wala na sila kaya naman wala ka nang dapat pang alalahanin," saad niya at napabuntong hininga na lamang ako. I missed my family. I miss mom and dad. "As long as I'm breathing, I will protect you at all cost. I'm willing to sacrifice myself just to keep you breathing," dagdag niya pa saka hinalikan ang kamay ko.
"Would you run away with me?" Tanong ko sa kanya.
"If running away means saving you, I will never get tired of running away with you," saad niya at tumigil na ang sinasakyan namin. "Always remember that I love you with all my life," dagdag niya pa saka bumaba. Pinagbuksan niya ako ng pinto saka ako bumaba.
Pumasok kami sa isang restaurant kung saan kami palaging pumupunta. Whenever I'm with him, I feel secured.
"What's on your mind?" Tanong niya at hindi ko ko napansin na nakatitig na pala siya sa akin.
"Thank you," saad ko.
"Thanks for what?" Tanong niya sa akin.
"Thank you for being always there for me," saad ko at muli niyang hinawakan ang kamay ko saka hinalikan.
"If always being there for you means loving you, I will stick with you. Forever," saad niya at napangiti naman ako. Maya maya lang ay dumating na ang order namin.
One slice of strawberry cake and coffee ang order ko same as him. "Kumain kana. I know you're hungry," saad niya at nagsimula na akong kumain.
Nakatitig lang siya sa akin habang kumakain ako. "What?" Tanong ko at maya maya lang ay may nanguya akong matigas na bagay. Iniluwa ko ang nakagat ko na 'yon at laking gulat ko nang makita ang isang diamond ring.
Napatingin ako kay Aries na ngayon ay ang lawak ng ngiti. "Dalawang taon na rin ang nakalipas simula noong nangyari ang mga trahedyang iyon. Bawat araw na lumilipas ay mas lalo akong nahuhulog sa iyo and I can't take this anymore. All I want is to spend the rest of my life with you. I love you Bluzia Lettin Salvatorre and I want to marry you," saad niya at hindi ko mapigilan ang maging emosyonal.
"Ano ka ba? Oo naman," saad ko at isinuot niya ang singsing sa aking daliri. "I'm getting married," dagdag ko pa at lumapit siya sa akin saka ako niyakap.
"I love you" bulong niya sa akin, tumingin ako sa kanya at bumulong, "I love you more."
Agad kong ibinalita kila Atty. Lazaro ang ginawang alok na kasal sa akin ni Aries. And they're all happy naman about sa magaganap na wedding namin ni Aries.
Matapos kong mawalan ng pamilya ay si Atty. Lazaro na ang tumayo bilang aking ama. I will never ever forget him. He treat me like his own daughter. And Valerian? Same as his father. He treat me like his own sister.
AFTER 2 MONTHS
Maganda ang pagkakaayos ng simbahan. Maraming bumalaklak ang nasa paligid. Sa dulo, sa may altar ay natanaw ko si Aries na nakangiti sa akin habang hinihintay akong makalapit sa kanya.
My father was not here so Atty. Lazaro walk with me down the aisle. "I owe you a lot Atty. Lazaro," saad ko .
"Sobrang saya ko dahil ngayon ay ikakasal kana at magkakaroon ng sarili mong pamilya. I know that your parents would be so happy if they are seeing you up there," dagdag niya pa at maya maya lang ay nakalapit na kami kay Aries.
"Take care of him young man," nakangiting saad ni Atty. Lazaro kay Aries.
"Makakaasa po kayo Mr. Lazaro," nakangiting saad ni Aries at hinawakan niya ang kamay ko. Sabay kaming humarap sa pari ng may ngiti sa aming mga labi.
Magsasalita na sana ang pari nang may bigla kaming narinig na malakas na pagsabog mula sa labas ng simbahan.
"What is that?" Dinig kong tanong ni Valerian. Maya maya lang ay pumasok ang mga lalaking nakausot ng tuxedo at lahat sila ay mga armado.
"What the hell?" Saad ni Aries at hinugot niya ang baril niya na nakasuksok sa kanyang bewang pero sa isang iglap lang ay may lalaking bumaril sa kanya kaya naman natamaan siya sa ulo.
Agad akong lumapit sa kanya saka sinalo ang kanyang ulo. "ARIES!" Sigaw ko at bigla kong naramdaman ang init ng bala na tumama sa aking dibdib. Tumingin ako sa lalaking bumaril sa akin pero malabo ang kanyang mukha. Tinutukan niya ako ng baril sa aking noo saka niya kinalabit ang gatilyo ng baril.
Napabalikwas ako sa aking hinihigaan dahil sa panaginip na iyon. Who are they? Tumayo ako para pumunta sa kusina at uminom ng tubig. Thanks God, it was only a dream.
"WHO IS SHE?"
"Who's that girl?" Tanong niyang muli sa kanyang mga tauhan.
"I know who is she," saad ng isa sa mga tauhan kaya napatingin sa kanya ang kanilang amo.
"Then give me her fucking name!" He cursed.
"Her name is Bullet."
END
BINABASA MO ANG
BULLET (CHAPTER ONE)
אקשןCompleted | ✔ She is Bullet, a woman who will shoot you once and leave you breathless 'till you die. Date Started : May 20, 2020 Date Finished : June 27, 2020