CHAPTER 7

125 31 1
                                    

NAGISING akong masakit ang katawan. Nang iminulat ko ang aking mga mata ay nakahiga ako sa isang kama at nasa loob ng isang kwarto. Nasaan ako? Maya maya lang ay nagbukas ang pinto at pumasok ang isang matandang babae na may dalang tray ng pagkain.

"Hija gising kana pala," saad niya at ipinatong ang tray sa side table ng kamang ito.

"Sino po kayo? Nasaan ako?" Sunod sunod kong tanong  sa kanya.

"Ako si Lourdes at ina ni Rico. Dinala ka ng aking anak dito no'ng nakita ka niyang duguan at sugatan," paliwanag niya at naupo siya sa kama katabi ko.

"Rico? Nasaan po siya?" Tanong ko upang personal akong makapagpasalamat sa kanya.

"Nasa trabaho siya hija. Baka gusto mo nang kumain?" Saad niya at tumango ako.

"Maari po ba akong makitawag?" Tanong ko at iniabot niya sa akin ang telepono. Lumabas na si Aling Lourdes at tinawagan ko ang numero ng telepono ni Atty.

"Hello?" Dinig kong boses mula sa kabilang linya.

"Atty. Lazaro ako 'to si Bullet."

"Oh hija? Nasaan ka na ba? Hindi ka pa bumabalik."

"Nakuha nila ako pero nakatakas ako mula sa kanila. Hawak nila si mommy at sinabi nilang sila mismo ang pumatay kay daddy."

"Ano?! Nasaan ka? Para masundo kita." saad ni Atty. at itinanong ko ay Aling Lourdes ang address nila. Sinabi ko kay Attorney kung nasaan ako.

"Aling Lourdes maraming salamat po lalong lalo na sa anak ninyo. Tatanawin ko itong utang na loob na sa inyo. Maya maya lang ay susunduin na ako ng abogado ko," pagpapasalamat ko at ngumiti siya.

"Wala 'yon hija," nakangiting tugon ni Aling Lourdes. Nakaupo ako ngayon sa kanilang sofa at hinihintay na makarating dito si Atty. "Sayang naman at hindi mo aabutan ang aking anak," saad niya habang nakaupo rin sa sofa at umiinom ng tsaa. "Nasabi ng aking anak na ikaw si Doktora na may-ari ng hospital na pinagtatrababuhan niya," dagdag niya pa.

"Po? Isa siyang nurse?" Tanong ko at tumango siya sa akin.

"Oo hija."

Maya maya lang ay may narinig kaming busina mula sa labas. Lumabas kami at nakita ko sa labas ang sasakyan ni Atty. "Narito na po si Atty." saad ko at tumango si Aling Lourdes. "Maraming salamat po ulit," dagdag ko pa.

"Sige na hija," saad niya at lumabas ako. Bumaba si Atty. sa kanyang sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto sa driver's seat.

"Look at you. Tsk tsk," dismayadong saad ni Atty. at umalis na kami sa bahay nila Aling Lourdes.

"Hindi ko naman din inaasahan na mahuhuli nila ako and thanks God nakatakas ako," saad ko.

"Sinabi mong nasa kanila ang mommy mo. Anong balak mo? Maari natin itong ireport sa mga pulis," suhestyon ni atty. pero umiling lang ako.

"Huwag na Atty. Lazaro, sasabihin nanaman ni General na wala nanaman silang lead. Kaya kong trabahuhin ito," paliwanag ko at narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Babalik ako roon pero kapag bumalik ako ay handa na akong makipaglaban sa kanila. Hindi ko na sila tatakbuhan pang muli," dagdag ko pa.

"Makulit kang tunay. Hindi ka na nadala. Pero sige ipasasama ko sa iyo ang ilang mga private soldiers ng anak ko," panenermon ni Atty. sa akin. Para siyang si daddy. Tutol sa mga gusto kong gawin pero sa huli ay susuportahan nila ako. "Ano naman ang nakakatawa at nakangiti ka r'yan?" Tanong niay at napailing ako.

"Natutuwa lang ako kasi para kang si daddy," nakangiting saad ko at maya maya lang ay nakarating na kami sa hindi pamilyar na lugar. "Atty. nasaan tayo?" Tanong ko at hininto niya ang sasakyan.

BULLET  (CHAPTER ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon