CHAPTER 13

91 26 1
                                    

"YOU know what? You don't need to help that stupid girl," saad ni Aries habang naglalakad kami pabalik sa beach. Tumigil ako at tingnan siya.

"Paano kung kapatid mong babae ang naroon? Paano kung nanay mo 'yon? Masisikmura mo bang hindi sila tulungan? Think before you judge, you stupid son of a bitch!" Inis kong singhal at hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko.

"What did you say?" Inis niyang tanong sa akin.

"Oh bakit? Nainsulto ka sa mga sinabi ko? Huwag kang mainsulto dahil tanga ka talaga! Ang tanga tanga mo! Hindi ka nag-iisip!" Sigaw ko at tinulak ko siya kaya napabitaw siya sa pagkakahawak sa akin. "Pumapatay ako ng mga taong kriminal. Pero ililigtas ko ang isang tao kung inosente siya," dagdag ko saka siya inirapan at naglakad na muli. Nauna na akong maglakad dahil naiinis ako sa kanya.

"Bawiin mo yung sinabi mo!" Sigaw niya at hinila ako sa braso palapit sa kanya. Napahawak ako sa kanyang dibdib at tumingala sa kanya. Masyadong malapit ang mukha niya sa akin kaya tinulak ko siya palayo pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. "Bitawan mo ako," inis kong sabi.

"Bawiin mo ang mga sinabi mo," saad niya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin naman buong pwersa ko siyang tinulak.

"Ano bang problema mo?! Kung galit ka sa akin dahil binusted kita, pwede ba? Kalimutan mo na 'yon?" Inis kong sigaw sa kanya.

"Hindi kita niligawan! Ikaw ang nanligaw sa akin!" Sigaw niya. Ang kapal naman ng mukha ng lalaking ito.

"Hoy mister antipatiko! Ang kapal naman ng mukha mo! Ako? Seriously, ako? Manliligaw sa isang katulad mo? Ha! Manigas ka muna!" Sigaw ko at inis akong tumakbo palayo sa kanya.

Nang makarating kami sa beach ay nakita ko sa hindi kalayuan sila Leo na nagsasayaw sa may bonfire. Tsk! Mga isip bata talaga. Nang makita nila ako ay kinawayan nila ako at lumapit sa akin.

"Kamusta naman ang bar?" Tanong ni Khalil sa akin nang makalapit ako.

"Okay naman," simpleng sagot ko at dere-deretsong naglakad si Aries paupo sa makapal na kahoy na nakahiga.

"Anong problema no'n?" Tanong ni Shon at tinuro pa si Aries.

"Nakabusangot ang mukha hahaha," nang-aasar na saad ni Leo saka tumawa ng malakas.

"Mukhang seryoso si gago. Huwag niyo nang asarin," saad ni Eric at naupo ako sa tabi ni Rhyco. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa naging sagutan namin ni Aries. Paano ba naman ang yabang yabang at ang kapal kapal pa ng mukha.

"Mukhang malalim ang iyong iniisip?" biglang saad ni Rhyco kaya napatingin ako sa kanya. Kanina pa pala ako nakatulala sa apoy.

"Ha? Hindi ah," saad ko at napangiti siya.

"Ano ba ang inisiip mo?" Tanong niya at napabuntong hinga ako bago sumagot.

"How some people could be so cruel to those innocents?" Tanong ko at naalala ko nanaman ang dalagita na muntik nang magahasa kanina lang. Kung hindi ko siya tinulungan ay baka natuloy na ang binabalak ng mga hayop na 'yon.

"To teach them how to fight and how to stand up when other people pulling them down. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mong maging mahina at hayaang tapak-tapakan ka lang ng mga nasa itaas," paliwanag niya at nakuha ko naman ang point niya.

"Lumalalim na ang gabi mga brad. May bukas pa naman. So...it's time to go home!" Saad ni Khalil kaya napatingin sa kanya ang lahat.

"Yeah. Gutom na rin ako," saad ni Leo at sumakay sa kabayo niya.

"Magpapaiwan na muna ako. Susunod nalang ako. Maglalakad nalang ako," untag ko at napatingin silang lahat sa akin maliban kay Aries. Whatever.

"Sasamahan nalang kita," untag ni Eric at umiling ako.

BULLET  (CHAPTER ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon