CHAPTER 10

112 28 1
                                    

[ Plan ]

Ilang araw makalipas ang pagkakapatay kay Don Custodio ay narito kami sa sala at nanonood ng balita. Arestado ang isang lalaking may malagong balbas at bigote. Matangkad ang isang ito at medyo mataba. Inaresto siya dahil kasapi raw ng isang terrorist group.

"Siya ang next target, Lucy." Biglang saad ni daddy kaya napatingin ako sa kanya.

"Siya? Paano?" Tanong ko sa kanya.

"Ipapasok siya sa Prison Island na matatagpuan sa kalagitnaan ng karagatan. Walang sino man ang maaaring makatakas doon dahil tubig ang babagsakan mo," paliwanag ni Khalil.

"Pero huwag kang mag-aalala dahil nasubok ko na noon ang galing mo sa paglalangoy. Kayang kaya mong sisirin ang dagat na 'yon," saad ni Leo.

"Here's an Omega Seamaster Planet Ocean watch. This watch is a bomb. I-set mo lang ang oras at sasabog na ito," seryosong paliwanag naman ni Aries at ibinigay sa akin ang relo kaya kinuha ko 'yon at tiningnan. Napabuntong hininga na lamang ako dahil mukhang napaka-challenging ng mission na ito.

"Kaya mo ba ang ipagagawa ko sa iyo?" Tanong ni daddy sa akin at tumango naman ako.

"Wala akong hindi kayang gawin," saad ko at napangiti sila. "Just give me some time to prepare myself," dagdag ko pa.

"Sure. Bibigyan kita ng dalawang araw sa kulungan na 'yon dahil maghihintay sila Aries sa'yo sakay ng isang yate," paliwanag ni daddy at tumayo siya saka pumasok sa kanyang kwarto.

Maya maya lang ay muli siyang lumabas at mayroon siyang hawak na maliit na bagay. Para iyong babasagin na napakaliit.

"This is a tracking device. Gamitin mo ito, oras na makatakas ka ay madali kang mahahanap nila Aries kung nasaang parte ka ng karagatan," paliwanag niya at binigay sa akin ang maliit na bagay na 'yon.

"Let the show begins," nakangiting saad ni Khalil.

"Alam kong kayang kaya mo 'yan anak," nakangiting saad ni daddy at bahagya pang tinapik ang balikat ko.

"I know you. You doesn't know how to fail," saad naman ni Eric. Ewan ko lang. Mas malapit ang loob sa akin ni Eric kaysa kay Aries. Masungit kasi si Aries, samantalang si Eric naman ay jolly.

Humingi ako ng tatlong araw para mag-plano at maghanda sa mission kong ito. So I only have 5 days to finish this fucking mission.

UNANG plano ay kumuha ako ng mga litrato ng Prison Island. Napakalaki nito at walang sino man ang makakatakas. Makakatakas ka nga sa pagkakakulong, hindi naman sa kamatayan. Sinabi nga ni Leo, magaling ako maglangoy kaya kayang kaya ko ito.

PANGALAWANG plano ay sinuri ko ang taong makakalaban ko. His name is Rojelio Magallanes, the terrorist group leader. They killed people brutally and isa pa sa napansin ko ay kahit na nasa kulungan na siya ay marami pa rin ang nagbabantay sa kanya. Hindi lang 'yon, maging ang mga pulis na nagbabantay ay walang palag sa kanya. I need to gain his trust to kill him easily.

PANGATLONG plano ay inisip ko kung saan ako maghahanap ng butas para makalabas ng kulungan. Tiningnan ko ang relo na ibinigay sa akin ni Aries. This is a limited edition at masasabi kong sobrang mahal ng relo na ito. Hindi pa umaandar ang kamay nito. Sinabi niyang oras na I-set ko ito ay sasabog na rin agad.

Matapos kong magplano ay nag-research ako ng mga most wanted people para makapasok ako sa kulungan na 'yon. Nakakita ako ng isang babaeng hindi malalayo sa aking 'itsura. Mahaba na kulay puti ang kanyang buhok. Mayroon din siyang tattoo na maliit na buttetfly sa kanyang leeg. Bakit siya wanted? Ang kaso niya ay Human trafficking, Illegal gambling at higit sa lahat, murder. Marami na siyang taong pinatay.

BULLET  (CHAPTER ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon