EVERYONE of us has the right to express ourselves in any form of arts. The art of fashion, paintings, speech, songs, and so many more. There's one form of art that was popular even before the time José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, or much known simply as Jose Rizal. Two of his novels, Noli Me Tangere and El Filibusterismo, ignited the consciousness of the Filipinos. These books became the start of the changes for Philippines.
There are many Filipino writers that became known worldwide. These Filipinos were an inspiration for amateurs in this kind of art.
The art of writing.
But why do we write? To whom? For what? How can we convey those thoughts that we can never say out loud?
The answer depends on us. On you.
~O~O~O~
SA PANAHON ngayon ay laganap na ang pagiging manunulat. Kahit sino ay p'wedeng makapag-self publish. Kahit sino ay p'wedeng gumawa ng sariling libro online.
Isa si Inigo Arellano sa mga gustong maging tanyag na manunulat katulad nina Jose Rizal at iba pang lokal na manunulat na sumikat at hinahangaan ng mga kabataang mambabasa.
Hangad niyang makapag-publish ng libro, tangkilikin ng masa ang kaniyang obra, at magkaroon ng maraming tagahanga. Ngunit sa tuwing siya ay magpapasa ng kaniyang mga nobela sa mga kilalang publishing companies ay lagi itong nare-reject.
"Bakit ba hindi tinatanggap ng mga publishing companies ang mga gawa ko?" pagsusumamo ni Inigo sa kaibigang si Raven.
"Bakit ka nga ba nagsusulat?" balik-tanong nito sa kaniya. Busy ito sa pag-aayos ng mga gamit sa loob ng kuwarto nito habang si Inigo nama'y nakaupo lamang kama ng kaibigan at kumakain ng chichirya.
Umismid si Inigo at tinignan ng masama si Raven. Iyon ang parati nitong tinatanong sa kaniya. Bakit ka ba nagsusulat ng mga prose at tula? Bakit mo iyon gustong mai-publish? Bakit gusto mong sumikat?
At katulad ng mga nakaraan nitong mga tanong ay hindi niya alam kung anong isasagot. Dahil hindi rin naman niya alam kung bakit.
"Kailan pa naging sagot sa tanong ang isa pang tanong?" counter niya rito.
Napailing na lamang si Rayven. "Ewan ko ba sa'yo, bro. Para kang girlfriend ko na hindi ko rin maintindihan." Binuhat nito ang isang karton at inilipat sa kabilang corner. "Subukan mo kasing magbasa ng gawa ng iba. Palibhasa kasi mga gawa mo lang ang binabasa mo kaya hindi ka nagi-improve. Ang dali mo pang ma-insecure."Nakasimangot na tinitigan ni Inigo si Raven. "Ano naman ang babasahin ko? Puro sila sikat at magagaling na. Kung hindi pa published author, eh, sobrang dami nang fans. Sino'ng hindi mai-insecure do'n?"
"Iyong mga hindi pa sikat pero magaganda pa rin ang gawa," sagot nito sa kaniya. "Marami sila kung gusto mo talagang mawala iyang insecurity mo sa mga sikat."
BINABASA MO ANG
A Story of Unyielding Strength (One Shots)
General Fiction(Collection of One-Shot Stories) || Each life has its own story to tell.