Page Two: A Sacrifice No One Understands

113 24 19
                                    

January 11, 2020Lemery, Batangas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

January 11, 2020
Lemery, Batangas

"MGA anak! Magsi-gising na kayo. Tanghali na," malakas ang boses na tawag ng isang ina na umalingawngaw sa buong bahay na gawa sa kahoy. Busy ito sa paghahanda ng kanilang almusal. "Nahugasan ko na ang mga plato, nalinis na rin ang kusina. Nakapagluto na ako. Gising na kayo riyan!" dugtong nito.

Nang walang sumasagot ay malakas na hinampas niya ang gawa sa plywood na pintuan, dahilan para bumukas ito at muntik nang matamaan ang ulo ng nakahiga.

Ang kanilang bahay maliban sa kusina at banyo na huli na nilang pinagawa ay hinati sa dalawa. Ang unang kalahati ay naging sala at higaan ng panganay, bunso, at ina samantalang ang ikalawang kalahati ay hinati pa sa dalawa para gawing kwarto. Sa dalawang kwartong iyon ay pinagkakasyahan ng dalawa pang magkakapatid. Ang kurtinang naghahati sa dalawa ay puno ng butas.

Pumasok ang ina at muntik nang maapakan ang nakahigang panganay na malapit sa pintuan. "Gumising ka na Jade. Pinapahintay niyo ang grasya," aniya bago muling lumabas.

Umungol ang panganay at tumagilid, yakap-yakap ang isang bilog at lumang Hello Kitty na unan. "Sandali lang, Ma," paos ang tinig na sagot niya sa ina.

"Aba, huwag mong paghintayin ang pagkain, Jade. Bumangon ka na riyan at gisingin mo na rin ang mga kapatid mo."

Kasabay ng isang malalim na hiningang binitawan ng 19 anyos na si Jade ang kaniyang unan at malakas na hinawi ang lumang kumot. Umupo ang dalaga at napangiwi nang lumagutok ang kaniyang likod at balikat nang dahil sa kawalan ng support sa likod kapag siya'y matutulog.

Masasabi niya talagang mas gugustuhin niya pang matulog sa flat na sahig kesa sa buhol-buhol at manipis na lumang mattress.

Pinaraanan ni Jade ng kanyang mga daliri ang maikling buhok at tumayo, yumuko para pulutin ang unan, mattress at kumot at tupiin ang mga ito. Pagkatapos ay binitbit niya ang mga ito sa maliit na kwarto na mas nagmukha pang storage room kesa sa kuwarto.

"Oi, gising na kayo," sabi niya bago sinilip sa gitna ng divider ang isa pang kapatid.

Nakita niya ang kanilang bunsong babae, nakahiga sa mattress at nagtitipa sa kaniyang cellphone. "Hoy, Lyra. Ang aga mo pang nakaharap diyan sa CP mo, hoy."

Sinimangutan lang siya nito pero hindi sumagot. Hindi naman 'yan sumasagot kung hindi niya feel sumagot, eh.

Hindi na siya pinansin ni Jade at tinignan ang isa pang kapatid na babae na may suot na eye cover. May suot din itong earphones. Bumuntong-hininga ang panganay at yumuko kasama ang pagkiliti niya sa tenga nito gamit ang sarili nitong buhok.

"Tsk, ATE!!!" matigas ang boses na saway nito sa kaniya, hinampas nito ang kaniyang kamay at tumalikod sa kaniya. Kumibit-balikat lamang si Jade at saka lumabas sa kusina. Naroon na ang kaniyang kapatid na lalaki at bunso sa apat na magkakapatid.

"Alam mo, ang takaw-takaw mo pero kawayan ka pa rin naman," panunuya niya rito habang kumakain ng tinapay.

Kumibit-balikat lamang ang binata at nagpatuloy lamang sa pag-ubos ng kaniyang pagkain. Isang kombinasyon ng tinapay na tig-limampiso at tubig.

A Story of Unyielding Strength (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon