Page Four: A Good Samaritan in White Uniform

37 15 15
                                    

"HELLO, Ma

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"HELLO, Ma. Kumusta po kayo riyan?" Dali-dali niyang ipinasok ang kaniyang mga gamit pang-ospital sa loob ng kaniyang sasakyan.

"Okay naman kami rito, 'nak. Medyo magulo lang kasi nagpa-panic buying na ang mga tao pagkatapos ibalita na may Pinoy na nag-positive dito sa Manila. Ikaw riyan?"

Isinara niya ang pinto at inilibot ang paningin sa paligid ng tinitirhan niyang apartment sa Cebu City. Maraming mga taong naglalakad, nagjo-jogging at may mga tumatambay pa nga sa labas ng mga kabahayan.

"Okay pa naman po rito, Ma." Umikot siya ng sasakyan at binuksan ang pinto ng driver's seat. "Magpapadala po ako riyan para ibili ninyo ng mga kakailanganin ninyo."

"Huwag na, anak. Kakailanganin mo iyan diyan," sagot ng kaniyang ina sa kabilang linya.

"Ma," aniya sa mahinang boses. "Hindi lang po ito pang-ilang araw ang virus, Ma. First wave pa lang po ito."

"Naku ikaw, Gabriela, ha," bulalas ng kaniyang ina. "Huwag ka sanang magdilang-anghel, anak. Nabalitaan mo ba ang nangyayari ngayon sa China? Naku, huwag naman dito."

Napangiti siya't pinaandar ang kotse. "Sige na po, Ma. Magpapadala pa rin ako riyan. Bumili po kayo ng mga makakain ninyo for one month... Sige, Ma. Bye... I love you rin po."

Ipinasok niya ang kaniyang cellphone sa loob ng bag na nasa kaniyang passenger seat at pinaandar ang kaniyang sasakyan. Maya-maya pa ay buma-biyahe na siya papuntang trabaho.

Siya nga pala si Gabrielle Elaine Galanza, isang nurse ng isa sa mga hospital dito sa siyudad ng Cebu.

Sa Cubao ang lugar ng kaniyang kapanganakan at nandoon ang kaniyang buong pamilya. Doon din siya lumaki at nakapagtapos ng pag-aaral. Dito lang siya sa Cebu nagtrabaho dahil gusto niya namang sa labas ng Maynila magtrabaho.

Swerte nama't may kakilala ang pamilya nilang nagta-trabaho rito sa Cebu at maraming koneksyon sa mga ospital kaya ni-recommend siya sa isa sa mga ospital dito.

Apat na taon nang nagtatrabaho si Gabrielle sa ospital dito sa siyudad ng Cebu. Maganda naman ang pasahod at hindi naman siya nahihirapan sa kaniyang trabaho kaya naman ay nagtagal siya ng ganito sa una niyang sabak bilang isang nurse.

"Nabalitaan mo na ba na may first case na sa Manila?" tanong niya sa kaibigang si Marie habang naghahanap sila ng mauupuan sa canteen ng kanilang ospital na pinagtatrabahuan. Oras ng kanilang break sa trabaho. Maikli lamang iyon kaya naman ay nagmamadali rin sila.

Laki sa hirap ang pamilya ni Marie at ngayon lang nakakaahon dahil sa kaniyang trabaho bilang isang perioperative nurse. Ito ang mga nurses na nasa operating rooms at naga-assist ng mga doktor sa tuwing may surgery o 'di kaya ay pagpapaanak.

A Story of Unyielding Strength (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon