ANG sabi ng mga matatanda, gamot daw ang unang ulan ng buwan ng Mayo. Hindi ko alam kung bakit. Pero sa tuwing sasapit ang mga unang araw ng Mayo, uulan at uulan siya kahit gaano man kainit ang panahon.
Many people in my province call it the Summer Rain.Kagaya ngayon. Ikalawang araw ng Mayo. Nagising akong maginaw ang noo'y mainit na kuwarto. Naaamoy ko ang dagat sa hangin. Nariririnig ko ang tila tumatakbong mga paa papunta sa kinaroroonan ko bago ang pagbagsak ng malakas na ulan sa bubong ng aking tinutuluyan. Bumangon ako't agad na binuksan ang bintana ng kuwarto ko.
Nakatira ako sa isang boarding house dito sa siyudad na malapit lamang sa paaralang pinapasukan ko. Dahil nasa 2nd floor ang kuwarto ko'y nakikita ko ang mga batang naglalaro sa ilalim ng ulan samantalang ang iba nama'y naghahanap ng masisilungan.
Malaki ang espasyo ng frame ng bintana sa boarding house na ito. Kaya itong maupuan ng isang tao nang hindi nahuhulog. Kaya naman ay umakyat ako't umupo. Ang isang paa ko ay niyayakap ko sa aking dibdib habang ang isa nama'y naka-stretch sa kabilang frame ng bintana.
Pinapanood ko ang pagpatak ng mga ulan na nasa gilid ng bubong namin habang nag-aabang kung ilang segundo ito papatak sa lupa.
I counted 1... 2... 3 -- "BOOM!"
"ANAK NG BOOM!!" sigaw ko at muntik nang mahulog ng bintana. May dalawang pares ng braso ang humawak sa beywang ko para iligtas ako sa pagkahulog. That was two-storey high, Heaven's name!
Narinig ko ang isang boses na humahalakhak sa tabi ko. Ang nagmamay-ari ng mga brasong nakapulupot sa aking beywang para pigilan akong mahulog.
Sa pagkairita at adrenaline rush na rin siguro ay hinarap ko siya't pinagsasapak. Really hard.
"Ouch, Olivia!"
"Ouch your face! Muntik na akong mahulog sa ginawa mo!" Walang humpay na sinapak ko ang kaniyang mga braso, at balikat. Bumaba pa ako ng bintana para maabot ko siya dahil lumalayo siya sa mga hampas ko.
Patuloy lamang siya sa pagtawa habang tinatakpan ng kaniyang mga braso ang kaniyang ulo. "Oi, oi! Napigilan ko ang paghulog mo. Hindi kita hahayaang mahulog, promise!"
Napahinto ako sa aking mga paghampas at pinanliitan siya ng mga mata. Halos pumikit na nga ang mga intsik kong mga mata dahil sa ginawa ko. Seryoso? "Kung mahuhulog man ako sana 'di dahil sa'yo."
Huminto siya sa kaniyang pagtawa at nakatingin na ngayon sa akin nang may ngiti. Ayan na naman ang boyish smile niya. "'Di ko hahayaang mahulog ka kaninuman."
Napabuntong-hininga na lamang ako at lumingon sa ibang direksyon maliban sa lalaki. "Whatever."
Nagsimula akong maglakad papunta sa pintuan ng aking kuwarto bago ako huminto at dahan-dahan siyang nilingon. "Bakit ka nga ba nasa loob ng kwarto ko, Leon?"
BINABASA MO ANG
A Story of Unyielding Strength (One Shots)
Ficción General(Collection of One-Shot Stories) || Each life has its own story to tell.