"Jasmine!"
Pikit mata akong napabangon sa higaan ko. Totoo ba yun? narinig ko boses ni Mama? eh alam ko nasa probinsya si mama.
Kinusot-kusot ko ang Mata ko at dahan-dahan yung minulat at hindi ako makapaniwala ng malamang at makita na wala ako sa kwarto ko...What I mean nasa kwarto ako ngayon pero ito yung dating kwarto ko sa probinsya?!
What's happening?
"Nako ikaw talagang bata ka! mala-late kana sa boarding school mo."
Natulala na lang ako ng makita sa harapan ko ang mama ko.
Teka ano bang nangyayari? at anong school?!
"Ma, graduate na po ang anak niyo at ano pong pinagsasabi niyo na school. May trabaho na nga ako aray--"
Agad kong hinimas ang ulo ko, batukan ba naman ako.
"Nanaginip ka naman babae ka! gumising ka nga! second year college ka palang,"
"Ma naman..."
"Bumaba ka na sa baba,"
"Ma alangan naman bumaba ako sa taas." sarkastikong sabi ko at akmang babatukan ako nito pero binalot ko ang sarili ko sa kumot.
"Bumama kana, nakakahiya sa taxi na naghihintay sayo."
"Taxi?!"
"Oo, aber nagarkila na nga ako ng sasakayan mo kasi napakabagal mong kumilos."
Taxi? Sa probinsya? nagdra-drugs ba si Mama?
Umalis ito sa kwarto ko at naiwan ako sa kwarto ko.
Teka nga lang pagkakaalam ko natulog lang ako kagabi sa kwarto ko mismo sa kwarto ko sa maynila. How come na nagising ako at nandito na ako sa probinsya?!
Naibaba ko ang tingin ko sa Kama ko at hindi ako makapaniwala na buhay pa yung dati kong damit, Gulong-gulo man ang isip ko, ginawa ko ang utos ni Mama, nagasikaso ako ng sarili ko at nagbihis ng damit na nakalatag sa Kama ko.
Not bad, mukhang sumeksi ako ng kunti.
Bumaba ako sa hagdan at nakita si Mama at Papa sa baba. Syempre nagmano ako bilang tanda ng paggalang at pagmamahal ko sa magulang ko.
"Papa."
"Nako, yang anak mo talaga napakabagal kumilos panigurado puyat na naman yan kakawattpad!"
>_<
Mama naman.
"Ito na maleta mo, nanjan narin ang gamit mo."
"Maleta?! para saan naman po?"
"Sa boarding school mo sa BSU."
Boarding school? sa BSU? wala namang dorm don.
Tumpak nakahithit si Mama.
"Ma, sabi ng graduate na ako." maktol ko.
"Ikaw talaga kung ano-ano na sigurong pumasok sa isip mo kakawattpad! yan kaya ng labo yang Mata mo kakawattpad mo!"
>_<
Nilingon ko si Papa at halos magmakaawa ako gamit ng facial expression ko na kausapin si Mama.
"Sundin mo na lang ang Mama mo." imik nito sakin. Tsk. Takot lang kay Mama eh. Under na under.
Pero teka...Graduate naman talaga ako. Halos magitla ako sa pumasok sa isip ko.
YOU ARE READING
Si Author naging EXTRA?!
FantasíaMeet Jasmine Sevilla one of the famous author in Wattpad. Kilala siya bilang 'Rising Author' dahil kaya niyang makipagsabayan sa mga oldies author. Also she is known as 'Kj Author' dahil ang focus nito sa kaniyang novela ay tanging mga main characte...