"Jas? Tara na." yakad sakin ni Kristine. Papunta na kami sa English class namin. Nahuli ako ng gising kaya ngayon nagbibihis palang ako.
"Mauna na kayo. Ako na bahala dito." pagsasalita ko, nong una hindi sila pumayag pero sa huli iniwan din nila ako.
"Habol ka sa klase ha!" nagmamadali akong tumango sa kanila at ayon nga tuluyan na silang umalis. Pumunta ako sa tapat ng salamin at pinagmasdan ang repleksyon ko. Kinuha ko agad ang suklay at sinuklay ang magulo kong buhok, may nakita akong ribbon na ipit na palihim kong binili kahapon habang namamasyal kami ni Franz. Maingat ko yun na inipit sa buhok ko at syempre nag-ayos din naman ako ng kaunti.
Hindi ko din malaman bakit naco-concious ako sa sarili ko kaya ngayon gusto kong ayusan ang sarili ko. Napatingin ako sa orasan at nakikitang magta-time na kaya naman nagmamadali kong kinuha ang bag ko at lumabas na ng dorm. Habang naglalakad hindi ko maiwasan na hindi kabahan.
Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko ang ginawa ni Franz kagabi.
Hays ano bang gagawin ko kay Franz?! bakit niya ako kailangan pahirapan ng ganto.
Napahinto ako sa paglakad ng may humarang sa daan ko. Agad akong binalutan ng kaba lalo ng mamukhaan ko yung dalawang babae na nakaharang ngayon sakin.
0_0
Sila yung...Sila yung kasama ni Rica sa bakanteng gusali.. Napaatras ako ng akmang lalapit ito sakin.
Natatakot ako, may binabalak na naman ba silang masama sakin?
"N..Nandito lang kami para..para magsorry." imik nong matangkad and I'm sure si Merlyn yun, yung kapatid ni Hendrix. Napadako ang tingin ko sa kasama niya na gaya ko nakasalamin din.
"P..Pasenya na sa nagawa namin nong nakaraang araw. Hindi namin ginusto yun. Were so sorry." nakayukong pagsasalita nito.
S..Sino nga siya?
Hindi ko alam ang sasabihin ko, aminado ako na galit ako sa kanila pero alam ko din ginawa nila yun dahil yun ang utos ni Rica or worst si Hendrix. Biruin mo pati kapatid niya dinamay niya sa kagaguhan niya. Kapwa nakalaylay ang balikat ng dalawang babae na nasa harap ko ngayon senyales na malungkot sila dahil hindi ko tinanggap ang paghingi nila ng tawad. Nakakapagtaka lang bakit sila ang nanghihingi ng tawad ang may kasalanan naman nito yung Rica na yun at yung kambal ni Kristine.
Hinawakan ko sa tag-isang balikat si Merlyn at yung kasama niya.
"Patatawarin ko kayo pero wag niyo na sanang gagawin ang ganong bagay. Kailan man walang magandang maidudulot ang pangbu-bully, Gusto ko rin na matuto kayong pumili ng kakaibiganin niyo." pagsasalita ko at laking gulat ko ng yakapin nila akong dalawa ng mahigpit. Nakaramdam tuloy ako ng saya para sakin at sa kanila.
Sana talaga matuto na sila. Humiwalay sila sakin at nakita ko ang masaya nilang mukha.
"Promise namin hindi na kami sasama sa bully. Thank you so much. By the way I'm merlyn manalo." agad kong tinanggap ang kamay na nakalahad nito. "Siya naman si Princes Ann Matibag." pagpapakilala nito sa kasama niya. Nakangiting tinanguan ko ito.
"Sa totoo lang gusto ka naming maging kaibigan."
0_0
Ako? Bakit naman ako?
"Pero alam ko isa ka sa nabully ng kapatid ko kaya alam ko at tanggap ko na ayaw mo sakin at-"
"Sino naman may sabi? iba ang issue ko sa kapatid mo at sa iyo."
"Talaga? so pwede tayong maging mag-kaibigan?"
"Oo naman." ngiting-ngiti na sabi ko dito.
YOU ARE READING
Si Author naging EXTRA?!
FantasyMeet Jasmine Sevilla one of the famous author in Wattpad. Kilala siya bilang 'Rising Author' dahil kaya niyang makipagsabayan sa mga oldies author. Also she is known as 'Kj Author' dahil ang focus nito sa kaniyang novela ay tanging mga main characte...
