"Kitakits na lang mamaya!"
Hindi na tugma ang schedule namin, ako mamaya pa class ko ng hapon, sila apat may klase ngayon. Napagisip-isip ko tuloy na maglakad-lakad na lang. Dinala ako ng mga paa ko papuntang sa court.
Sakto naman nakita ko si Luigi na mag-isa nagpra-practice at namukhaan ko kaagad sa dikalayuan ang babaeng tumitingin sa kaniya at pinapanood ito maglaro.
Walang iba kundi si Kristine. Hindi na daw gusto pero may pagstalk.
Iba din.
Pero tingin ko dapat may gawin ako, sakto nandito si Luigi at Kristine. Kailangan ko lang pagselosin si kristine and I'm sure matataranta yun at aamin na agad kay Luigi.
Huminga muna ako ng malalim bago naglakad papalapit kay Luigi, Napatigil ito sa pag-shoot ng bola at tinignan ako.
"Hi!" bati ko dito at bakas sa itsura nito ang pagka-ilang sakin.
"H..Hello." nahihiyang sabi nito. Pasimple akong tumingin sa pwesto ni Kristine at kita ko na pinapanood niya kami ngayon.
"Kilala mo si kristine?" mahinang pagtatanong ko.
"Ahm sinong Kristine? Yung volleyball player?"
"Oo, ako kilala mo?" muling pagtatanong ko at dahan-dahan itong napailing.
Shit kapal ng mukha ko!
"Hindi eh, sorry may k..kailangan pa pala akong gawin-"
Hindi na nito natuloy ang sasabihin niya dahil...niyakap ko siya. Rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng puso nito.
"M..Miss,"
Woah! para sa story ko 'to! kaya ginagawa ko ito.
Niyakap ko siya ng mahigpit at kita ko sa mata ni Kristine ang pagseselos at nagwalk-out pa nga ito.
Yes! mission success!
Pero may part din sakin na naawa ako para kay Kristine. Simula pa nong una. Napakabait nito sakin, baka isipin niya pinaplastic ko lang siya. Wag naman sana.
Humiwalay ako kay Luigi. Bakas sa Mata nito ang gulat at bigla. Mukhang tamang-tama yung timing ko.
Ang galing ko talaga.
"Bye!" masayang pamamaalam ko dito nagmamadali akong tinalikuran siya at tumakbo papalayo sa kaniya.
Habang naglalakad hindi ko mapigilang hindi mapangiti, Yes! ang husay ko kanina pero sana naman gumana yun, kasi pagnagkataon na walang effect yun, wala na akong naisip na ideya na pwedeng gawin pa para lang manatili ang nararamdaman ni kristine para kay Luigi.
"Baboy!"
Naknang!
Agad kong nilingon ang tumawag sakin non, Edi sino pa ba? the one and only Hendrix Mendoza. Nakasandal ito ngayon sa pader habang ang dalawang kamay ay kapwa nakalagay sa bulsa.
Teka? nakita niya ba ako kanina? hindi pa ako masyadong nakakalayo sa court ngayon. Shit!
Aalis na lang sana ako pero muli akong tinawag nito.
"Baboy!"
"Ano bang problema mo?!" sigaw ko sa kaniya. Maka-baboy siya jan.
Arghh nakakainis. Panira ng araw eh. Parang kanina lang pinahiya niya ako sa canteen. Hindi ba siya natuwa don?
"Wala naman." ngising-ngisi na sabi nito.
Baliw talaga.
Naalala ko tuloy na kasama sa description ng character niya na may sakit talaga siya sa pag-iisip. He likes to bully at pahirapan ang mga taong nagpapahirap sa kaniya.
Tsk. Kung alam ko lang edi sana tumanggi na ako na magdala nong aquarium, edi sana tahimik lang ang buhay ko.
"Bakit ang saya mo ata?"
"Bakit bawal maging masaya?"
Pati ba naman pagiging masaya bawal sa kaniya. Hay nako. Kainaman na.
"May sinabi ba ako baboy?"
"May pangalan ako, tigil-tigilan mo nga ang pagtawag sakin ng baboy!"
"Bakit nasasaktan ka? sabagay truth hurts HAHAHA."
"Ikaw-" panduduro ko sa kaniya.
Nakakainis na talaga siya!
"Alam mo ba- ka rin,"
"Ha?" naguguluhang pagtatanong nito sakin.
"Ha- Hakdog!"
"Aba baboy hinahakdog mo lang ako..." tila ba hindi ito makapaniwala sa sinabi ko.
"Alam mo sa tanda ko na 'to, hindi na sakin e-epekto yang pagtawag mo sakin ng kung ano-ano, lumang style na yan eh!"
"Matanda ka na pala? so manang ka na. Manang hi."
>_<
Eh? Ang corny naman.
"Alam mo ba- ka rin, Ba as is Bano!" sigaw ko sa kaniya at kita ko na nainis ito.
Bleh! Bano!
"Dre bano ka pala eh! HAHAHA."
Nagulat ako ng sumulpot ang kaibigan nito.
"Shut the fuck up kembert!"
0_0
So kembert pala pangalan niya. Tama. Siya yung kaibigan ni Hendrix sa story ko.
Hindi ko na sila pinansin pa at nagmamadali na akong umalis sa harapan nila. Mahirap na baka mahawaan pa ako ng kaabnormalan nilang dalawa.
-----------------------------------------------------------
To be continue, Don't forget to vote! ❤
YOU ARE READING
Si Author naging EXTRA?!
FantasyMeet Jasmine Sevilla one of the famous author in Wattpad. Kilala siya bilang 'Rising Author' dahil kaya niyang makipagsabayan sa mga oldies author. Also she is known as 'Kj Author' dahil ang focus nito sa kaniyang novela ay tanging mga main characte...