Ilang putok ng baril ang naririnig ko sa labas ganun rin ang mga kasa ng baril na hawak ng mga taong kasama ko rito sa sasakyan.Nagpapalitan sila ng mga bala at kung magpapatama ang kabila ay papasok muli ang mga ulo ng mga taong kasama ko.
Puro mga nakaitim at may mga takip ang mukha ang mga taong mahigpit na nakahawak sa aking braso.
Alam kong wala ng magagawa ang pag iyak at pagsigaw ko dahil wala ng boses ang mailalabas ko.
kahit anong pag galaw para mabitawan ako ng mga kamay ng mga taong ito ay hindi ko na ginawa dahil mas hahapdi lamang ang mga sugat sa parehas na braso.
Ang tanging nagagawa ko lamang ay ang takpan ang tenga ko dahil sa naririnig na palitan ng mga bala at ang marinig ang nasa labas na sirena ng kabilang sasakyan ang nagbibigay pag asa sakin na makawala rito.
Ilang sipa pa ang binigay ko sa katabing lalaki ngunit hindi nya naman iyon iniinda, Ni ilang pag sampal at suntok sa mga dibdib nila ay parang wala lang, hindi nila ako napagbuhatan ng kamay sa buong oras na magkasama kami rito sa itim na sasakyan.
Napayuko ang lahat nang isang mas malakas na tunog ang narinig namin. Hindi nag tagal ay gumewang na ang sinasakyan namin pababa.
Ramdam ko ang sariling nababangga kung saan saang sulok ng sasakyan dahil pagulong gulo na sa bangin ang sinasakyan namin wala akong nagawa kundi protektahan ang sarili sa kung ano man ang mangyayari dahil akala ko iyon na ang katapusan ng buhay ko.
Lumubog ako sa malamig na agos ng tubig. Hindi man marunong lumangoy ay tinulungan ko ang sarili na umangat para mauubusan na ng hangin.
Isang kamay ang pumulupot sakin, Nagpumiglas ako dahil ang akala ko ay hindi na ako makaka takas ngunit nag kamali ako.
Ang kamay na iyon ang sumagip sa buhay ko.
Nagpadala ako sa kamay nya hanggang sa maka angat ako sa tubig.
Unti unting nanlalabo ang paningin ko at nabalot na ito ng puro itim basta ang alam ko lang ay wala na ako sa tubig at ang nagpa gising lang sakin ang ingay ng mabilis na mga gulong ng higaan ko at mga sinag ng puting ilaw sa pasilyong pinag dalhan sakin.
Mas binuklat ko ang mga mata at nakitang nasa iba lugar nanaman ako, May parehong mga taong nasa gilid ko ngunit may mga takip ang muka at tinutulak sa kung saan ang hinihigaan ko.
Bumangon ako at pilit na nagpumiglas sa kanila ngunit wala akong naging laban sa karayom na pumasok sa aking ugat. Muli akong nanghina at binalot muli ng dilim ang buong paligid.
"Everyone, Meet my new born daughter! Ireese Sydens!"
"Happy 7th birthday My baby!"
"Mr. President meet my daughter Ireese Sydens."
"Reese your blood is violet! I find it cool!"
"Sorry Mr. Sydens but we can't handle and find a cure for this case"
"Mom, I t-think Im d-different"
"Baby its okay daddy's here, Please! Don't touch my princess! I'll give you all what you want just please! don't touch her!"
BINABASA MO ANG
Running From The Cure
FantasyIreese Sydens, A Girl who is different from everyone but because of her uniqueness she's able to help others. but the replacement is her freedom as a person. Kaya ba syang tulungan ng sariling nyang mahal sa buhay? O ang mga taong hindi nya inaasaha...