Gitna 1

2 1 0
                                    

Remember

Napunta sa akin ang mga mata ng abalang mga taong nakikipag kwentuhan sa hapag. Sa kabisera nun ay si Spylee na naunang tumayo at sinundan ng iba.

Matipid syang ngumiti na kelanman ay hindi ko susuklian!

"Oh she's already here, Maupo kana." Imbita nya sakin.

Tahimik akong naupo, Hindi ko na nagawang balikan ng tingin si Spylee nang mapansin ang isang lalakeng kasama nila.

We met again.

Nakayuko lamang sya at nasa mga kubyertos lang ang tingin hindi manlang ako tinapunan ng tingin.

Hindi nya ba ako naaalala?

Naputol lamang ang tingin ko sa lalaking iyon nang marinig ko ang isang tinig ng babae kaya doon napunta ang atensyon ko.

"Nice to see you again! Hindi ko lang alam kung natatandaan mo pa, I'm hadl--"

"It's was nice to see you again hadlee." Binalik ko sa kanya ang matamis nyang ngiti.

She looks fluttered nang malaman pa na naalala ko sya. Hindi ko rin nalimutan ang kaibigan nyang babae na si Elodie pati ang kasama din nilang lalake si kayden, na nag request noon ng wine para sa akin.

So magkakakilalala nga sila nila spylee kaya siguradong may alam sila tungkol sa nangyayare. Iyon ang naging dahilan kung bakit naging mabigat ang paghinga ko dahil siguro iyon sa nalaman.

Nagkakilala kami pero hindi maaalis sa isipan ko na kakilala sila ni Spylee at wala akong dapat hingian ng tulong at pagkatiwalaan kanino man.

Nagsimula kaming kumain, Normal lang ang mga galaw nila tila walang alam at parang walang tinatagong madilim na sekreto tungkol sakin.

Hindi ko alam kung bakit tila normal lang sila na parang hindi nababahala sa mga itinatago nila. Walang mga awa.

Hindi ko narin magawang suklian ang mga ngiti ni hadlee sakin at umiiwas na lang akong tingnan sya. Si elodie naman ay sadyang wala namang pakialam sa akin ganun rin naman ako sa kanya.

Tahimik lang ang hapag hanggang matapos ang dinner namin. Naguusap pa sila sa maliit na living room na hindi manlang napansin ang paglabas ko.

Sa madilim na pasilyo ay hindi ko na nagawang lingonin ang pintong pinanggalingan ko, Ang sakit tingnan ang mga taong walang mga konsensya na normal ang pag galaw kesa sakin.

"Ireese."

Hindi ko nagawang lumingon at huminto na lang. hindi parin nakakalabas sa madilim na pasilyo nang marinig ko ang pangalan ko.

"I'm glad to see that you're okay after the incident."

"Bakit?" Tanong ko.

Nilingon ko ang lalaking naka sandal sa pader tila anino sa dilim ng pasilyo.

"Bakit? Bakit ako pa?" Muli kong tanong sa kanya.

Hindi nya manlang ako matapunan ng tingin at nasa harapan lang ang mga mata nya at hindi masagot ang tanong ko.

"Bakit hindi mo na lang ako iniwan? Bakit hindi ka na lang tumakbo nun? Sana iniwan mo na lang ako dun! Sana nasabugan ako para sana wala na ako! Na dapat sana pinasalamatan na kita kung ganun, alam mo ang sitwasyon ng buhay ko! Wag kang umakto na walang alam dahil alam mo sa sarili mo na gugustuhin ko ngang mamatay na lang sa insidenteng yun kesa mabuhay ako na ganito!" Sunod sunod ang pagpatak ng luha ko nihindi ko mapunasan dahil ayokong tumigil isumbat sa kanya iyon lahat.

Hindi sya nagsalita ngunit tinitigan na lamang ako.

This Man! How could he be so calm!

"Bryson?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Running From The CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon