Napabangon ako ng biglang naalala ang lahat ng senaryong nangyare saking buhay simula pagka buhay kasama ang mga magulang ko."Mr.Spylee, she's already awake"
Pinilit kong mag mulat para lang makita kung sino ang nagsasalita, Napabaling ako sa lalaking naka personal protective equipment (PPE) ngunit mabilis rin syang lumabas sa pinto ng silid.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong kwarto. Kulay puti ang lahat simula sa sahig, ceiling at sa mga gamit pati rin ang suot kong hospital gown.
Sa aking braso naman ay puno ng kung anong mga naka tusok ang nakadikit galing sa naka sabit na intra venous bottle sa aking gilid.
Muling bumukas ang pinto at panibagong muka nanaman ang nakaharap ko.
Isang lalakeng naka lab suit ang nakatayo sa harapan at harap harapang tinanggal ang kanyang mask.
May katandaan narin siguro ay ka edad ng mga magulang ko. May bigote sya at may wrinkles na nakikita.
"How's your body? May nararamdaman ka pa ba?"
Kung magtanong sya ay parang wala silang ginawang masama sakin.
"Sino ka?" galit kong tanong dahil hanggang ngayon ay magulo ang isipan ko sa lahat ng nangyayare.
Kung panaginip man to ay sana'y magising na ako.
Hindi sya sumagot at basta na lang pumunta sa bintana ng silid na ito at saglit na sumilip sa puting kurtina.
Sinubukan kong umupo ngunit mabigat parin ang katawan ko, hinang hina.
"Ba't ako nandito?"
Hindi sya sumagot at binalingan lamang ako ng tingin.
Mga walang awa.
Pinilit kong tumayo ngunit nanlambot ang mga tuhod ko at natumba rin pero hindi yun naging dahilan para hindi ko maabot ko ang tela ng suot nya.
"G-gusto ko na hong bumalik, hinahanap na ho ako"
Naiiyak man sa kirot na dinulot ng mga karayom ay lumapit parin ako na kahit may parte saking alam na hindi ako pagbibigyan ay nagba baka sakali lang naman ako.
"Hindi kana makakauwi."
Inangat ko ang tingin sa kanya at ang katagang iyon ang nagpalakas sakin na tanggaling ang mga nakalagay na suwero ng hindi pinagiisipan.
"Ang sabi ko gusto ko na hong umuwi"
Pinipigilan ko na lamang ang sarili kong wag syang saktan pero hindi sya nagsalita at itinuro ang pinto na mabilis ko namang pinuntahan.
Hindi pa man ako masyadong nakalapit ay naramdaman ko agad ang kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.
"Aaah!!!"
"Wag mong pilitin ang hindi na mapipilit"
Iyon ang huling narinig ko bago dumilim ang lahat.
"Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko na ang prinsesa ng mga Sydens"
"Yeah. She's Irees, The Miracle daughter of the Rich old couple."
"Doctor Spylee, hindi kasama sa plano ang ideretso sa bangin ang sasakyan!"
"Hindi ko iyon plano, Si phil ang nakaisip at hindi manlang ako sinabihan kaya ayon ganito ang nangyare. Pati ako ay nagulat sa nangyare kaya hindi ko alam ang mukang ihaharap kay Inna, wala na tayong magagawa at nakuha narin naman ang bata"
"Eh Anong nangyare at wala paring malay to?"
"Pinagbigyan kong lumapit sa pinto ayan ang resulta"
BINABASA MO ANG
Running From The Cure
FantasyIreese Sydens, A Girl who is different from everyone but because of her uniqueness she's able to help others. but the replacement is her freedom as a person. Kaya ba syang tulungan ng sariling nyang mahal sa buhay? O ang mga taong hindi nya inaasaha...