Dinner
Its been months since that accident happen.
Nasa aking silid muli ako rito sa laboratory building, Nasa bintana at abalang tinitignan ang pagpatak ng ulan sa labas.
It's a windy and rainy day these past few weeks maybe because its june. Ilang araw ng bumibisita ang ulan at ngayon ay medyo makulimlim nanaman ang langit.
Naalala ko muli ang lahat ng pangyayare matapos ang aksidenteng Iyon.
Nagising ako kinabukasan noon nang nasa silid ako dito sa laboratory building. Akala ko ay panaginip iyon ngunit nang bumangon ako at nakita ang iilang mga sugat sa ilang parte ng katawan ay totoo nga ang mga pangyayare kagabi.
Pero hindi ko maalala kung paano ako nakabalik ulit dito, Dinala ba ako ng lalaking iyon rito O sinumbong sa mga naghahabol sakin?
Ngunis ang mas malaking katanungan sakin ay buhay pa ba ang lalaking kasama ko nung gabing iyon.
Sa lakas ng pagsabog ng buong gusali sa likod namin ay pati ang sinasandalan naming sasakyan ay sumabog rin.
Iyon ang pagkakaalala ko, Hindi nya ako inalisan at nanatili nya akong prinotektahan.
Hanggang doon lang ang naalala ko. Ni hindi ko naitanong ang pangalan nya.
Ang magagawa ko na lang siguro ay ibaon na lang ang trahedyang iyon sa limot.
May pumasok na bakulaw sa kwarto ko, Naglagay ng pagkain sa lamesa. Hindi ko sya nilingon hanggang sa lumabas sya ng kwarto ko.
Wala akong gana para kumain kahit na kakailanganin ko dahil mas manghihina ako pagkatapos ng examination mamaya.
Humiga ako sa kama at hinarap nanaman ang puting kisame hanggang kung ano ano na naman ang maisip at hihintaying tumulo ang luha. Iyon lagi ang nagiging routina ko araw-araw.
Sa huli ay wala akong ganang kumain, Simula ang nang manyari ang insidenteng iyon ay hindi na nagpakita si Spylee sakin, Hindi ko alam kung may pinagkakabalahan o talagang namatay na.
Pasado alas syete na ng gabi ng lumabas ako sa kwarto gaya ng normal na senaryo sa araw araw. Abala silang lahat mag test ng kung ano ano sa sarili nilang mga lab rooms.
Dito na ako namuhay na nakikita ang mga ginagawa nila, They are curious people who want to know everything and they really love science things, that's a fact.
Sa ilang taon ko dito ay hindi manlang nila sinasabi ang mga pangalan nila, kapag tinatanong ko ay umiiling lang.
I guess pinagbabawalan silang maging malapit sakin kaya I don't have a choice but to call them 'Bakulaw'
Nagpadulas ako sa handle ng escalator hanggang makababa sa ground floor. Nakakatamad na hintayin ang escalator.
Atsaka sanay naman na sila sakin rito sa mga kung anong pinanggagawa ko. Pero ayoko na lang balikan ang mga ala alang iyon.
Pumasok na ako sa examination room at nahiga na tila normal na lang na nangyayare ito dalawang beses sa isang linggo.
Kinabitan na nila ako ng mga kung ano sa ibat ibang parte ng aking katawan. Hindi ko talaga alam kung anong totoong ginagawa nila sakin basta may nararamdaman akong pumapasok na liquido sa katawan at Ilang sandali pa ay dumilim na ang paligid.
Kinabukasan na ako nagising, Hindi ako nakakapag dinner kapag ini examine ako kaya doble ang kain ko kinabukasan, katulad nito.
Kumakain ako ng breakfast habang kaharap ang bintana. Umuulan nanaman sa labas ngunit hindi na ganoon ka dilim ang langit.
BINABASA MO ANG
Running From The Cure
FantasyIreese Sydens, A Girl who is different from everyone but because of her uniqueness she's able to help others. but the replacement is her freedom as a person. Kaya ba syang tulungan ng sariling nyang mahal sa buhay? O ang mga taong hindi nya inaasaha...