Abala kong tinitignan ang pag patak ng dugo kong kulay lila, Hindi ko alam kung bat nangingisi pa ako habang sinasaktan ang sarili gamit ang pag hiwa ng matalas na bagay na binulsa ko galing sa examination room kanina."Eto ba ang gusto nila? Bakit hindi na lang nila kunan ako ng dugo hanggang sa gusto nila." Kinakausap ang sarili.
Pero kung nagkakahiyaan pa sila ako na lang ang gagawa.
Wala pa sa kalahati ang dugo kong nasa glass bottle na tinakas ko din sa isang lab room.
Ni hindi ko na maramdaman ang sakit dahil wala pa ito sa kalahati ng ginagawa nila sakin sa bawat examinasyon.
Hindi lang pag tetest ng dugo pati pagkakawalang malay at iba pa ang ginagawa nila sa katawan ko.
Pinaglalaruan lang nila ako sa madaling salita.
At kung yun ang gusto nila edi makikipaglaro ako.
Syam na taon. Syam na taon na akong nagkukulong rito at walang magawa para sa sarili.
Bumukas ang pinto ng cr at nadatnan ako ng isang bakulaw na ginagawa ito.
Hingal na hingal sya nang pumasok sa bathroom ng silid ko.
"O ayan para sa inyo, diba yan ang gusto nyo?"
Itinuro ko sa kanya iyon bago ako lumabas doon.
Agad nya akong tinusukan ng kung ano sa braso kaya unting nandilim ang paligid.
Pagkagising ko ay Sinugod nya pala ako sa kung saan at ginamot nila ang mahabang hiwa sa pulso ko. Ilang saglit ay unti unting nawala ang pamumula at ang sugat doon kaya ikinataas ng kilay ko iyon.
Nakaka tuwang nawala lahat ng galos ng ilang minuto lang.
Tumayo na ako sa pagkakahiga at hinarap silang lahat.
"Uulitin ko, Para mapag aralan ko kung pano nyo yun nagawa"
Sinadya kong iparinig sa kanila bago tumayo at lalabas na sana.
"Ikaw ang gumagamot sa sarili mo"
Napahinto ako ng marinig yun at hinarap ang bakulaw na nagsalita.
Mas matangkad ako sa bakulaw na ito, Hinarap ko sya at madali kong natanggal ang nakataklob o balot nya sa ulo at dun nakumpirmang babae sya.
Inayos ko ang ang mga takas ng buhok, Magulo na ang ponytail nya dahil sa sinusuot nilang pangtaklob sa ulo.
"Talaga ba? May naka ipong dugo dun kunin nyo na lang sa kwarto kung gusto nyo ding magamot ang mga baliktad nyong utak."
Bumalik ako sa kwarto at walang nag bago, Naka higa na naman ako at nakatingin sa kisame. Ang maliit na memorya na lang kasama ang magulang ko ang bumubuhay sakin araw araw.
Hindi ba sila nag aalala?
Ilang taon na akong nawawala pero hindi ko manlang naramdaman na gumagalaw sila para hanapin ako.
Hindi ko masasabing walang kaya at mahina ang pamilya ko, Maraming connections ang tatay ko at ang pinagtataka ko ay hindi man lang sila nagpaparamdam na kumikilos sila para bawiin ako.
Walang ginawa ang mga tao dito kundi ang ikulong ako, Ni hindi ko nakikita ang araw at gabi malalaman ko na lang sa orasan na nadadaanan sa mga pasilyo.
Hindi ko pa nakikita ang sarili sa harap ng salamin kung may pinagbago ba sa katawan ko ay hindi ko alam at ang mga taong nandito lang ang makakapag sabi.
"Pinapatawag ka sa opisina ni Doctor.Pyslee"
Hindi ko na pinansin ang presensensya ng isang bakulaw at sumunod na sa kanya papunta sa opisina ng lider ng mga bakulaw.
BINABASA MO ANG
Running From The Cure
FantasyIreese Sydens, A Girl who is different from everyone but because of her uniqueness she's able to help others. but the replacement is her freedom as a person. Kaya ba syang tulungan ng sariling nyang mahal sa buhay? O ang mga taong hindi nya inaasaha...