GIO POV
naiinis lang si gio pumasok ng monday alam nya kasing wala si aila pag pasok nya malamang bukas pa ang pasok noon pero wala syang magawa dahil makukulit ang mga kaibigan nya at pinilit syang pumasok. '' dude anong plano mo kay shadow? tanong ni alex '' kakausapin mo na ba sya'' si alvin '' liligawan mo na ba sya? tanong ni marvin na pa smirk sya sa sinabi nito " di ko pa nga nakakausap pano ko liligawan.... bulong nya bigla na lang syang natigilan ..shit,, nasabi ko ba yun? kinakabahang sabi nya sa sarili napatingin sya sa mga kasama nya bigla kuminang ang mga mata ng mga ito parang nakarinig ng magandang balita di man nya gustuhin talagang namula sya sa tinging binigay ng mga ito sa kanya sabay sabay na nag ingay ang mga ito " EHHHH!!!! parang mga baklang kinikilig na sabi ng apat " binata na si boss! si alex " tuturuan kitang mangligaw! si marvin " sige paubaya ko na sayo si shadow" nakangising sabi ni alvin " parang naging sayo si shadow ah! inirapan pa ni marvin si alvin dahil sa sinabi nito " pre patanong na rin kay shadow kung may kapatid sya para maligawan" nakangising sabi ni adrian sa kanya natapos ang araw na puro si aila ang pinag uusapan nilang magkakaibigan at kung paano nya daw yun liligawan.
kinabukasan excited pa syang pumasok katunayan mas maaga sya kaysa sa inaasahan di na nga nya hinintay ang apat maaga syang nag abang sa parking lot baka kasi maagang pumasok si aila gusto nyang sya ang unang bumati rito champion kasi sila sa labang pinuntahan nila noong friday. pero sa kasamaang palad walang ailang dumating nasa canteen sila at halata ng mga kaibigan nyang badtrip na sya " dude baka naman pagod kaya di pumasok" si alex " pagod tatlong araw na walang pasok sya pagod pa din? nakabusangot na sabi ni marvin " baka me lakad" si alvin " anong lakad me date sya ganon? iritang tanong ni marvin dito bigla syang nakadama ng inis sa sinabi ni alvin kaya tiningnan nya ito ng masama " ah.. ehh b-baka m-me sakit? kinakabahang sabi nito " pre wag ka na ngang masyadong mag isip papasok naman yon paniguro bukas eh di itanong mo na lang sa kanya bukas bakit sya absent" si adrian sya lang ang may matinong naisip sa apat " oh.. eh.. oo nga papasok na yun bukas kaya chilax ka lang dyan" nakangiting gatol pa dito ni alvin.
kinabukasan ganon uli ang ginawa nya pero di nya maiwasan na hindi maiinis kay aila pano ba naman kasi hindi nanaman pumasok pinaghandaan pa naman nya ang speech nya kagabi kung paano nya itatanong dito kung bakit ito absent kahapon pero wala eh wala pa rin ito kaya niyaya nya na lang ang mga ito sa bar " dude baka may sakit talaga sya" si alex " sinong nakakaalam ng address nya? tanong nya sa mga ito kung talagang may sakit ito dapat lang nya ito dalawin " eh di ba wala naman tayong nakuhang info nya tungkol doon" si alvin " pre ok lang yan papasok din yun" si adrian "hanap na lang tayo ng chix dito para makalimutan mo yang shadow mo" si marvin na halatang nang aasar lang " tsk.. bahala kayo dyan iinum lang ako" sabi nya sa mga ito hindi naman talaga sya mahilig sa mga babae katunayan si aila pa lang talaga ang babaeng nabigyan nya ng interest " tsk.. di ko akalaing loyal ka pala di mo pa nga naliligawan ganyan ka na" si marvin na halatang nang aasar " sus marvs parang di ka pa sanay dyan kay boss parang si alvin lang yan eh"si alex " oo nga si alvin na kulang na lang pakasalan ang laptop nya" dagdag pa ni adrian " o pano ako nasali dyan? takang tanong naman ni alvin sa mga ito at yun na nga nag simula nanaman mag ingay ang mga kaibigan nya.
kinabukasan wala na syang ganang pumasok ng maaga kaya nalate sya sa unang subject nya pero lalo lang syang nanlumo ng malamang wala pa din si aila natapos nya ang unang subject pero di na sya pumasok sa dalawa pang sunod na subject nya tumambay lang sya sa rooftop sa tambayan nila at natulog wala na syang balak pumasok mag papaalam lang sya sa mga kaibigan nya bago umalis. ilang oras na rin ata syang natutulog ng magising sya sa ingay ng mga kaibigan nya. ..tsk.. alam nilang may natutulog istorbo talaga! iritang bulong nya sa sarili " asan ba sya? dinig nyang tanong ni alvin " naku baka mawala uli yun san ba si boss? tanong naman ni alex nang marinig nya ang pangalan nya agad syang tumayo sa pwesto nya " oh andyan ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap bakit ka kasi agad lumabas ng room? tanong ni alvin tiningnan nya lang ito ng nakakabagot nyang tingin obvius ba tinatamad na sya " uwi na ako" malamya nyang sabi " hindi pwede boss! si alex uli nangunot ang noo nya rito " pre pumasok na sya pumasok na si shadow! nakangiting sabi ni adrian bigla syang nabuhayan ng loob sa sinabi nito " asan sya?! tanong nya sa mga ito " asa canteen! sagot ng apat agad agad na bumaba sya sa rooftop papunta pa lang sila sa canteen ng makarinig sya ng bulong bulungan " talaga may bagong royalties? tanong ng isa tingin nya taga dark horse ang isang yun " oo ang ganda nga nya eh asa canteen" sagot naman ng isa dito " ano raw pangalan? tanong ng parang leader nila " ewan ko di naman narinig nagpakilala kanina pero pre grabe para syang anghel! sagot pa uli ng isa napapailing na lang sya sa mga ito at tiningnan ang mga kasama na sabay sabay na umiling.
BINABASA MO ANG
her secret
Randomisa lang syang ordinaryong teenager... walang nakakapansin sa existence nya sa mundo...... walang nakakaalam sa kanyang tunay na pagkatao... walang pwedeng umalam.... walang nakakapansin sa mga ginagawa nya.... walang pwedeng makahalata.... dahil p...