39. 《Past》

564 23 0
                                    

Marky's POV

Nagpapahangin ako ngayon dito sa rooftop ng building ng condo ko, kasama si baba na 2 timer na nagngangalang Brix.

Gusto ko sanang mapag isa pero mapilit ang kumag. Ayos nadin yon dahil may gusto akong malaman.

"May problema kaba?" he asked. Tumingin ako sa kanya at pinag masdan sya. nagtanong kapa talaga ah.

"meron"

"mag sabi kalang sakin, tutulungan kita, remember? I'm your boyfriend" Waw kapal muks ka sa part nayan. Correction fake boyfriend

"Boyfriend pala kita?" mahina kong sabi sabay tingin sa malayo, pero alam kong rinig nya yon dahil lumingon sa sakin. "..hindi kasi ayon ang pinapakita mo sa kanila." sambit ko. Alam kong may gusto syang sabihin pero hindi nya masabi.

Huminga ako ng malalim atsaka muling binalik ang tingin sa kanya.

"May gusto kaba kay Julia?" Tanong ko na kinagulat naman nya. "Wala namang masama kung sasabihin mo sakin. Hindi naman tayo totoong mag jowa tsaka para aware nadin ako." Dugtong ko. Pero ang wala hiya nakatingin lang sa malayo. snobber amp

Kita ko ang paghinga nya ng malalim "Hindi ko sya gusto." maikli nyang sabi ang haba ng sinabi mo brad, nahalata nya naman ang tingin kong nagtataka.

"Ok fine. Inarraged Marriage kami ni lola" sabi nya. psh kunwari nagulat ako. Tumingin sya sakin at nag tataka na wala akong reaction. bat parang nalungkot sya? Siguro dahil ipapakasal sya sa hindi nya mahal.

"Nung araw na tinulungan ko syang tumayo sa sampal mo, ay dahil nakatingin sa inyo sa malayo si lola. Alam kong hinihintay nya kung ano ang gagawin ko." paliwanag nya. O_O omo!

Ibig sabihin nakita ng lola nya na sinampal ko si julia? anak ng! ako pa ang lumabas na masama. Nalungkot ako sa sinabi ng brix nato, bigla kasi akong nahiya, hindi ko sya sinagot at yumuko lang

"Now, tell me your problem"

-----------------

Brix's POV.

Tumingin ako sa babaeng katabi ko ngayon, nakita ko syang nakayuko. Ang awkward din ng atmosphere namin kaya nagsalita nako.

"Now, Tell me your problem" Bigla namang tumingin sa malayo si marky at malalim na huminga. Sa totoo lang namimiss ko na ang kulitan namin ng bugsy nato, hindi ako sanay na ganyan sya. Malungkot

"Nakita ko si Krisha. ka k-ka halikan nya si jyn" halos pabulong nalang ang huli nyang sinabi. What's the matter, hindi basya masaya para sa kaibigan nya? sabagay si jyn yon kapatid ni Zyrille.

"Jyn? you mean, Zyrille's younger brother" tanong ko at nag nod naman sya don. "Anong problema? Hindi kaba masaya para sa kaibigan mo?" Tanong ko na agad naman kinayukom ng kamao nya. i saw it.

"No. Because Jyn is my ex" O_O ang liit naman ng mundo nilang dalawa. "Kilala ko sya, nabanggit sakin ng kaibigan nya na lahat ng nagiging babae nya, pinaglalaruan nya!" dagdag nya.

"so you mean, pati ikaw pinag laruan nya?" nagnod lang sya kawawa naman ang babaeng to. ang awkward uli ng atmosphere namin. "kwento kanaman" Galak kong sabi sakanya

---------

Marky's POV

*flashback*

Eto na ata ang pinaka masayang araw ko. Sinurprise kasi ako ni jyn kanina sa Avr ng school, may mga lobo pa binigyan nya din ako ng Ferrero at bouquet flowers. Diba sobrang romantic ng boyfriend ko. Ewan ko kung bakit ako ang napili nya. Madaming maganda sa school namin at madaming famous. Bat ako? hihi

Nasa canteen kami kasama ang mga tropa nya galing nga kasi kami don sa AVR nitong school kung saan nya ko sinurprise.

Never naging sakit sa ulo sakin si Jyn, nabanggit din nya na may ate sya pero taga manila at kasing edad ko lang daw. May family daw kasi na pilit syang sinasama dito sa probinsya, pumayag naman ang mga magulang nya kaya sumama na daw sya at dito na nag aral. Jyn is just a 14 yrs old at ako 15 na.

"Baby, i have to go. We have training, mag aayos na kami." Sabi ni jyn sabay halik sakin sa noo. Ngumiti lang ako sa kanya. " See you later" sabay kindat. Ahhkk ang pogi talaga ng boyfriend ko.


Sumama lahat ng kaibigan nya sa kanya, kinikilig ako dito ng mapansin ko si harrenz, nagtataka kasi ako bat sya nag paiwan? kaibigan nya din si jyn at kasali din sya sa training Tumabi sya sakin at seryoso padin ang muka nya. Mukang hindi napansin nila Jyn na hindi nakasunod sa kanila si Harrenz

"hindi kaba sasama sakanila?"tanong ko, pero seryoso padin sya.


"Babalaan kita marky." panimula nya, nakakatakot sya tumingin kaya parang kinikilabutan ako sakanya. weird "Huwag kang masyadong magtiwala sakanila" papalapit nyang sabi kaya naman unti unti ko din nilalayo ang muka ko. Tumayo sya, seryoso padin ang muka nyang nakatingin sakin. "manood ka sa training mamaya ng hindi nalalaman ni Jyn, makikita mo ang sagot" sabi nya atsaka umalis. naiwan naman akong tulala don sa upuan ko


Kahit hindi sigurado, kinakabahan padin ako sa sinabi sakin ni harrenz.Nag ready ako at bumalik sa room para kunin ang gamit ko. Kelangan kong malaman ang totoo, nakita ko pa si audrey na nakatingin sakin na may pagtataka seatmate ko pero hindi ko sya pinansin, kinuha ko ang bag ko at agad akong umalis ng school.


Pumasok ako sa court na pinag tetrainingan nila ng tahimik at wala panaman sila, umupo ako sa pinaka tuktok. Sulok yon kaya hindi ako mapapansin, madilim din sa part ko, kaya sure akong hindi ako kita.


Biglang bumukas ang pinto maiingay sila at nagtatawanan pa. Ibang court kasi tong pinag tetrainingan nila. Kumabaga labas nasya ng school. Nakita ko si harrenz na iniikot ikot ang ulo sa buong court, halatang hinahanap nyako, pero hindi nyako nakita, dumiretso nalang ulit ang tingin nya.


Huling pumasok ng court si Jyn, at may kaakbay syang........ babae? Ng makita ko yon agad akong napatayo, pero hindi ako bumaba. Nangingilid ang luha ko pero hindi ko yon pinansin, nakatitig lang ako sa kanila. Ung babae may subo subo pang lollipop.


Pinaupo nya din ang babae sa tabi nya. kada break, panay ang abot nitong babae kay jyn ng tubig kaya panay din ang pito ng mga kasama nya like

"Ang sweet naman!! sana all!"

"Pre pakilala mo naman kami sa bago mo"

"sana all paiba iba ng bebe"

ayan lang naman ang mga sigawan nila dahilan para lalong tumulo ang luha ko. Grabe, sumasakit na ang ulo ko. Ganyan din kasi ang mga kaibigan nya samin.

Natapos ang training, lumapit ulit si jyn don sa babae at O_O hinalikan nya yon. Nag init ang ulo ko, hindi ko macontrol ang Katawan ko. Bumaba ako sa pinagtataguan ko. Halatang nagulat lahat sa pag baba ko kasama si jyn na huminto sa paghahalikan. Wala nakong pake kung makita nilang may luha ako basta isa lang ang nararamdaman ko. nasasaktan ako

Ang Malibog Kong Fake Boyfriend (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon